Chapter 20: Rest Day

1.2K 96 32
                                    


Hindi una, hindi pangalawa, hindi pangatlo . . . hindi ko na nga mabilang kung ilang beses napunta ng presinto si Calvin dahil sa 'kin.

Isa 'yon sa mga dahilan kaya mas malapit ang koneksiyon niya sa opisina.

Tinatawag naming opisina ang kahit anong office ng matataas na ranggo sa gobyerno para lang ilabas siya sa kulungan sa mas mabilis na panahon.

Matalino si Calvin. Alam kung paano gagamitin ang laman ng utak niya para magawa ang lahat ng gusto niya.

Marami siyang alam. Marami rin siyang alam kung paano gagamitin ang mga nalalaman niya para sa pansariling kapakanan.

At ang ginawa kong pagpapakulong sa kanya nitong nakaraang gabi? Para lang kaming naglalaro ng habulan, pero hindi niya ako nahabol agad.

Hindi una, hindi pangalawa, hindi pangatlo. Pero gaya nga ng sabi ni Melanie, ang kaibahan lang namin ngayon, wala na si Syaho. Wala nang magsasabi sa kanya kung kumusta na ako maliban na lang kung personal niya akong hahanapin at tatawagan.

Nakatayo lang ako sa harapan niya, nakatitig lang sa pagtulala niya sa kawalan.

"Kung masama ang loob mo sa ginawa ko kagabi, aalis na 'ko," sabi ko agad para lang malinaw kami. "Sinabi ko na sa 'yo, mapapagod ka lang kasusunod sa 'kin."

"Pagod na 'ko, Shin. Pagod na pagod na pagod na 'ko."

Nakuyom ko ang mga kamao ko at napalunok. Napalalim ang paghinga ko at may kung anong sumakit sa dibdib ko nang sabihin niya 'yon.

"Nakakapagod habulin ka." Ang pait ng naging tawa niya at nagsuklay ng buhok niyang magulo.

Nakagat ko ang labi at tiniis na huwag 'yong sagutin kahit gusto kong sabihing layuan na niya ako.

"Kung napapagod ka na, may pagpipilian ka naman," sabi ko na lang.

Tumango lang siya at suminghot. Bumaba ang tingin ko sa kamay kong inabot niya. Napahakbang ako palapit sa kanya at hindi ako kumilos nang bigla niya akong yakapin sa baywang. Dumantay ang noo niya sa ibabaw ng dibdib ko at hindi ko alam kung paanong naramdaman ko ang bigat ng pakiramdam niya.

"Napapagod ako . . ." mahina niyang sinabi. "Gusto kong matulog."

"Hindi ka ba nila pinatulog sa presinto?"

"Hindi ako natulog. Baka lang kasi tumawag ka, hindi ako agad makasagot."

Napapagod . . .

Gusto kong malaman kung ano ba talaga ang kahulugan n'on para kay Calvin. Hanggang kailan niya balak pagurin ang sarili niya?

"Kumain ka na ba?" mas mahina na niyang tanong, hindi na rin ganoon kalinaw kung tutuusin.

"Pinakain ako ni Meng bago umuwi."

"Good. Puwede na 'kong magpahinga."

Almost twenty years. Ganoon katagal niyang pinipilit samahan ako sa bawat araw.

Na pumupunta pa rin siya sa bahay kahit alam niyang ikakasal na ako sa iba.

Na dumadaan pa rin siya kahit pinagsasarhan siya ng gate ng mga katiwala ni Mama.

Na kahit pinagbantaan na siyang tatanggalan ng mana, wala siyang pakialam.

Na kahit sinabi ko nang wala siyang mapapala sa paghabol sa akin, nandito pa rin siya kahit puro lang kami away.

Gusto kong malaman kung paano ba siya mapagod dahil parang hindi ko naman 'yon nararamdaman mula sa kanya.

"Dito na lang muna kami," sabi ko sa house cleaner na maglilinis ng bahay ni Calvin.

AGS 5: Kiss of the Red LotusWhere stories live. Discover now