Chapter 29: Luncheon

603 57 16
                                    


Aminado ako sa sarili kong nahihirapan ako ngayong magsimula. Ang tagal ko nang wala sa sistema. Apat na taon akong nakatago sa bahay ni Mama, at hindi ko na rin alam kung ano ba ang mga nangyayari o nangyari sa nakaraang apat na taon na 'yon.

Noong gumagawa ako ng reform, may season at may buwan talaga na hihilingin ng pagkakataon ang isang reporma dahil may kailangang i-adjust sa sistema.

May adjustment sa renta ng isang negosyo dahil kailangang maging patas ang isa sa lahat. May adjustment sa porsyento dahil may bagong negosyong pumapasok na wala sa dating category ng negosyo na existing na. Kailangan ng bagong policy roon.

Sa apat na taon na 'yon, maraming nagbago pagdating sa paglalatag ng establishments at mga business proposal, at mahirap magsimula sa wala o sa luma at phased out nang konsepto.

Si Clark ang inaasahan kong makakatulong sa akin ngayon dahil kabisado niya ang Business Circle at association ng Chinese Commerce, pero kung kailan siya kailangan, saka pa talaga naaksidente.

Sunod-sunod na araw na kasama ko si Meng dahil kailangan ko ng assistant. Si Calvin, naaabutan ko na lang kapag nagigising ako sa madaling-araw dahil madalas, late na siyang umuuwi. Hindi ko na inireklamo 'yon sa kanya dahil nasa mga Dy siya gaya ng balita ni Meng. Tuwing umaga at aalis siya, kina Dardenne namana ng punta niya dahil kailangang bantayan si Clark.

Araw ng nomination nang luminis ang schedule naming dalawa. Pareho kasi kami ng pupuntahang hotel.

"Nagbigay na ng kaunting hint si Papa," sabi ni Calvin habang nasa harap kami ng malaking salamin ng kuwarto niya. "Kapag mas maraming boto sa 'yo, sa 'yo ang boto ng pamilya namin."

Inaayos ko ang pagkakalapat ng tela sa bandang tiyan ko habang inaayos naman niya ng zipper ng dress ko sa gitnang likod.

"Sabi ni Meng, wala na raw security si Mama. Baka isama na niya sina Ahia bilang bantay niya," paalala ko.

"Binawasan nga raw nila ang security sa loob—ah, mali. Inalis pala talaga nila kasi kahit sina Papa, walang hired security ngayon."

Nalipat kay Calvin ang titig ko. Tutok ang mga mata niya sa pagsumping sa buhok ko.

Hindi umaalis si Samantha Ang—mama niya—nang walang security. Alam niyang delikado 'yon. Mahirap umalis nang walang bantay lalo kung binabantayan din sila ng mga kalaban. Para lang dito sa botohan, pumayag ang mga member ng community na walang seguridad sa paligid?

Seryoso lang si Calvin sa pag-ipon ng mga buhok ko. Mahigpit ang hawak niya sa tuktok habang itinatali iyon ng itim na lastiko.

Alam kong hindi birong ayusin ang buhok kong hanggang tuhod ang haba. Mabigat at nakakangawit, na mas ramdam ko dahil ako ang madalas na nag-aayos. Pero wala pa akong nakilalang girlfriend ni Calvin na kasinghaba ng buhok ko. Hindi ko alam kung ginagawa rin ba niya sa kanila ang ginagawa niya sa akin ngayon.

"Nagpasabi na ako kay Meng na doon tayo tatabi sa kanya," sabi niya habang inaayos sa buhok ko ang gintong chai na may disenyong pulang lotus.

"Puwede naman nating hindi ito gawin, di ba?" Nalipat sa salamin ang tingin niya para tagpuin ang mga mata ko.

"Nagdadalawang-isip ka ba?" mahinahong tanong niya.

"Nagdadalawang-isip akong tumuloy. Alam kong delikado ang pupuntahan natin."

"Kahit hindi naman tayo pumunta, delikado pa rin naman ang kahit anong puntahan natin." Sinuklayan niya ang natitirang kalahati sa ibabang parte ng buhok kong nakalahad pa rin. Ang ituktok lang na kalahati ang tinalian at inipitan niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 25 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

AGS 5: Kiss of the Red LotusWhere stories live. Discover now