Chapter 16: Wedding Disasters

1.3K 120 42
                                    

Trigger warning: This chapter contains sensitive scenes. Read at your own risk.


♥♥♥

Rehearsal daw ngayong araw ng kasal nina Kyline Chua. Umaga pa lang, dumaan na kami ni Calvin sa mall para mamili ng mga kailangan ko sa kusina niya.

"Hindi pa rin nagbabago ang isip ni Clark. Pupunta pa rin siya sa resto," balita ni Calvin.

"May sinabi si Meng tungkol sa area?"

"Wala raw tao si Mama sa resto since Tuesday. Pero nakikilala raw ng mga pinagbantay niya roon 'yong mga tao ni Syaho galing Marina."

"So, pinapasok ng mga taga-Marina yung resto?"

"Siguro. Kung binabalita kay Mel, baka nga."

"Ano'ng gagawin nila sa resto? Wala namang mananakaw roon?"

I wasn't at ease with the idea that someone I didn't know was lurking inside our restaurant. Although, wala naman talaga silang makukuha sa resto kasi stockroom lang 'yon. But the idea na stockroom 'yon at may mga document doon na sobrang importante, doon ako mas hindi nakakampante.

Hindi ako pamilyar sa lahat ng tauhan at koneksiyon ni Syaho, gaya ng judge na nagkasal sa amin na kilala pala siya. Ang kilala ko lang ay 'yong mga pumupunta sa resto at ipinakikilala nina Ahia.

"Tinanong ko si Cho kung ano'ng oras uuwi sina Mama galing mainland," sabi ni Calvin habang namimili na ako ng mga plastic container. "Mamayang gabi ang lapag nila."

"Dederetso lang talaga sila sa meeting bukas. May napala naman kaya sila sa mainland?" Naglapag agad ako ng limang container sa cart na tulak-tulak ni Calvin.

"Tingin ko, wala rin silang napala. Walang ibang balita si Cho maliban sa uuwi na sina Mama."

Natawa tuloy ako nang mahina roon.

Hindi na sila pagkakatiwalaan ng pamilya dahil wala namang inunlad ang negosyo mula nang sila ang humawak. Ang problema kasi sa kanila, lahat ng may utak sa pamilya, pinagpapatay nila. Kaya kung ano man ang nararanasan nila ngayon? Deserving silang lahat sa mga 'yon.

Nakabili na kami ng ilang gamit sa kusina na kakailanganin ko. Pagkatapos dito, dederetso na kami sa hotel kung saan ang venue ng tatlong mahahalagang event na dapat naming puntahan. Pero halos lahat doon, bawal ako, maliban kung may authorization.

"Hindi ko alam kung papayagan ka sa loob, pero susubukan nating pumasok," paalala ni Calvin nang nasa tapat na kami ng entrance ng hotel.

"Kaya kong pumasok kahit hindi sila pumayag."

"Shin," babala niya agad. Lalong humigpit ang hawak sa kamay ko. "Hindi ka pupuslit sa loob. Isasama kita."

Itinuon ko na lang ang tingin sa harapan. "Bahala ka."

Engrande ang hotel. Sa lobby pa lang, ramdam nang may event bukas. Ang daming guards, ang daming pakalat-kalat na attendant. May ibang dumaraan na puro pa bulaklak ang dala.

Pagdating sa elevator, puno rin. Ipinuwesto ako ni Calvin sa likuran niya nang may sumabay sa aming dalawang lalaki na may buhat na malaking styro globe. Hawak-hawak lang niya sa gilid ang kanang kamay ko habang nakaharap sa kanya ang isang side ng globe na dala ng mga lalaki.

"Okay na ba yung security para bukas?" biglang tanong ng nasa kaliwang gilid ko sa kasama niya pag-andar ng elevator.

"Hindi pa sila tapos sa deliberation. Ayaw bitiwan n'ong isang guest 'yong request na walang Afitek security na pupunta bukas."

AGS 5: Kiss of the Red LotusWhere stories live. Discover now