Chapter 23: Indisputable

1.1K 100 24
                                    


Compared to my mother, people barely hear anything related to fear about Robert Lauchengco. His wife is a famous philanthropist and award-winning ambassadress of hope in Southeast Asian nations. Elizabeth Marita Sy-Lauchengco is the founder of a huge charity organization that operates to provide livelihoods, especially in the slumps area and in the women's correctional system.

Hindi basta-basta idinidikit sa pangalan ng mga Lauchengco ang salitang "nakakatakot" o "dapat katakutan" dahil malayo sila sa ganoong imahen.

Kaya kung laban lang naman ng pangalan ang pag-uusapan, burado na agad sa listahan ng dapat irespeto ang mama ko—o maging ang pamilya ko.

Nakatingin ako nang deretso kay Bobby Lauchengco. Ang alam ko, kasing-edad lang niya si Mama. Pareho silang senior citizen pero malakas pa ring maghamon ng siraan ng negosyo na parang ang hahaba ng mga buhay nilang natitira.

Malayo sa pagiging nakakatakot ang aura ni Bobby Lauchengco. Kahit nakatingin ako sa kanya, hindi ko maramdamang nakakatakot siya. May amo sa tingin niya, hindi nanunukat, hindi nangmamata. Tinitingnan niya ako na parang inuunawa niya ang kung ano mang ginawa ko na hindi pa niya sinasabi.

Nakaupo kami ni Calvin sa sahig na may manipis na unan, kaharap niya at hinainan ng tsaa. Mukha naman siyang kalmado. Mukhang hindi niya ako mamatahin gaya ng ginagawa niya sa mama ko.

"Nanggulo raw kayo sa meeting ng daddy mo," biglang sabi niya kay Calvin matapos ilipat ang tingin.

Napahimas ng batok si Calvin. "It's a long story, Uncle."

"I'll listen."

Matunog ang paglunok ni Calvin at napatingin sa akin para magtanong kung magsasalita ba siya. Tumango lang ako nang isang beses para payagan siyang magsalita.

Bumuga muna siya ng hangin at nagsimula nang magpaliwanag.

"Hindi kami invited ni Shin sa family meeting. Ibinalita lang 'yon sa amin bago ang kasal nina Leo, Uncle."

"Pero pumunta pa rin kayo."

"Wala sana kaming plano ni Shin na pumunta agad kasi reception pa 'yon. Ang kaso po kasi, tinawagan daw sina Padi na naaksidente si Clark."

"Ano ang koneksiyon ni Clark sa pag-akyat ninyo sa 15th floor?"

"Posibleng may kinalaman si Mama sa aksidente niya," mabilis kong sagot at nagtaas ng mukha. "Nandoon sa meeting nina Mama si Nin Chua. May recording sa kotse ni Clark na nag-valet muna si Nin Chua at pinili ang kotse ni Clark para i-drive papasok ng base parking. Hindi siya employee ng hotel para gawin 'yon."

Nanukat ang tingin sa amin ni Bobby Lauchengco, inaalam ang katotohanan sa sinabi ko.

"Kilala mo si Nin Chua?" nagdududang tanong niya.

"Kaaway siya ni Syaho, at kilala ko ang lahat ng kaaway niya."

"Mmm." Napakrus siya ng braso at gumilid ang mga mata niya kay Calvin na nagkukusot ng ilong. Mula sa mukha, saglit na gumalaw ang mga mata niya pababa. "May singsing ka."

Natigilan tuloy si Calvin sa pagkusot ng ilong. "Uncle?"

Nagpalipat-lipat sa aming dalawa ang tingin ng matandang Lauchengco.

"Ikinasal na ba kayo?" tanong pa niya.

Pilit ang ngiti ni Calvin nang tumango. "Yes, Uncle."

"Wala itong basbas ng pamilya."

"Namanhikan po ako."

"Pero kanselado ang kasal."

"Matanda na ako para magdesisyon sa sarili ko, Uncle."

AGS 5: Kiss of the Red LotusWhere stories live. Discover now