Chapter 10

4.4K 116 16
                                    

 

CHAPTER 10

I was kinda sleepy today kaya wala akong ginawa sa vacant time ko kundi umidlip lang dito sa loob ng office.

Maaga akong pumasok ngayon dahil ayaw kong malate. Sariling kotse ko naman na ang dala ko. Pero sa inaga-aga ng pasok ko nauna pa rin talaga sa akin si Dad umalis. Wala rin naman ako masyadong ginawa puro pa mga paperworks kaya mas lalo akong inaantok.

Buti na lang maganda ang tanawin ng office ko na ito. Kaya rito muna ako tumingin-tingin sa labas dahil hindi na ako makabalik sa pagkaidlip.

May lake kang makikita sa ibaba, marami ring mga puno dahil nasa mataas na parte ang aking opisina. Nagrequest talaga ako na sana naman kahit papaano maganda 'yong labas na makikita ko galing sa glass wall ng opisina para naman magaan sa loob. Nakakatanggal yamot din pagmasdan ang mga nasa ibaba.

I was busy sightseeing when I heard a knock.

"Sorry for disturbing you, Ms. Cleine, but you have a meeting with the CEO." my appointed secretary reminds me.

Shit! Oo nga pala, Dad wants us to talk.

Tumango ako at lumabas na. Kada madadaanan kong employee ay binabati ako.

Mahina akong kumatok sa CEO's office bago pinagbuksan ni Nanay Lena. Ngumiti pa siya sa akin at isinenyas na pumasok na.

I smiled."Hi, Dad." at bumeso.

"You did great yesterday or my secretary was just biased because she's fond of you." he mocked me. Tumawa ako at pabirong napairap.

"Really, huh,"

"Kidding aside. Have a seat." umupo ako sa couch na pang tatluhan habang si dad naman ay nasa kaliwang side ko na single couch nakaupo.

"Nay Lena, Saan na 'yong dalawa?"

"Ito na ho sir." aniya at nakita kong papasok na sa loob si Cloud and Jared.

"Akala ko tayo lang dalawa, Dad?"

Tumingin siya sa'kin na nagtataka.

"Hindi ko ba nasabi?" napairap ako, umayos ng upo nang tumabi sa akin si Jared. Napausog tuloy ako sa dulo nitong couch.

Si Kuya Cloud naman ay nasa harapan namin. Tumango si Dad sa kanyang secretary kaya lumabas muna pansamantala si Nanay Lena.

"Hi cous'." bati niya at nag ngising aso pa sa akin.

"Shut it, Cloud."

"Kuya." Ma awtoridad na baling sa akin ni Dad. Kaya natahimik ako habang itong katabi ko ay narinig ko ang pagngisi.

"I mean Kuya Cloud......" labag sa loob kong sambit.

Tumango ang aking ama at umayos ng upo. Pinagcross ko ang aking hita at sumandal ng upo.

"Anyway, what's the matter, Tito?" Jared asked at umusog pa ng konti sa side ko.

"Okay, so here's the thing... I will be out for 2 months and I want to appoint my daughter as a temporary CEO." Wait—w-what?

"D-dad! What are you talking about?!" I bursted out.

"Why? Is there any problem? Walang ibang papalit sa akin kundi ikaw." tinaasan niya ako ng isang kilay.

Marahas akong napasinghap at napatayo ngunit mabilis din ang pag abot ni Jared sa kamay ko, ibinalik ako sa pagkaka upo.

"Hey..." he eyed me, pero hindi ko siya pinansin.

"Are you kidding me? Why not Kuya Cloud. Halos dalawang araw pa lang akong under training!"

"Cous'......" I saw how he massaged his temple.

Burning Desire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon