Chapter 15

3.7K 100 25
                                    


CHAPTER 15

"Breakfast na." Vanessa knocked on my room.

"Susunod ako." inaayos ko pa kasi ang iilan sa gamit ko. Sari sariling kwarto kaming anim. Sobrang laki nitong almost mansyon na ito sa gitna ng isla, ang daming guest room.

Magkatapat ang kwarto namin ni Vanessa at sa gilid ko naman ay kay Cloud.

"Wow! Ang bango!" ani ko nang makababa sa dining area sa first floor. Ang ganda talaga ng tanawin. Masarap kumain dahil dagat ang harap nitong bahay at kita mo ang maalon na tubig dahil glass wall ito.

"Saan ang iba?" tanong ng mayordoma dito. Sinagot naman siya ni Vanessa na lumipat ng upo sa aking tabi.

"Tinawag ko na po. Pasunod na rin iyon."

Maya maya lang ay dumating na din sila. After breakfast ay nagpahinga lang kami saglit dahil naisipan namin magswimming sa dapit hapon.

"White looks good on you." she's preferring to my white two piece.

"Really?" nasa kwarto ko kasi siya para samahan ako pumili ng susuotin.

Nakaidlip naman kami kanina kaya may energy kami ngayon. Hapon na rin pero hindi na masakit sa balat ang araw.

In just a minutes, I took a shower and wore my white crisscross two piece under my White floral dress.

Bumaba na rin kami pagkatapos magbihis. Naabutan naming nagu- usap si Jared and Louie. Sobrang gwapo ng lalaking gusto ko sa suot niyang trunk shorts at blue hawaiian polo.

Si Vince naman ay may kausap na babae, mukhang may lahi. Hindi ko naman mahagilap si Cloud.

Inaalon ng hangin ang suot naming dress habang naglalakad palapit sa kanila. Napunta sa amin ang mata ni Jared nang mapansin na sa direksyon niya ang lakad ko. Si Vanessa hindi ko na napansin na nawala na sa aking tabi.

"You look—"

I cut Louie's words. "Look what?"

"Diwata." tumatawa siyang tumalikod sa amin. Humarap naman ako kay Jared.

"Hi." kiming ngiti ko, inilagay niya sa aking bewang ang isang kamay.

I bit my lip at lumingon sa ibang direksyon. Hindi ko kinakaya minsan ang intesidad kapag magkadikit kaming dalawa.

"You will swim?" he asked in a deep tone. 

"Sana, ikaw?" Umiling siya at seryosong inaayos ang aking nakalugay na buhok.

Magkasabay kaming naglalakad sa buhanginan patungo kila Vanessa na nakaupo sa may tela na nakalapat sa buhangin.

"Cleine, ligo na tayo." masiglang salubong niya.

"Okay."

Napahagalpak ako ng tawa nang hubarin niya bigla ang kanyang dress. Lumaki tuloy ang mata ni Vince.

"Show me your sexy booty." bulong niya habang hinihila ang aking damit.
Natatawa kong hinubad ang aking floral dress at inilantad ang aking white two piece.

Narinig ko ang mahihinang mura sa likuran ko. Maya maya lang ay may naramdaman akong init ng palad na nakapulupot sa aking tyan.

Nahampas ko ito ng wala sa oras. "Jared. Maliligo muna kami."

"Not with this piece of sheet." I heard him greeted his teeth.

Humarap ako sa kanya, inilapat ang aking dalawang palad sa matipuno niyang dibdib.

"Let me." humigpit ang mga kapit niya sa akin bago sapilitang tumango. I even saw his jaw tightened. Naga alab din ang mga matang nakatingin sa akin.

"Eyes up here, baby." I teased when I saw him stare down on my exposed cleavage.

Burning Desire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon