Chapter 15: Wifezilla

1.3K 144 104
                                    

June 8, 2023: Shout out po kay Miss Avon Cecille Romen na nagbi-birthday ngayon. Siyempre, accepting tayo ng special pabati request para sa mga may birthday gaya ni Ate Avon. Avid reader siya ng Alabang Boys Series and supporter din. Happy, happy birthday po sa inyo. More birthdays to come, sana masarap po ulam n'yo lagi-lagi.


♥♥♥


I knew Calvin's "girlfriends". Almost all of them, I guess. He never took any of them seriously. But I knew he never treated what he was doing as a game. He had all of those girls for a reason, and that reason never landed on the romantic side.

All of those girls were pretty and had nice bodies, which I never had. Cai-lin was lovely, and she could be Ahia Jian's trophy wife if only she didn't die. Calvin's a good-looking man. No wonder ladies wanted to pursue him.

Hindi ko rin alam kung bakit kailangan pa rin akong piliin ni Calvin despite of everything. Ang dami niyang naka-date na model, he could choose any of them kung gusto niya.

But it was his choice. At least may kasama akong umalis lagi habang hinihintay kong bumalik sa Pilipinas si Mama.

He bought me a white dress, hindi ko siya iniimik. Dadalo raw kami sa kasal nina Kyline and he asked for an invitation for me na mabilis niyang nakuha sa mismong mga ikakasal.

Nasa grocery na kami napadpad. Sinabihan ko na kasi siyang huwag nang bibili sa delivery at ayoko nang kailangan pa naming kumain sa kung saan para lang maghapunan.

"Bukas, may rehearsal ng kasal nina Leo," paalala ni Calvin. "Hapon 'yon, after lunch."

"Iiwan mo 'ko sa bahay?"

"Isasama kita, malamang. Sinasabi ko lang kung saan tayo pupunta bukas para hindi ka na magtanong."

Tumingin na lang ako sa mga stall ng gulay at hindi na siya sinagot.

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na halos buong araw, siya ang kasama ko.

Since I was thirteen, siya naman na ang halos buong araw na kasama ko maliban kay Syaho. Kung hindi man, kalahati ng araw ko, nakikita ko ang pagmumukha niya.

Hindi ko lang naman siya nakikita kapag pinipigilan siya ni Mama na makita ako. But Calvin has his ways of visiting and annoying me any time he wants to. Mas dumalas noong nasa resto na ako.

Hindi siya marunong sa pamimili, halata naman. Ni hindi niya alam kung ano ang itsura ng bok choy. Basta ang alam lang niya, kulay green 'yon.

"Kailangan ba nating kumain nang ganito karaming gulay?" tanong ni Calvin dahil ang dami kong kinuhang pansahog at kinalahati na n'on ang cart na tulak-tulak niya.

"Kumain ka ng gulay. Huwag kang puro karne."

"Baka mabulok lang 'to sa ref kapag hindi agad naluto."

"Iluluto ko 'yang lahat. Saka bakit ka ba nagrereklamo, ikaw ba ang magluluto?"

"Nagsasabi lang ako kasi ang dami ngang gulay."

"Huwag kang magsabi, walang humihingi ng opinyon mo. Kainin mo 'yan lahat." Hinila ko ang cart para umandar na kami sa side ng mga tofu.

Noong nasa resto kami, isa ako sa mga nagluluto sa kitchen noong mga unang taon ko. Pero mas magaling magluto si Syaho, lalo ng ginisang gulay saka egg fried rice. Dalawang oras kami minsan sa kusina para lang magluto. Katagalan, gumagawa na lang ako ng dumplings para sa design na magandang ihain tuwing may mahalagang bisita.

"Hindi ka ba bibili ng noodles?" tanong agad ni Calvin paglagpas namin sa mga shelf na puro noodles lang.

"Gagawa na lang ako."

AGS 5: Kiss of the Red LotusWhere stories live. Discover now