Chapter 17: Dream

1.2K 127 59
                                    


I almost killed my mother. I was almost killed by my family. And really? I don't care if any of us die right now. But I'd make sure that it wasn't me who would bleed first.

Hawak-hawak ni Calvin ang kamay ko habang nilalakad namin ang kahabaan ng kalsada pauwi. Walang dumaraang bus o kahit anong public transportation doon. Hindi pa rin kami tinatanggap ng mga taxi na pinahinto ni Calvin.

For sure, affected ang botohan bukas dahil sa ginawa ko. Malamang na ipahihinto 'yon para i-consider ang lagay ni Mama.

Naiganti ko na si Syaho, pero hindi si Clark. Wala pa akong ebidensiya pero malakas ang kutob ko na may kinalaman si Mama sa nangyaring aksidente.

"Hindi na talaga bumukas," reklamo ni Calvin sa phone niyang tumutulo pa ang tubig kada taktak niya sa hangin.

Nakatingin ako kay Calvin. Inaalam ko kung gaano siya kagalit dahil sa ginawa ko kanina.

"Kung hindi mo gusto ang mga ginawa ko, puwede mo na 'kong iwan," paalala ko agad.

"Mas lalo kong hindi magugustuhan ang gagawin mo kapag iniwan kita," sagot agad niya. "Nandito na si Mama. Kapag pinabayaan kita, siguradong babalikan mo lang siya para patayin."

Buti alam niya.

Ang dilim ng kalsada. Iniilawan lang kami ng headlights ng mga dumaraang truck o kaya mga private vehicles. Kahit taxi, wala na ring naliligaw. Nilalamig na ako dahil sa hangin. Gusto ko na lang matulog.

Lumiko kami sa kanang daan na mas madilim. May malaking gate din doon at may guards na tinanong agad kami kung saan kami pupunta. Pero pagbukas nila ng ilaw sa guard house, saka lang nila napansin kung sino ang kasama ko.

"Ay, ser! Okay na, ser, deretso lang kayo," sabi agad ng guard kahit wala pang sinasabing pangalan si Calvin.

Kompara sa kalsada, mas tahimik na roon sa bagong daan na nilalakad namin. Mas marami na ring puno at damuhan. Lumiko kami sa kaliwa at dineretso ang kalsadang walang kalaman-laman. Pagkanan namin sa dulo, lumalim ang paghinga ko nang makita ang pamilyar na bahay.

Nakauwi na kami.

Pagpasok sa loob, binuksan agad ni Calvin ang lahat ng ilaw. Mas lalo kong nakita kung gaano kami kabasa—kung gaano siya nalublob sa tubig, kaya kahit ang coat niya, mukha nang mabigat sa katawan niya.

"Gusto ko na lang matulog," sabi niya at kinuha na naman ang kamay ko.

Gusto ko ring sabihing pareho kami.

Tangay-tangay niya ako sa bathroom. Inalis niya agad ang coat niya at piniga sa sink. Ang dami pang lumabas na tubig doon kaya paniguradong dinala niya ang bigat n'on mula nang umalis kami sa hotel.

Kapa-kapa ko ang likod para sa mahubad ang zipper ng dress ko nang hatakin niya ang braso ko para ipalapit sa kanya.

"Pahinga muna tayo bukas, Shin, please lang?" pakiusap agad niya kahit wala pa akong sinasabi. Ibinaba niya ang zipper ng damit ko at saka ko lang naramdaman ang init ng bathroom sa bandang likod.

"Napapagod ka na ba kasusunod sa akin?" mabigat kong tanong sa kanya at hinubad ang damit ko.

"Wala akong sinabing napapagod ako. Ang sabi ko lang, pahinga muna tayo bukas. Kasi alam kong maghahabol ka pa rin kay Mama dahil voting bukas para sa pagiging head."

"Ganoon din 'yon, pinahaba mo lang ang paliwanag."

Kapag ganito ang sitwasyon, gusto ko na lang lumayo si Calvin sa 'kin. Maliban sa alam kong mapapagod lang siya, mas lalo lang siyang mapapahamak.

AGS 5: Kiss of the Red LotusWhere stories live. Discover now