Chapter 14: The Wife

1.2K 135 107
                                    

Time is running out. Hindi na buwan o linggo, nagbibilang na lang kami ng oras para sa nomination.

Pagkatapos naming mag-breakfast ni Calvin, dumeretso na kami kina Kyline Chua. Kakausapin ni Calvin si Scott, gusto ko ring makausap si Kyline tungkol sa mga pinirmahan niya.

Pero pagkarating na pagkarating pa lang namin doon, meron na agad masama ang loob kay Calvin.

Nasa sofa kaming dalawa nang lapitan kami ng bunso ng mga Chua. Ipinatong pa niya ang magkabila niyang kamay sa tuhod ni Calvin habang masama ang tingin.

"Bakit mo kukuha si Woffie ko, Nining Bin?"

Pinandidilatan naman si Calvin ang batang kinokompronta siya.

"Anong kinukuha?" tanong pa ni Calvin, para namang kaedad lang niya ang kausap.

"Kukuha mo si Woffie ko! Bad ka, Nining Bin! Di kita bati!" Nagulat ako nang lumipat sa akin ang bata at niyakap ako sa baywang kahit masama pa rin ang tingin kay Calvin.

Diring-diri naman si Calvin nang titigan si Luan. "Hoy, Leopold. Pakilayo nga nitong anak mo kay Shin, ibabato ko 'to sa Manila Bay."

Pero kahit nag-warning na siya ng ganoon, wala rin naman siyang nagawa. Kada nilalayo ako sa bata, lalong nagwawala kaya hinayaan na lang niya.

Ang siste, hawak-hawak ni Luan ang kamay ko habang kausap ko ang mama niya sa kusina. Kumakain siya ng baby food na ginawa ni Kyline para lang hindi siya mag-ingay. Hindi ko alam kung saan niya nakuha pero magkaugali sila ni Calvin.

"Sinabi pala ni Calvin na may pinirmahan ka raw na documents bago ikasal," sabi ko na mabilis na ikinaiwas ng tingin ni Kyline.

Alam ko nang hindi siya komportableng pag-usapan ang binuksan kong topic, pero kailangan ko ng sagot.

"Meron din akong kailangang pirmahan bago ikasal. Baka lang pareho tayo ng sitwasyon," paliwanag ko.

Napasinghap siya at mabilis na napatingin sa akin. May gulat at pagsusumbong sa mga tingin niya. Parang nakahanap ng kakampi, sa wakas.

"Pipilitin ako ng pamilya kong pirmahan 'yon para ikasal kami ni Calvin," dugtong ko. "Gusto kong malaman kung tungkol saan ang pinirmahan mo dahil baka pareho ang gusto ng pamilya nating dalawa para sa atin."

Saglit pa niyang nilingon ang pintuan ng bahay bago lumapit sa akin para bumulong.

"May nomination na mangyayari sa kasal namin ni Leo, alam mo ba ang tungkol doon?" mahina niyang tanong at napaangat agad ang mukha ko nang makumpirmang tama nga ang hinala ko.

Tungkol nga ito sa boto.

Mabilis akong tumango. "Imbitado ako pero hindi ako pinayagang dumalo ng mama ko. Siya ang pupunta para sa akin."

Ang lakas ng singhap niya, napatakip pa ng bibig. "Pareho tayo. Ayaw nila kaming papuntahin doon ng daddy ko. Kinukuha nila ang boto namin bilang mga Chua. Ganoon din ba sa 'yo?"

Tumango naman ako, kunwaring nakikisimpatya. "Ayaw nila akong pagbotohin sa nomination. Gusto nilang isuko ko sa kanila ang lahat ng mana ko."

Panibagong pagsinghap na naman ay Kyline at nangingilid na ang luha niya. "Pareho tayo . . . baka pareho tayo ng gusto nilang papirmahan . . ." Mabilis siyang umiling. "Huwag kang pipirma roon. Hayaan mo si Calvin. Kaya niyang ayusin ang sa inyo."

Sabi na, hindi ito tungkol lang sa mana. Kinukuha nila ang boto ng dalawang Chua. Bakit? Para iboto si Mama? Kakampihan ba talaga si Mama ng mga Chua? O baka sila ang magboboto para sa mga sarili nila para lang manalo?

"Wala akong balak pumirma," pag-amin ko kay Kyline. "Pero gusto ko lang ding malaman mo na sobrang importante ng boto ninyo ng ama mo. Nagkakagulo na ang community. Ilang mga negosyo na ang nagsara mula pa noong nakaraang apat na taon."

AGS 5: Kiss of the Red LotusWhere stories live. Discover now