Chapter 27: Dawned

655 51 13
                                    


May amnesia si Clark.

Klase ng amnesia na hindi nakakatuwa sa ganitong sitwasyon. Nagkakanya-kanya na ang mga member ng community pero iisa lang din ang gusto nila—huwag manalo si Mama o hindi matuloy ang plano nitong 60% na hatian sa negosyo. Wala naman sigurong bobong negosyante ang papayag na mapunta ang higit sa kalahati ng kita nila sa ibang tao nang ganoon lang kadali.

Naghahanap ako ng proposals o kahit anong campaign platform galing kay Bobby Lauchengco. Nag-expect lang siguro ako nang mataas sa kanya dahil kahit anong hanap ko, wala siyang platform. Habang nakikita ko ang sitwasyon, parang ibinoto lang din siya dahil ayaw nila kay Mama, hindi dahil may sigurado siyang plano para sa community.

Sa pagkakataong ito, hindi na kaya ni Calvin na samahan pa ako dahil kailangan din niyang samahan sina Dardenne sa pag-asikaso kay Clark sa ospital. Hindi ako puwedeng dumayo roon kung siguradong binabantayan din ni Mama kung kailan niya mapupuntahan si Clark para sa access sa site ng Red Lotus.

Magkasama sina Calvin at Patrick Lauchengco. Inasahan na lang ni Calvin na makokontrol ako ni Meng kaya ito ang kasama ko ngayon.

"Walang platform na inilatag si Bobby Lauchengco," mahigpit na sabi ko kay Meng dahil dismayadong-dismayado ako. "So, all this time, ibinoto lang siya dahil ayaw nilang iboto si Mama?"

"I told you. Kahit si Papa, walang interes diyan sa nomination. Ang goal lang naman ay huwag manalo si Madame Ai Ling," sagot ni Mel. "Pumayag sila sa reelection kasi kasama ka na sa nominees. Kung tutuusin nga, wala ka naman talagang kalaban. Hindi naman nila iboboto si Papa kung may matino silang option sa bagong head."

Pagliko ni Meng sa kanan, sumabay na rin ako sa kanya. Sabi ko, maggo-grocery ako para may makain kaming matino ni Calvin sa bahay. Sinamahan niya naman ako, at di-hamak na mas maayos siyang kasama sa pamimili kaysa sa inutil kong asawa.

"May kopya si Clark ng mga reform ko. Ipinakita ni Scott sa akin no'ng nasa opisina nila kami sa West," balita ko sa kanya.

"Required bang magulat ako?" natatawa pa niyang tanong nang sulyapan ako habang dumadampot siya ng bote ng mantika. "I mean, knowing Clark, baka hindi lang reforms mo ang meron siya. For sure, meron din siya ng former amendments ng Red Lotus bago ka pa umupo sa puwesto. 'Yon nga lang, alam mo na. Wala nga raw maalala ngayon si ugok."

Lumipat kami sa kabilang aisle para sa mga pampalasa.

"Anyway, na-chika ko pala si Madame Tessa tungkol sa documents na pinoproblema nina Pat-Pat," pagpapatuloy niya habang namimili kami ng bibilhing toyo at spices. "May pinapipirmahan daw kay Clark tapos meron din kay Mr. Dardenne."

"Sabi nga rin ni Calvin. Kaya nga raw sila nag-away-away kasi ayaw pumirma ni Dardenne doon sa agreement," sagot ko.

"Ayaw nga raw pumirma ni Rico kasi siya lang ang iwi-withdraw doon sa accusation," paliwanag ni Mel.

"Ah, so ang plano ni Tessa Dardenne, i-abstain ang anak niya habang maiiwan namang guilty yung iba?" tanong ko habang binabasa ang content ng nadampot kong bagong brand ng soup mix.

"Parang gano'n na nga. Nag-check din kasi ako ng records, buhat na buhat ng panganay niya yung gastos ng barkada nila. Basically, guilty si Rico by default—sila ni Leopold. Alam mo naman: Zeus and Hades ang paganap ng mga pogi. Hindi pumirma si Mr. Dardenne kasi ang gusto niya, kung guilty silang lahat, dapat kasama siya. Hindi yung siya lang ang maliligtas. Kaya nga rin stressed ang kumare ko diyan. Preggy pa naman ngayon."

"Sinong buntis?" tanong ko pa pagsulyap sa kanya.

"Sino pa ba? E, di si Jaesie?"

"Yung ex ni Calvin?"

AGS 5: Kiss of the Red LotusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon