Chapter 8: Hope

1.8K 142 31
                                    


If you started to lose hope and a glint of that silver lining shone in front of you, you'd believe that soon you'd find a way to end your suffering.

But I learned my lesson the hard way. Hope is not that blazing light that illuminates you from above. It's not that white dove soaring peacefully in the clear sky.

Hope resides in the darkness. Hope is that filthy rodent running across the dirty street, struggling to live but still surviving, thinking that tomorrow might be a little bit better than yesterday.

I once wanted to escape the system. Sa utak ko, sinasabi ko sa sarili kong makakaalis ako rito sa ganitong sistema . . . na magulo . . . na delikado . . . na puno ng mga polisiyang hindi makatarungan para sa gaya kong hindi naman ginustong ipanganak sa ganitong pamilya.

Pinanghawakan ko ang sinabi ni Calvin na siya ang bahala sa lahat kasi alam kong may kakayahan siya na higit pa sa meron ako nang mga panahong 'yon. Na sa aming dalawa, mas takot sa kanya sina Mama kaysa sa akin dahil kadikit ng pamilya nila ang negosyo ng pamilya ko.

Malaki ang mansiyon ng mga Dy. Ang dining area nila, mahaba ang lalakarin bago marating ang gitna mula sa pintuan. Mahaba ang mesa, hindi na ako nag-abalang bilangin kung ilan ang kakasya. Sa halos isang metrong pagitan ng bawat upuan, gadangkal lang ang layo ko sa upuan ni Calvin sa dulo.

Puti ang mantel, ginto ang kulay ng bawat place mat. Puti rin at ginto ang kulay ng mga upuan. May limang chandelier sa itaas namin bilang ilaw ng buong dining area, at lalo ko lang naramdaman na kami lang ang naroon dahil dikit pa kami sa isa't isa sa dami ng blangkong upuang kasunod ko.

Gumagalaw ang mata ko para tingnan ang apat na maid na nakatayo sa bandang pintuan sa kaliwa namin, nag-aabang ng iuutos.

Ang utak ko, nagtatanong na kung sasabihin ba nila sa parents ni Calvin ang nakikita nila. Kasi kapag nangyari 'yon, malamang na dederetso ang balita sa mga magulang ko. Hindi kasi ako nagpaalam na aalis.

Nakaupo ako, hawak ang chopsticks sa kanang kamay at nangangalahating mangkok sa kabila. Si Calvin, hawak ang chopsticks sa kanang kamay at nakapatong pa rin sa kanang hita ko ang kabila.

Hindi na 'yon pinapansin sa bahay namin kaya naiilang ako na ginagawa niya 'yon dito sa bahay nila. Iniisip kasi ng mga magulang ko na baka nag-a-adjust lang siya sa pagkamatay ni Cai. Hindi ko masabi kung 'yon ba ang tingin ng mga magulang niya.

Pagkatapos naming kumain, bumalik kami sa bahay sa dulo. Wala pa rin siyang sinasabing kahit na ano mula pa kanina. Hindi rin naman ako makapagtanong ng kahit na ano kaya tumahimik na lang din ako.

Pagbalik namin sa kuwarto sa second floor, naghatak siya ng white T-shirt doon sa pinakaibabang drawer saka itim na jogging pants. Naghalukay pa siya sa pinakaloob ng drawer hanggang sa magkasabog-sabog ang mga damit doon. May kinuha siyang flat na pink box na bulaklakin ang design. Pabato niya 'yong ibinagsak sa ibabaw ng itinambak niya sa sahig na white shirt at pants saka gulo-gulong pinagsiksikan ang mga hinalukay na damit sa drawer. Parang sakto lang ang laman n'on kanina pero habang isinasara niya, parang apaw na apaw na ang itsura.

Binilog lang niya ang shirt at pants at ipinatong doon ang box bago inabot sa 'kin. Sunod niyang itinuro ang pinto sa dulo ng mga mesa kahilera ng pintuan.

"Puwede kang maligo diyan. May towel diyan na tatlo, gamitin mo yung nasa pangatlo."

Tumango lang ako saka umalis na sa inuupuan kong kama.

Pumasok ako sa sinabi niyang pinto at bumungad ang simpleng bathroom doon na hindi ganoon kalaki gaya ng bathroom ko sa kuwarto.

Maliit lang din, simple ang white sink, bilog ang salamin sa ibabaw. Katabi ang toilet bowl at tatlong hakbang lang ang layo ng shower area na walang bathtub o kung ano man maliban sa salamin na mula tuktok ng shower hanggang sahig.

AGS 5: Kiss of the Red LotusWhere stories live. Discover now