Chapter 28: Unwanted Deals

1.5K 72 20
                                    


Ni sa panaginip—o kahit sa bangungot man—hindi ko nakikita ang sarili kong kakausapin si Tessa Dardenne para lang manghingi ng tulong o kahit ano pa man na may kaugnayan sa negosyo. Malamang ay dahil gaya ni Bobby Lauchengco, hindi tao ang tingin nila sa pamilya ko at kasama na ako roon.

Pero kasama ko si Meng—ang paboritong anak ng lahat. Sila siguro ni Clark ang paborito pa rin kahit pareho silang nakakabuwisit kung tutuusin. O baka dahil kahit nakakabuwisit sila, pareho lang din sila ni Clark na alam ang ginagawa nila pagdating sa trabaho.

"Hi, Medeeem!" masayang bati ni Meng habang naka-abrasiyete siya sa akin. "How are you today?"

Ang sama ng tingin ko kay Meng nang gumilid ang mga mata ko sa kanya. Magkatunog na magkatunog sila ni Clark kapag alam mong maninira ng araw.

Pero hindi pa rin n'on mababago ang katotohanang sa kauna-unahang pagkakataon, nakatapak ako sa teritoryo ni Tessa Dardenne dahil sa kanya. Unang beses kong makikitang nasa bahay ang asawa ni Enrico Dardenne, at pansin ko agad ang laki ng eyebags nito at naka-satin bathrobe lang din. Ni walang lipstick kaya ang putla ng labi. Halatang walang inaasahang bisita para magbihis nang maayos.

"Ang sabi ni Yaya Beth, keri naman daw dumayo for the chika," sabi ni Mel at huminto pa kami sa tapat ng pabilog na mesa kung nasaan siya nagtsa-tsaa. "Oks ka lang, madame? Gusto mo, balik kami next time?"

Pero mukhang wala siyang pakialam kay Meng. Sa akin lang kasi siya nakatingin. Mukha pang gusto niya akong palayasin kasi nandito ako.

Sana lang, hindi niya ako pinagbibintangang ipinahamak si Clark. Wala naman sigurong saysay kung sisihin niya ako dahil naaksidente ang anak-anakan niyang kaibigan ko rin naman.

"Maupo kayong dalawa," alok lang niya bago binalikan ang tsaa niyang nasa mesa.

"Ayern! Thanks, Mehdehm!" maarteng sabi ni Meng sabay turo ng nguso sa isang upuang nandoon na bago siya naghatak ng isa pa para itabi sa akin. "Oks na kayo ng nakshie mo, madame? Si Jae kasi, sasamahan ko next Saturday para sa checkup niya. Kasama rin daw si hubby niya, pero samahan ko pa rin para syor."

"Bakit magkasama kayong dalawa?" usisa ni Tessa Dardenne nang balewalain ang sinasabi ni Meng—na halata namang hindi 'yon ang pakay namin dito, pinaliligoy-ligoy lang.

"Ayun na nga ang chikang latest, madame. Alam mo na, the voting season two is near. Nangangalap na rin ng chika sa akin si Madame Ai about sa mamanugangin mong may amnesia ngayon. Hindi pa rin open ang site para ma-getching ang kayamanan ng mga Yu. Etong kasama ko"—bigla akong inakbayan ni Meng—"mag-a-agree na siyang sumalang sa nomination. So, eto na ang updated plan ng magagandang tulad natin. Alam mo naman si Papa, kapag alam niyang may iba pang magandang options, pass agad siya. Working na kami kay Shin pagdating sa nomination. Yung reforms na lang ang kailangang puliduhin. Four years 'tong itinago ni Madame Ai sa baul kaya obsolete na ang mga reform noon, need pa ng bagong variables. Kung need man namin ng security, alam mo na, madame. It's your time to shine." Tinapik niya ang balikat ko saka inginuso si Tessa Dardenne na nakikinig lang habang nagtsa-tsaa.

Saglit pa akong nakiramdam kung dapat na ba akong magsalita. Hindi kasi gaya ni Bobby Lauchengco si Tessa Dardenne na laging gustong nangunguna sa pagsasabi ng sagot.

"Um . . ." Sumulyap pa ako kay Meng at tumango naman siya saka inginuso na naman si Tessa Dardenne para utusan akong magsalita lang. "Balak kong magpasa ng kopya ng marriage certificate namin ni Calvin at kopya ng last will and testament ko sa Afitek," panimula ko. "Noong nagbigay ng hatian sa mana ang lola ko, ibinigay nila sa akin ang buong shares ng yaman ng mga Yu. Naka-hold 'yon ngayon habang wala pa akong pinipirmahang agreement na magsasalin kina Mama ng percentage na meron ako ngayon galing sa pamilya. Sa last will ko, iniiwan ko kay Calvin bilang beneficiary ang lahat ng assets ko dahil alam kong walang gagalaw sa kanya."

AGS 5: Kiss of the Red LotusWhere stories live. Discover now