Chapter 9: Dependence

1.7K 135 53
                                    


Syaho used to remind me that I had to fear for everyone around me. Risking a lot of things never means being brave. And having a lot of money never parallels being powerful.

The wave of today is not the wave of tomorrow. You should know when the moon affects the tides.

And since the wave is favorable to us at this point, I must do something to catch it.

Calvin and I went to his small house in Las Piñas. It was thirty minutes away from our house, and it was in the middle of empty lots inside a private subdivision.

His father called, nagagalit yata. Kaya pagbalik niya, ang sama na ng tingin niya sa 'kin.

"Ano'ng ginawa mo?" mahigpit niyang tanong.

Nagtaas ako ng mukha. "Hmm?" Painosente akong nag-de-kuwatro sa couch.

"Binawi ni Madame Ai ang kasal. Tumawag si Daddy, tinatanong ako kung ano'ng nangyayari."

Mahina akong natawa. "Bakit? Hindi ba nila kayang maging honest sa 'yo? Kawawa ka naman, Bing."

"Shin, puwede ba?" Inis na inis siya pero nakikita kong napu-frustrate na rin siya rito.

Nakailang lakad siya sa living room habang naghihintay lang ako kung kailan kami kakain ng hapunan.

Saglit siyang huminto sa harapan ko at itinuro ako. "Tatawagan ko ang mama mo. At kung ano man ang ginawa mo, mag-sorry ka."

"Ibalik niya si Syaho, saka ako hihingi ng tawad."

Imbes na makinig, may tinawagan lang siya sa phone. Pero pagtutok pa lang sa tainga niya, sumimangot agad siya at napatingin sa screen n'on. Sinubukan ulit niya nang dalawang sumunod na beses pero mukhang kahit siya, ayaw na ring kausapin ni Mama.

"'Tang ina!" sigaw niya at sinipa ang single-seat sofa sa kanan ko. Sinulyapan ko lang 'yon sa gilid ng mata at nabubugnot na ibinalik ang tingin sa kanya.

"Binalaan ko na si Mama. Huwag niyang sasaktan ang mga tao ko. Tapos idadamay niya si Syaho?"

Nakatanggap ako ng matalim na tingin mula kay Calvin dahil doon. "Ipapahamak mo lang ang sarili mo sa ginagawa mo, alam mo ba 'yon!" sigaw niya sa 'kin at halos maglabasan ang litid sa leeg at sentido niya habang pinandidilatan ako.

"So?"

Bigla siyang nanlumo at napayuko na lang saka itinukod ang magkabilang kamay sa magkabilang tuhod. "Shin, puwede ba? Kung puwede lang . . ."

"Nagugutom na 'ko."

Kunot ang noo at masama ang tingin niya sa 'kin nang dumeretso siya ng pagtayo. "At may karapatan ka pa talagang magutom ngayon!"

"E di, hindi ako kakain." Ipinatong ko ang mga paa ko sa couch at nahiga na lang doon. "Tingin mo ba, may iba pa akong kinain mula sumikat ang araw?" Nagtakip pa ako ng mata gamit ang kanang braso para harangan ang mga mata ko sa liwanag.

"Maghintay ka! Oorder ako."

"Gusto ko ng shrimp. Saka soup," paalala ko sa kanya.

Wala na akong ibang narinig maliban sa padabog niyang paglalakad.

Calvin and I really had a rocky relationship. We hated each other during our childhood years. He became my somewhat savior during my teenage years until I got my position at Red Lotus when I was fifteen.

From there, when all I thought about was rebuilding my empire from the dark, Calvin wanted to take me out of that dark side he had promised to save me from.

But he was a year too late.

My mind had already made its plan to take over my whole clan and end the possible suffering from my generation to the next—and there was Calvin, thinking that saving me would end my suffering that instant.

AGS 5: Kiss of the Red LotusWhere stories live. Discover now