Chapter 10: The Oasis

1.7K 124 56
                                    


Ever since my nightmare began when I was awake, I used to treat the night as the start of my hell. I looked at the moon as the start of my penitence. And the silence it carries is a warning for me not to put my guard down.

Sinasabi nilang napakaganda ng buwan—mga salita ng mga taong hindi kahit kailan natakot sa gabi.

Mula sa bintana ng banyo ni Calvin, tanaw roon ang buwan sa malinis na langit.

Madalas kong tinatanong ang buwan, "Hanggang kailan mo 'ko panonoorin?"

Ilang taon na 'kong nagtatanong . . . dahil ilang taon na ring akong napapagod mabuhay.

Kung wala lang akong pinoprotektahang mga tao, tingin ba ni Mama, matatakot akong mawala sa mundo?

Matagal na nilang inalis ang takot ko para sa sarili ko. Kung matakot man ako ngayon, para na lang ang takot ko sa ibang taong umaasa na makakaya ko silang protektahan.

Bumalik ako sa harapan ng malaking salamin na katabi ng shower area. Tiningnan ko roon ang katawan kong hindi ko na makita pa bilang sarili ko. Sa magkabilang braso, binibilang ko kung ilang beses akong pinapatay ng pamilya ko. Pero huminto na akong magbilang nang wala nang mapaglagyan ng hiwa ang balat ko.

"Hindi mo na 'ko mabebenta sa kahit na sino, Mama. Wala na 'kong halaga."

Wala na halos laman ang braso ko, nakikita na ang mga buto sa bawat kasu-kasuan. Ultimo mga buto ko sa tadyang mabibilang na rin kapag nag-aalis ako ng damit.

Habang nakatingin ako sa sarili ko, naaalala ko ang tingin ni Clark sa akin—ang tingin niyang naghalo ang awa at galit. Malamang dahil noong huling nakita niya ako, hindi pa ako buto't balat gaya ng nakita niya ngayon.

Hindi ko rin alam kung ano pa ang mapapakinabangan sa akin ngayon ni Calvin. Alam niyang wala akong kapera-pera ni isang kusing. Wala akong mauuwiang bahay. Ni damit pambihis, wala ako.

Nagsuot ako ng itim na bathrobe at lumabas na sa banyo. Naabutan ko siya sa may kama na hawak pa rin ang phone niya at may sinusubukang tawagan.

"I told you to take your clothes with you before taking a bath."

"Still want to talk to my mother?" I asked.

"I'm compromising."

"You can't compromise with my family, Calvin. They're not as considerate as you think."

I took his "clothes" for me. It was a white printed shirt and jogging pants. I checked the print and the name Dy was screaming in my face. It was his school uniform.

"Hindi ka ba marunong mag-discard ng mga lumang damit, ha?" reklamo ko.

"Suotin mo na lang 'yan."

Do I have a choice?

I sat on the far edge of the bed and took off my robe. Calvin got me a free-size white tube and white lady boxers. Not gonna wear the tube while sleeping, so I wore his shirt, boxers, and pants.

"May meeting sila sa last Friday ng March," balita ni Calvin. "Si Daddy ang nagpatawag ng meeting, hindi tayo invited."

"I don't think na pupunta si Mama kung nasaan ako."

"Ano ba kasi'ng ginawa mo?" naiirita niyang tanong nang lingunin ako. Puno ng inis ang mukha niya nang tumayo at umikot sa higaan niya para lang harapin ako.

"Pinatay niya si Syaho," walang emosyong sagot ko.

"Hindi 'yan ang sagot sa tanong ko, Shin!"

"Pinatay niya ang bantay ko, pinatay ko rin ang bantay niya. Siya ang sumira sa usapan namin. Kaya kapag may sinaktan pa ulit siya sa mga tao ko, kada kilos niya, susunod ako. Isang maling kilos lang, papatayin ko si Tiyo Cho, kukunin ko ang casino, isusunod ko sina Achi sa kailangang linisin. Hindi ako natatakot sa kanya."

AGS 5: Kiss of the Red LotusWhere stories live. Discover now