Chapter 26: Prepared

1.4K 123 33
                                    


Mahalaga si Clark. Ilang negosyo ang kaya niyang kontrolin kung sisipagin lang siyang magpaka-demonyo. At kung isa siya sa mga kinatatakutang tao ni Bobby Lauchengco pagdating sa negosyo, may dahilan talaga si Mama para patayin siya. Pero hindi ako makapaniwala na sa dinami-rami ng tao na kakailanganin ngayon ni Mama, si Clark pa.

Unang beses kong makilala si Clark, alam ko nang hindi siya madaling kalaban.

We were eighteen when I first met him. Given na binarkada sila ni Calvin dahil sa Dardenne at Lauchengco na 'yon, pero unexpected si Clark dahil maliban sa mga handler, kinaya niyang kabisaduhin ang kalakaran sa Coastal sa iisang gabi lang.

Ang taas ng respeto sa kanya ni Syaho. Sa dinami-rami ng taong nakilala ko, hindi basta-basta inilalapit ni Syaho ang sarili niya sa personal na lebel sa kung sino-sino lang. Ultimo si Achi na asawa niya, hindi siya ganoon kakilala. Pero si Clark?

Kung ano man ang pakay namin ngayon kay Clark, alam kong hindi iyon sinadya ni Clark para kailanganin namin siya sa alanganing panahong gaya ngayon. Ang mga negosyong hawak niya, ang mga negosyong tinulungan niya, ang lahat ng mga negosyanteng nakakausap niya sa kahit anong estado man, pinakamababa hanggang pinakamataas—alam kong ginagawa niya 'yon dahil masaya siyang gawing 'yon. Dahil inako niya 'yong responsabilidad.

Ngayong hindi maganda ang lagay niya, mas nakikita ko kung gaano kalaki ang epekto niya sa napakaraming negosyong nahawakan ko na rin dati.

"Marami na ring nagtatanong dito sa office kung kailan daw babalik si Clark. Hindi pa kalat ang balitang naaksidente siya," kuwento ni Scott sa amin.

"Bakit pala late n'yo nang nalaman na nagising na pala siya?" tanong ni Calvin.

"'Yan din ang tinatanong namin sa mga nurse at doktor. Pero paulit-ulit sila na protocol daw," sagot ni Scott.

"Protocol? Bakit? Sino'ng naglapag ng protocol, e hindi naman VIP si Clark?" tanong agad ni Calvin.

"Who knows? Hindi ka nga basta-basta makakapasok sa kuwarto niya kung wala kang authorization." Lumapit sa amin si Scott at binuhat mula sa kandungan ko ang bunso niya.

"Dada, tatabi ako kay Woffie!" reklamo ni Luan.

"Mamaya ka na kay Woffie, magtatrabaho kami." Inilapag niya ang anak niya sa kabilang sofa at itinuro sa akin ang office table ni Clark na tinambakan niya ng folder. "Itinabi 'yan ni Clark mula nang isara ang restaurant ninyo."

Tumayo ako at lumapit doon. Inisa-isa ko ng tingin ang first page at nagsalubong ang kilay nang makitang puro iyon kopya ng reforms na gawa namin ni Syaho—at hindi lang basta kopya. May Certified True Copy stamp pa lahat.

"Saan niya nakuha 'to?" gulat kong tanong kay Scott.

"To be honest, hindi ko alam. Basta ang sinasabi lang niya kapag naglilinis ako, files mo 'yan. Ni-review ko rin, sorry kung nangialam ako. Pero kung ano man ang meron ngayon, alam kong maraming may kailangan niyang mga papeles na 'yan."

Ang bigat ng paghinga ko habang nakatingin lang sa mga folder na nasa harapan ko ngayon.

Sinunog na ni Mama ang kopya sa resto nito, paanong nagkaroon si Clark ng CTC ng mga 'to?

Lumapit ako kay Calvin para kausapin siya. "Bing, may kopya si Clark ng mga reform kong sinunog ni Mama."

"Si Clark?" di-makapaniwalang tanong ni Calvin. "Baka ibinigay ni Syaho sa kanya."

"I don't know." Napailing ako. "Kung totoo man, bakit hindi sinabi sa 'kin ni Clark na meron siya nito? Sobrang tagal na ng ilan sa kopyang nandiyan. Seven years ago pa ang ilang kopya. Nasa labas pa 'ko n'on at bukas pa ang resto."

AGS 5: Kiss of the Red LotusWhere stories live. Discover now