Chapter 31

4.8K 109 7
                                    

 

CHAPTER 31

Naalimpungatan ako nang maramdaman ang makulit na paggalaw ni Clea. Kinukusot niya ang kanyang mata.

I don't know, but it's her Purple crying months. It is the time in a baby's life where they cry more than any other time.

Tiningnan ko ang oras sa aking side table at nakitang ala singko pa lamang ng umaga.

Sumakit ang ulo ko, halos wala pa akong tulog. Dumiretso na ako rito pagkatapos nang maikling pag uusap namin ni Jared, kung pag uusap nga ba iyon dahil galit ko lamang ang nailabas ko sa kanya.

Hindi ko alam kung saang kwarto siya natulog kagabi. Iniwan ko siyang nakaluhod at umiiyak roon. How heartless I am.

Tumayo ako, buhat-buhat si Clea para bumaba sa kusina, balak kong uminom ng isang basong gatas, ganoon kasi ang ginagawa kong pang pa-antok.

I don't mind wearing a Skin pink nighties dahil alam kong ako lang ang gising sa oras na ito. Malamang kasi ay mga lulong pa sila sa tulog dahil sa pagod o hindi kaya ay wala rito sa mansion.

Kumuha lang ako sa refrigerator ng box of fresh milk saka isinalin sa aking baso. Tulog sa balikat ko si Clea, medyo mabigat na nga siya ngayon, eh. Hindi naman siya mataba, she's just a chubby and cute baby lalo na ang mga pisngi niya.

"You're up already?"

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon.

Lumapat ang mga mata niya sa batang natutulog sa aking balikat habang nakasandal sa doorway nitong kusina.

Hindi ako nakasagot at mariin lang siyang tiningnan. Naka grey sweat pants at simpleng white T-shirt na lang siya ngayon. Simpleng ayos niya pero ito pa ang mas may malakas na dating sa akin kahit noon pa nang nagsasama kami.

"Nagpapa antok ka ba?"

He asked again as he walked closer to me. I silently nodded and drank from my glass.

"Ris....." tawag niya.

Hinahaplos ko ang likod ni Clea nang hindi nililingon ang taong tumawag sa akin. Nakatingin lang ako sa basong nasa harapan ko na naglalaman ng gatas.

Hanggang ngayon hindi ko inaasahan na maghaharap kami ng ganito.

"Why didn't you tell me about our daughter?"

Matunog akong napangisi nang marinig ang tanong niya. Pati ang boses niya ay nakakairita sa oras na ito.

I gazed at him, still smirking. "Do you hear yourself, Jared?" I sarcastically asked.

I gritted my teeth when I remembered how he dumped me in the hallway when I was about to tell him that I'm pregnant. Breaktime nila noong mga oras na 'yon.

"You didn't give me a chance to be with my daughter, Ris. Why did you have to hide this from me?"

I'm throwing him bloodshot eyes. I stood up and faced him, proud and still.

"Gusto kong humalakhak sa mga pinagsasabi mo. Kailan mo ginustong pakinggan ako? And mind you Jared, anak ko! Anak ko lang! Nasaan ka no'ng nagbubuntis ako?!" mariin kong sumbat sa kanya.

His jaw clenched, but still I couldn't figure out what's on his mind. Hindi ko makitaan ng galit o inis ang mukha niya. Nanatili ang mga mata niya sa'kin ngunit hindi niya tinangkang sumagot.

"Ba't hindi mo ngayon itanong sa'kin kung bakit mas pinili kong ilayo sa'yo 'tong bata?" nakangisi kong bato sa kanya.

Gumalaw si Clea kaya napunta roon ang atensyon naming dalawa. May pula na sa pisngi ng anak ko kaya inilipat ko siya sa isa kong balikat. Tinapunan ko ng masamang tingin si Jared nang akmang lalapit siya sa amin.

Burning Desire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon