Chapter 40: Graduation

1.6K 11 0
                                    

Author's POV


Makalipas ang ilang buwan, naging okay na ang lahat pero siyempre may halong kalungkutan pa din dahil aalis na ang mga seniors nila. Nasa dorm na silang lahat, si Michelle nagstay muna sa bahay nila Aly at mas ginusto na lang yung ganung set up para makalimot siya kahit papaano. Mga nagkakatuwaan pa din naman sila pero hindi na tulad ng noon, medyo naging malungkot na nga ang paligid. Namimiss din nila yung foreigner nilang dormmate pero kailangan nilang magmove on dahil hindi naman sila pupwedeng ganun na lang. Iiyakan ang isang bagay, ginawa na lang nila ang lahat para maging masaya ulit at hindi din naman papayag si Amy na ganun ang kanilang sitwasyon na puro lungkot na lang sila. Inisip na lang nilang lahat na masaya na si Amy kung nasaan man siya at least hindi na siya mahihirapan pero andun pa din ang panghihinayang. Napagbayaran na din ni Jovee ang lahat, inamin niya kung sino ang muntik ng sumaksak kay DenDen at labis namang ikinagulat yun ni Marge. Ang lalaking nakilala niya noon sa bar, yun pala ang dapat sasaksak kay DenDen kaso nga lang nasaksak si Amy dahil hinarang nito ang kaniyang katawan.


*FLASHBACK*


Pumunta sila sa presinto para kausapin si Jovee nung una pa nga ay ayaw humarap nito sa kanila dahil sa kahihiyan? o dahil natatakot siya? Pero dahil mapilit talaga sila, napapayag din si Jovee at humarap siya sa kanila. Gustong gusto ng sapakin nila Gretta si Jovee sa sobrang inis, gusto na nila itong saktan at patayin pero pinipigilan lang nila ang kanilang sarili. Tumingin si Jovee kay Aly, wala itong expression sa kaniyang mukha. Wala kang mababasa eh, kung hindi isang malamig na tingin lang.


DenDen: Bakit mo ginawa yun sa amin?


Yun ang unang salita na lumabas sa bibig ni DenDen, nagtataka sila bakit kalmado ito? Pero ang hindi nila alam nagpipigil lang din siya. Gusto niyang patayin si Jovee dahil sa kaniya muntikan ng mawalay ng tuluyan sa kaniya ang mahal niya, muntikan siyang mapatay at sumunod napatay ang kaniyang pinakamamahal na pinsan. Nung hindi siya sumagot, tumingin sa kaniya si DenDen. Natakot na si Jovee sa expression ng mukha ni DenDen, yung titig niya ay may pinahihiwatig na masama. Kaya kahit hindi niya alam kung ano ang sasabihin ay nagsalita na lamang siya.


Jovee: Hindi ko alam DenDen.


DenDen: Anong hindi mo alam? Linoloko mo ba kaming lahat Jovee? Andaming nadamay sa ginawa mo! Pinsan ko namatay ng dahil sa iyo! Ano bang gusto mong mangyari sa amin ha? Magdusa katulad mo?! Hindi mangyayari yun Jovee dahil kahit na kailan hindi ako naging masama katulad mo! Ano? Gusto mo bang bumalik sa iyo si Aly kaya ginawa mo yun? Gusto mong mapasayo? Napasayo din naman ulit dba? Kaso anong ginawa mo? Sinaktan mo! Sinaktan mo ang babaeng mahal mo at minahal ka noon tapos ngayong wala na talaga siya sa iyo, dun ka naghahabol?! Ang masama pa, nakapag-isip ka pa ng mga masamang balakin para mabalik siya sa iyo! Anong klaseng tao ka! Tao ka pa nga ba huh?!


Sa sobrang galit ni DenDen hindi niya napansin na napasigaw na pala siya, tumingin siya sa paligid niya at halos lahat ng tao ay nakatingin sa kaniya. Tiningnan niya ulit si Jovee, nakatungo lang ito at mukhang napahiya sa nangyari pero wala siyang pakialam dahil kung tutuusin kulang pa nga yon.


DenDen: Umiiyak ka? Nahihiya ka? Wala akong pakialam Jovee! Dahil hindi pa nga sapat yang ginagawa ko sa iyo ngayon, sa mga pinaggagagawa mo sa amin noon! Lahat ng sakit, nadanas ko noon. Yung mga threat mo sa messages? Ang tapang mo pala sa likod ng ibang tao no? Pero kapag ikaw na ang haharap akala mo kung sinong Santo! Yun pala isang demonyo! Itong pagpapahiya ko sa iyo? Kulang pa to! Kulang pa to sa ginawa mo sa amin ni Aly! Ngayon, sumagot ka sa akin at gusto kong rinig ng lahat. Kung bakit mo ginawa yon!

Moving CloserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon