Chapter 13: Couple

1.3K 127 71
                                    


"Woffie, saan na ikaw titira?"

"Why?"

Biglang tumalikod si Luan at itinuro ang rubber mat na sahig. "D'yan ako i-sweep. Si Kuya Jijin sa room." Itinuro niya naman ang itaas.

"And?"

"Tatabi ko ikaw. Wawa ikaw bahay, e."

"Meron akong bahay."

Umiling agad siya. "Si Woffie, wawa siya bahay, i-sweep siya sa rocks."

"I'm not Woffie, okay?"

"Woffie!" sigaw niya, galit, kagat ang labi. "Doon ikaw i-sweep!" Turo-turo pa niya ang sahig. "Wawa ikaw bahay!"

Ang kulit naman ng anak nito ni Kyline, kanina pa 'to.

"Hindi nga ako si Woffie," sermon ko sa kanya.

Kumunot lang ang noo niya at nagkrus ng mga braso—o pinagpatong lang niya ang mga braso niya at hinawakan ang mga siko.

"Mimy!" malakas na sigaw niya, nakapikit pa at yumuko sa sobrang gigil saka tumayo ulit nang deretso bago ako tiningnan ulit nang masama. "Wawa ikaw bahay, doon ka i-sweep tatabi ko, di ikaw i-sweep sa rocks!"

Nagmamadali namang pumasok sa loob ng bahay si Kyline, nagpupunas ng kamay kasi naglo-laundry yata ngayon.

"Luan, bakit sumisigaw?"

"Mimy, si Woffie, ayaw dito i-sweep! Wawa siya sa bahay, doon siya i-sweep sa rocks!" sumbong agad nitong bata, tinuturo pa ako paglingon sa mommy niya.

"Baby, may bahay si Wolfie. Doon siya sa malayo. Hindi siya puwede dito sa house."

"Wawa siya bahay," pilit na naman ng batang 'to pagkarga sa kanya ni Kyline.

"May bahay si Wolfie. Doon siya kay Ninong Vin nagbabahay."

"Pero doon siya i-sweep, e!" Ayaw talagang tigilan nito na doon ako matutulog sa sahig katabi siya.

And speaking of Calvin na sobrang tagal bumalik.

"Siguro, bantayan na lang talaga si Clark. Hindi magpaawat 'yan."

Sinundan ko ng tingin sina Calvin kasama si Leopold Scott na pumasok sa bahay.

"Bakit sumisigaw si Luan? Inaaway ba si Shin?" tanong agad ni Scott at kinuha ang makulit na bata sa nanay nito.

"Gusto niyang dito patulugin si Shin."

"Hoy," sita ni Scott sa anak niya. "Anong dito matutulog?"

"Shin, tara na," aya ni Calvin, kinuha ang kamay ko.

"Si Woffie!"

"Anong Woffie?" tanong ni Scott.

"Kamukha yata ni Shin yung babae sa pinanonood nila ni Clark."

Pagsulyap ko kay Scott, nakalingon na rin siya sa akin. Sumimangot lang siya at binalingan ulit ang anak niya.

"Luan, behave ka, ha."

"Woffie!" Abot-abot ako ng anak niya pero nilakad na namin ni Calvin palabas ng bahay. Pagsara ng pinto, nakarinig na kami ng umiiyak na bata sa loob.

"Hoy, Shin. Inaway ka ba ni Luan?" usisa agad ni Calvin.

"Hindi. Tabi raw kaming matutulog."

"Anong tabi kayong matutulog?"

"Ewan ko. Tara na, gusto ko nang umuwi. Napakatagal mo."

Pumunta kami sa kabilang bahay na opisina raw nina Clark. Doon naka-park ang sasakyan ni Calvin.

"May nangyari ba sa ipinunta mo rito?" tanong ko pagsakay sa sasakyan.

AGS 5: Kiss of the Red LotusWhere stories live. Discover now