Prologue

2.1K 124 26
                                    

♥ Shin Yu ♥

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Shin Yu


"Nandiyan na ang mga Dy."

Sumilip agad ako sa bintana. I saw Calvin holding a huge gold and white box with a lot of white and red assorted flowers in it. Kasunod niya ang mga may dala ng Sin Na. He didn't look happy, but he was smiling—and he should.

It wasn't like we both wanted what was gonna happen once he stepped inside our house.

Ting Hun.

It was his first, it was my third, and my family would never like to have another one in the near future. I'm already thirty-two years old, and they're tired of dealing with my issues.

For a man like Calvin Dy, nagdududa ako kung bakit pumayag siyang magpakasal pa rin sa akin, knowing na divorced ako nang dalawang beses at ilang beses na siyang pinigilang makalapit sa akin ng pamilya naming dalawa.

My first husband "died" in an "accident," and after a year, my relatives saw him living with another lady in New Zealand, and they had a baby boy. Okay na sana ako sa namatay na, kaso nagpakita pa. Napakainutil talaga kahit kailan.

My second husband filed for divorce, basically because "he didn't want me anymore." And he wanted another wife—the kind of wife na masasabi niyang asawa talaga. Ayaw pang maging honest na natatakot siyang patayin ng pamilya ko pagdating ng panahong tapos na ang pakinabang niya sa kanila. 

My first two husbands didn't experience being husbands under me. Hindi ako nagpakasal para lang maging alila at palahian ng mga lalaki gaya ng inaasahan nila sa akin. Hindi ako susunod sa kahit na sino, hindi ako luluhod sa kahit na sino, at hinding-hindi ako magpapa-submit sa kahit na sino . . . at wala akong pakialam kung kasal kami ng kung sino mang gusto ng pamilya ko para sa akin.

Kung may problema ang asawa ko sa akin, mag-usap sila ng palad ko.

I wore a white Mandarin-collared dress with golden laces and intricate designs. They tried to give me light makeup just to hide the fierce parts of my face. Mas gusto ko sana ng simpleng powder lang para hindi ako mapawisan, pero pinagalitan ni Ditse ang makeup artist kasi mukhang mananabotahe na naman daw ako. Gusto ko rin sanang maglugay pero ginawa pa rin nilang bun ang buhok ko at nilagyan ng bronze and gold hair stick na may design na dragon.

I could hear the noise from the floor below. Parents ko ang magbababa sa akin sa event area. I didn't have a chance to see it before the preparation, and maybe it wouldn't surprise me at all kung makita ko man.

Calvin and I hadn't had a good history. It was far from good. We had it the worst. Kaya nga nagtataka ako kung bakit pumayag ang pamilya ko ngayon sa engagement knowing na halos bakuran kami ng mga pamilya namin noon, huwag lang siyang makalapit sa akin.

Ting Hun is basically the exact definition of pamamanhikan, but in Chinese. And now, Calvin's going to ask my parents, formally, to be his bride.

It was funny, though. Because the last time Calvin held my hand, he told me he would cut it until I bled to death. It was a warning dahil may ginawa na naman akong hindi niya nagustuhan.

Pero kailan nga ba ako gumawa ng magugustuhan niya?

Medyo maingay na sa ibaba. My family was supposed to "welcome" Calvin's family, as per tradition says kasi papapasukin na siya sa buhay ng mga Yu. At last, I thought?

"Shin."

Paglingon ko sa pinto, tinatawag na ako ni Mama. Ayokong sabihing nakita ko na si Calvin mula sa labas kasi pagagalitan niya 'ko. Bawal ko pa kasing makita ang mapapangasawa ko kasi malas daw 'yon.

Parehas kami ng ayos ng buhok ni Mama. Naka-bun at may isang hair stick. Naka-Mandarin-collared dress din siya at jade and gold ang kulay. Maliban sa ginuhitang kilay at sobrang puting mukha, red lipstick lang ang angat na angat sa makeup niya.

Lumapit na ako sa kanya at bumaba agad ang tingin niya sa mga braso kong may mahabang laced gloves na hanggang siko. Wala silang magagawa kundi takpan ang lahat ng markang meron sa katawan ko ngayon na magpapamukha sa kanila kung gaano sila kawalang kuwenta bilang mga magulang sa 'kin.

Pag-angat niya ng tingin, walang kahit anong mababasa sa maliit niyang mga mata kundi pagkadismaya. "Come here," utos niya at mahigpit ang hawak sa mga braso ko—klase ng hawak na hihigpitan pa niya kung sakaling tumakbo ako.

Pinatalikod niya ako sa paglalakad habang nakaalalay sa akin. Ang seryoso lang ng tingin niya habang kinakausap ako.

"I don't want another failed marriage this time, Shin," mahigpit na paalala niya. "Hindi sa mga Dy."

Paatras akong pinababa ng hagdanan—para nga raw maiwasan ang negative energy at para hindi ko makita ang groom. Si Mama ang lucky lady ko ngayon bilang symbol ng isang married lady na may anak, malusog, at mayaman. Noong nakaraan, si Ditse. Noong una, asawa ni Ahia Jian.

Pagbaba ko ng hagdanan at pag-ikot ko ayon sa instruction ni Mama, na alam ko naman na, saka ko lang nakita ang venue na iilan lang ang mga bisita—mga pamilyar na mukha ng dalawang pamilya. Hindi kasing-enggrande noong unang Ting Hun, hindi rin kasindami ng mga inimbitahan noong pangalawa. Maaaring sumahin na hanggang forty o fifty attendees lang ang nasa event ngayon mula sa mga Yu at Dy.

Ang daming white roses na nakasabit sa white curtain na nakadikit sa dingding. Kahit doon sa tabi ng golden Sang Hee backdrop, puro din white and pink roses.

Sa harapan n'on, may mahabang table na nakabalot ng red cloth, doon nakapatong ang lahat ng Sin Na mula sa mga Dy, at mga regalo nila para sa pamilya ko. Jeweller ang mga Dy, hindi na mahirap sa kanila ang magbigay ng mga alahas para sa amin.

Wala akong karea-reaksiyon nang lapitan ko na si Calvin na nakasuot ng itim na amerikana. Nakatitig lang ako sa mukha niyang wala rin namang mababasang kahit na ano. Hindi masaya, hindi rin naman galit, hindi rin naman siya mukhang manggugulo anumang oras.

He was supposed to be my brother-in-law. But after Cai died, ngayon na lang ulit kami magkakaroon ng ganito kalapit na connection sa pamilya nila. Ilang beses siyang inilayo sa akin, at heto na kami ngayon.

He didn't even marry the Phoa's daughter kaya napunta 'yon sa mga Lauchengco. And that happened last month, Catholic wedding pa. Usap-usapan pang bakit daw hindi traditional Chinese wedding samantalang 'yon dapat ang gagawin ng mga Dy at Phoa sa kasal nina Calvin at Melanie.

But the Vizcarras planned the wedding, and the Dardennes backed them up. Knowing Tessa Dardenne, hindi niya pipiliin ang traditions ng mga Phoa over the Vizcarras.

After so many years, I was facing the cause of our tragedy. Every one of these visitors has done their fair share of damage to me . . . and maybe Calvin as well.

"Buti tumuloy ka," pabulong nang pagbati ko kay Calvin pagtabi ko sa kanya. Matipid pa akong ngumiti sa camera na kinukunan kami ng retratong dalawa.

"Nagsisimula pa lang tayo, tinatapos mo na," bulong din niya, at dinig na dinig ko ang pang-aasar niya nang sabihin 'yon.

"Pagsisisihan mong itinuloy mo pa 'to."

"Sige, tingnan natin."

Sa harap ng mga nakatatandang miyembro ng parehong pamilya, kahit anong ngiti nila sa amin, alam ko namang wala sa kanila ang totoong masaya.

Nandito lang sila dahil wala pang asawa si Calvin, at nandito ako kasi wala na silang ibang pagpipilian.

Kinontrol na nila kami noong una, kaya sisiguraduhin kong huling beses na 'to na masusunod sila.



♥♥♥

AGS 5: Kiss of the Red LotusWhere stories live. Discover now