Chapter 7: Possession

1.6K 145 45
                                    


My teenage days were full of confusion, fear, and expectations. I started to fear for myself, for my safety, and for my whole state inside our house.

Ipakakasal ako kay Ricky Chi, pero ayoko sa kanya. Kapag nasa bahay siya, natatakot ako. Sinasabi ni Mama na kailangan ko siyang pakisamahan nang maayos. Kapag dumarating ang iba pang kasama namin sa bahay, lalo akong nawawalan ng kakampi. Si Ahia Jian, bawal magsalita. Sina Achi, kampi kay Mama.

Nakakampante lang ako kapag kasabay na dumalaw ni Ricky si Ahia Wing at si Calvin.

Noong mga taon na 'yon, sinasabi ko na lang sa sarili ko, kapag may ginawa ulit si Ricky sa akin, gaganti ako. At kapag may nangyaring masama sa kanya, sasabihin ko na lang na utos 'yon ni Calvin. Kasi pabor ang pamilya ko kay Calvin. Hindi sila nagagalit sa kanya. At kapag may ginawa ako at sinabi kong inutos niya, hindi na magagalit sa akin sina Mama.

That was my weakest point: when I had to rely on someone's authority just to avoid the discrimination and punishment my family would give me.

I was fourteen when they started to see me as a young woman—someone valid as a sexual object.

I was fourteen . . . and my greatest fear was to get pregnant by that filthy monster.

When Calvin told me to call him when I needed him, I did. Sisimple ako sa may telephone sa kitchen, tatawag sa mga Phoa, ang sasabihin ko lang, "Si Bing po?" tapos ibababa ko na ang phone after that. Hindi ko alam ang number sa mga Dy, pero alam ko ang number sa mga Phoa dahil may nakasulat nang number doon sa kusina para matawagan sila.

No one considered that a prank call. Every time I did that, wala pang thirty minutes, nasa bahay na si Calvin. And most of the time, when he was at our house, Ricky was there too.

I could see the frustration in our helpers' and maids' eyes because they didn't know who to listen to once both of them talked.

Doon lang ako uupo sa kahoy na upuan sa living room. Tatabi sa akin si Calvin. Titingnan kami nang masama si Ricky na nakatayo lang at naghihintay na sumunod ako kasi gusto niya akong paakyatin sa kuwarto ko.

Hindi naman nagsasalita si Calvin. Tahimik lang kaming tatlo lagi. Pero ang ginagawa niya, ihaharang niya ang buong braso niya sa katawan ko, hahawakan ako sa gilid ng kabilang hita at isasara 'yon padikit sa kanya.

Hindi siya kayang awatin ng mga maid namin. Magwawala ang mga Dy rito at pipilayan nila ang negosyo ng pamilya ko oras na pakitunguhan nila nang masama si Calvin.

Pero sa paulit-ulit na ganoong ginagawa niya, nakatiyempo rin si Ricky isang gabi na walang Calvin sa paligid.

Nasa kalagitnaan ako ng paliligo nang makarinig ako ng kaluskos. Lahat-lahat ng takot ko para sa sarili ko, lumabas nang mga oras na 'yon.

My heart was beating fast. My head was throbbing. I tried to look for anyone but saw nothing.

"Ma?"

It triggered all of my senses, and the hardest part of the situation was the thought that I shouldn't hurt anyone visiting this house or else my whole family will hurt me—that miserable moment when I had to choose who should hurt me more instead.

I went out of the bathroom wearing nothing but a thick towel. Then a hand grabbed me from behind and covered my mouth. I was shouting, but someone was compressing it. The noise I made wasn't enough to ask for help.

"Tingin mo, makakatakas ka sa 'kin?"

Kahit hindi ko siya nakikita mula sa likod, alam ko nang si Ricky ang may-ari ng boses na 'yon.

AGS 5: Kiss of the Red LotusWhere stories live. Discover now