Chapter 12: Heir

1.4K 121 51
                                    

When there's darkness, there's hope. And sometimes, hope is way scarier than darkness itself.

Hope creates possibilities, and possibilities will force you to work. The uncertainty gives you the chance to go beyond that darkness just to find the light.

And maybe Syaho hoped too much. The ambiguity of our situation gave him a lot of possibilities to continue to fight and ended up dying rather than finding what could save us—what could save me.

I abhor possibilities, pero heto na kami.

"You need the certificate," sabi Ashley said and I nodded to say yes.

"Kay Calvin."

"Yes."

"Hindi ba tuloy ang kasal? Kasi ayokong magdoble-doble ng certificates, mahuhuli kami."

"Walang kasal na matutuloy sa amin ni Calvin kaya kami nandito. Kailangang ma-void ang kasal ko sa pipiliin nina Mama."

"Oh . . ." Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Calvin.

I know Calvin wanted a grander wedding, pero wala siyang magagawa. Either mag-yes siya ngayon o sa iba ako magpapakasal.

"Maupo muna kayo. Tatawagan ko ang judge kung available siya ngayon."

Ashley was one of my lawyers. Naka-assign siya sa pag-handle ng disputes na under ng tea factory ng Red Lotus.

Noong nalaman niyang bumalik na kami sa Pilipinas galing China, wala pa kaming sinasabi, nag-resign na siya bilang abogado dahil natawagan na siya ni Syaho sa mainland pa lang. Pinakamagandang desisyon dahil wala siya sa listahan ni Mama para habulin dahil lang loyal siya sa akin.

Ang bahay niya, nasa Bacoor at halos katabi lang din ng city hall. Simple lang din at sobrang sikip na dahil sa liit ng espasyo at tambak na mga furniture at display. Kaharap mo pa ang hagdanan na puro pictures ng mga naka-graduate na kapatid at yumaong lolo at lola.

Ito lang ang ipinakikilala niyang bahay dahil ayaw niyang dinadalaw-dalaw ang rest house, private resort, at cattle farm niya sa Alfonso.

"Nag-update si Dex," sabi ni Calvin, tutok sa phone niya.

"Ano'ng sinabi?"

"Naka-freeze pala ngayon ang halos lahat ng bank accounts ng mga Yu. Naghahanap sila ngayon ng ibang bank account para pagsalinan ng fund na nasa website."

Nangunot ang noo ko. "Bakit naka-freeze?"

"Hindi nahabol nina Jian ang liabilities ng Red Lotus noong nakaraang limang taon. Tinitingnan na ng bangko kung anong asset ng Yu ang puwedeng kunin pambayad."

"Ibig sabihin, wala ring ginawa si Syaho sa mga utang na 'yon?"

Ang lalim ng buntonghininga ni Calvin nang tumango. "Wala talaga siyang magagawa. Pinaalis siya sa resto nang walang notice. Kinuha lahat nina Achi ang karapatan ng asawa niya."

Kahit gusto kong malungkot para kay Syaho, hindi ko naiwasang matawa. "Hindi mo talaga masasabi ang magiging daloy ng tubig sa bawat araw na nagdaraan."

"May balak ka ba?"

Ako naman ang napabuntonghininga at napatingala sa malinis na kisame. "Kung hindi nila makukuha ang laman ng website, kailangan kong makuha 'yon."

"Kaya mo ba?"

At naroon na ang problema ko. Si Syaho ang laging may hawak ng pera. Pagdating sa bangko at pagharap sa mga teller, lagi akong nakaasa sa kanya.

"Hindi ko sigurado," sagot ko. "Pero sabihan mo agad ako kung makakahanap sila ng bangko na paglilipatan ng pera sa site."

Kailangan nina Mama ng pera lalong-lalo na ngayon. Malapit na ang botohan, kapag wala siyang pera, walang boboto sa kanya.

AGS 5: Kiss of the Red LotusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon