Chapter 25: Superiority

1.2K 118 35
                                    


Hindi ako basta-basta nakakakain sa ibang mesa, sa harap ng ibang pamilya, lalong-lalo na sa harap ng mga Lauchengco, kung wala ang kahit sino sa pamilya ko.

When you grew up in a family where everything was controlled by them, it was difficult to follow a certain tradition alone.

Halos buong buhay ko, lagi akong may kasamang kapamilya o kadugo tuwing nakikipag-usap sa ibang pamilya rin. Hindi ako basta-basta nakakapasok sa bahay ng ibang tao nang walang imbitasyon. Kailangang nakaayon ang lahat sa desisyon ng mga nakatatanda.

Hindi maiwasang mangilabot ng balahibo ko habang nasa harap ng mahabang mesa. Hindi bago sa paningin ang dami ng pagkain. Hindi bago na tinitingnan namin ang isa't isa habang hinahainan. Hindi lang ako sanay dahil hindi ito ang mesang kakainan ng pamilya ko kung mabibigyan man sila ng pagkakataon.

"Wala pa ngayon si Patrick, nasa trabaho pa kasi," sabi ni Marita Sy habang matipid ang ngiti sa akin.

"Hindi pa rin siya umaalis doon sa maliit na branch sa Global City?" tanong ko na lang.

"Ayaw niya ng mabigat na trabaho," sagot ni Bobby Lauchengco sa akin.

"Barkada nga sila ni Calvin."

"Hahaha!" Napabuga ng tawa si Melanie, at pansin kong kahit may matatanda sa mesa, hindi niya pinigil ang halakhak niya. Kung nandito ang pamilya ko at tumawa ako nang ganoon, baka kanina pa ako may pasa sa kamay matapos paluin nang ilang beses.

"Mabigat naman kasi talaga ang trabaho," depensa ni Calvin sa tabi ko kahit nakayuko.

"Lahat naman ng trabaho, mabigat para sa 'yo," sermon ko pa at tiningnan na lang kung ano ang kakainin ko sa mesa.

Sinulyapan ko si Marita Sy at nginitian na naman niya ako. Inilahad pa niya ang kamay sa beef noodles na nasa gitna para alukin akong kumuha.

Kahit sa panaginip, hindi ko makikita ang sarili kong kakain sa iisang mesa kasama ang mga Lauchengco.

Noong Ting Hun ni Meng, hindi ko mawari ang timpla ng mukha ni Mama nang mainsulto. Lumipat ng mesa sina Bobby Lauchengco dahil harap-harapan kaming sinabihan na hindi raw ito sasabay sa mga kumakain nang may dugo sa mga kamay. Nawawalan daw kasi siya ng ganang makita ang mukha ng mama ko. Napilitan tuloy ang mga Phoa na samahan sila sa iisang mesa kasi dadalawa lang sila ni Marita Sy na lumipat.

Kalmadong tao si Marita Sy. Hindi ko narinig sa kanya ang naririnig ko sa asawa niya. Kung magsalita man siya, malamang na pagagalitan niya si Bobby Lauchengco. Sasabihin lang niyang, "Hayaan mo na sila. Hindi natin hawak ang isip ng ibang tao, kontrolin mo ang sarili mo. Pasensiya na sa inaasal ng asawa ko. Hindi na mauulit."

Tahimik ang pagkain namin, pero pansin ko ang pagtitig ni Marita Sy sa kilos ko.

Napapasilip ako sa kamay ni Calvin na gamit niya nang sabay sa pagkain. Malamang kasi na pagagalitan siya kung isang kamay lang niya ang gagamitin niya para lang ipatong ang isa sa kandungan ko.

Patapos na kami nang magsalita si Marita Sy at ako na naman ang kausap.

"Napakahinhin mo talagang kumilos," bati niya sa akin. "Pinalaki kang mabuti ni Wing."

Sumulyap ako kay Melanie na dinidilatan lang ng mata ang mesa dahil ako ang pinapansin ng biyenan nito. Ako lang naman ang matatawag ditong mahinhin dahil imposibleng si Meng na 'yon.

"Nagpapasalamat akong ligtas ka," dugtong niya. "Akala namin, isa ka rin sa mga pinatay ng mama mo."

Dumiin ang pagkakatitig ko kay Marita Sy dahil hindi siya ang tipo ng ginang na magsasalita nang ganoon sa harap ng pagkain.

AGS 5: Kiss of the Red LotusWhere stories live. Discover now