Chapter 25

4K 100 21
                                    

 

CHAPTER 25

"What are you doing?" Vanessa asked as she watched me doing some needle stuff.

"Tinatahi ko 'tong kurtina sa bintana na napunitan kahapon."

Tumawa naman siya at napailing sa akin. "Ano kayang gender ni baby? Pa surprise pa kasi, eh. Nai excite din tuloy ako— Oh, hi Tin!" Ani niya saka kinawayan si Kristine na napadaan sa aking likuran. Tinanguan naman siya nito at sinabing sasaglit lang sa itaas.

Doon kasi ang kwarto niya. Nagpalit kami kaya ako na ang nasa baba. Mahirap na at buntis.

"Excited din ako sa gender ng anak ko, noh!" I said while chewing some gummy bears. "Kamusta na kaya si Mommy, an— A-Aray!"

Napatigil ako sa ginagawa at napahawak sa aking tiyan. Humilab ito bigla. "Hey! Manganganak ka na ba?" Nagaalala niya akong tiningnan.

"M-masakit, Vanessa! Ahhh!" Napapikit na ako sa sobrang siklab ng sakit, sumunod din ang pagputok ng kung ano sa aking baba. Dumaloy ang tubig dito.

"M-My water broke!" Napamura siya sa kabilang linya at sumisigaw ng tulong na para bang maririnig siya mula sa kabilang linya.

"Tin! Tulong!" Natatarantang bumaba si Kristine sa hagdan at dali-dali akong pinatayo. Hinayaan na namin si Vanessa sa Video.

"Jusko! Humiga ka na riyan sa kama mo at tatawagin ko lang si Mama." Tumakbo siya sa labas at sumigaw na ng tawag.

Naiyak na ako sa sobrang sakit ng aking tiyan. Parang gusto ko na lang biakin at iluwa ang bata!

Bakit pa naisipan ko pang manganak dito sa bahay?!

"B-bilis! Damn! A-ang sakit!"

Humahangos naman si Auntie Agnes at si Nanay na isang midwife. Inabot sa akin ni Kristine ang nirolyong towel at pinakagat. Nanginginig akong humawak sa itaas ng aking unan.

Tinutulak ni Nanay ang sa itaas ng aking bilugang tiyan gamit ang isang kamay niya habang pinipilit akong umire ng malakas.

"Sige pa! Itulak mo pa, hija. Kita ko na ang ulo ng bata."

"Ahh! Ang sakit!" Nagsialpasan ang luha sa aking mga mata. Hindi masarap magbuntis! Sobrang sakit!

"Hmmm...." Pinilit ko ang isang malakas na ire pagkatapos ay hinabol ang aking hininga. Sobrang pawis na rin ang lumalabas sa akin.

"Isa pang ire. Lalabas na ang paa ng bata!" Pagkasabi niya nun ay ibinigay ko na ang buong lakas ko sa pagtulak.

Napapikit ako at napahinga ng malakas nang maramdaman ang tuluyang paglabas ng baby.

"It's a girl. She's so beautiful, Cleine." Nakangiti sa direksyon ko si Auntie Agnes.

Pinalo ni Nanay ang pwetan ni baby saka ito bumalanghit ng iyak. Marahang kinuha ni Kristine ang bata habang nakabalot sa isang puting lampin at inilapit sa akin.

"M-my baby." Hinang hina ako at malat pa ang aking boses. Parang gusto ko na lang itulog 'tong pagod at sakit na nararamdaman ko.

Muli na namang umalpas ang aking luha nang mahawakan ko ang aking anak. Napahikbi ako ng maliliit habang nilalaro ang kanyang kamay. May iilang dugo pa siya sa katawan.

"Anong ipapangalan mo, anak?" Nakangiting tanong ni Auntie Agnes habang nakadungaw sa amin.

"Fayra Cleatrine Nueva..."

"Ang ganda naman!" Ani ni Kristine.

Tinitigan ko ito habang nasa aking bisig. Pilit siyang dumidilat habang malikot ang mga paa. Napatanga ako ng makita ang kulay ng mata niya.

Burning Desire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon