Chapter 8:AlyDen

8.9K 62 3
                                    

Dzi's POV

Ano kayang problema ni Aly? Bakit umiyak yon? Kausapin ko nga. Ay! Nakalimutan ko! Ako nga pala si Angeline Gervacio, ang team captain ng Lady Eagles. Ako ang nagsisilbing parang ate sa kanilang lahat.. Well anyway, kelangan ko ng puntahan si Aly.

"Girls, akyat lang ako ha? Puntahan ko lang si Aly." sambit ko sa kanila. Tumango lang sila at kitang kita ko sa mukha ni DenDen na nagwoworry siya, lumapit ako kay DenDen at umupo ako sa tabi niya. "Kakausapin ko siya, wag kang mag-alala. Okay?" bulong ko sa kaniya. Tumango lang siya at pumilit ngumiti, ngumiti ako sa kaniya at tumayo na ako.

Umakyat ako sa taas at kumatok ako kay Aly. "Ly, si ate Dzi mo toh." sambit ko. Narinig kong nag-unlock yung pinto, pumasok ako sa loob at nakita ko siyang umiiyak. Pumasok ako at sinira ko yung pinto, umupo ako sa tabi niya. "Anong problema? May nangyari ba?" tanong ko sa kaniya. "Bumalik siya ate Dzi! Matagal ko na siyang kinalimutan! pero bakit?! Bakit ngayon pa siya bumalik kung kelan meron na akong mahal na iba?!?!" sambit ni Alyssa habang naiyak siya. Yinakap ko lang siya at hinimas himas ko yung likod niya, "Sino ang bumalik?" tanong ko sa kaniya. "Bumalik yung ex ko. Yung 1st love ko na si Jovee, ate Dzi. Pano na toh? Gusto niyang makipagbalikan sa akin.. Paano si DenDen ate?" sagot niya sa akin. Nagulat ako sa sinabi niya, bumalik yung 1st love ni Alyssa?! Nako! Mahirap toh. "Mahal mo ba si DenDen?" tanong ko sa kaniya. Hindi siya umimik, umalis siya sa pagkakayakap ko. Tumayo siya at lumapit sa may bintana, "Uulitin ko Aly. Mahal mo ba si DenDen?" tanong ko sa kaniya. Umiyak ulet siya, "h-hindi ko a-alam ate.... Hindi ko alam!" sagot ni Alyssa. Nagulat ako sa sagot niya, hindi ako makapaniwala na isang Alyssa Valdez ang mananakit kay Dennise Lazaro, "Anong hindi mo alam?! Baliw ka na ba Alyssa?! Mahal na mahal ka ni DenDen tapos gaganiyanin mo lang siya?! Nako Alyssa, ayusin mo yan.. Mahirap yang pinasukan mo!" sigaw ko sa kaniya. Napaupo na lang siya tapos iyak siya ng iyak, napatingin na lang ako sa kaniya at tumayo na ako. "Alyssa ayusin mo toh." sambit ko sa kaniya tapos lumabas na ako. Pagkalabas ko nakita ko si Fille nakatayo sa may labas, "Anong nangyayare?" tanong niya sa akin. "Tanungin mo si Alyssa. Pumasok ka sa loob, kausapin mo siya." sagot ko sa kaniya tapos bumaba na ako.

Hindi ko alam kung anong pinasukan mong gulo Alyssa pero ang hirap niyan, bumalik yung first love mo pero ginawa mong syota si DenDen. Tinanong kita kung mahal mo siya ang sagot mo sa akin hindi mo alam. Anong klaseng? Haaaaay....

===========================================================================

Fille's POV

Inakyat ko si ate Dzi at si Alyssa sa taas kasi naririnig kong nasigaw na si ate Dzi. "Guys, aakyat lang ako ha? May aayusin lang ako." pagpapaalam ko. Halos lahat sila tulog na sa sofa, si DenDen tulog na tulog kaya hindi niya naririnig yung nangyayari. Tumango na lang si Gretta kasi sobrang antok na siya.

Umakyat na ako at rinig na rinig ko yung sigawan nung dalawa. Nagstart na akong magworry dun sa dalawa, nag-antay na lang ako dito sa labas. Maya maya pa ay narinig ko ng bumukas yung pinto, pagtingin ko si ate Dzi. Tinanong ko siya kung ano nangyari at ang sagot niya sa akin ay kausapin ko daw si Alyssa.

Pumasok ako sa loob at nakita ko si Alyssa nakaupo lang sa may lapag at iyak siya ng iyak. Umupo ako sa tabi niya at yinakap ko siya, "Anong problema?" tanong ko sa kaniya. "Ate Fille, bumalik si Jovee yung first love ko." sagot niya sa akin. Napatingin lang ako sa kaniya, naiintindihan ko kagad yung sitwasyon niya... "Mahal mo pa ba siya?" tanong ko sa kaniya. Hindi siya sumagot, umiyak lang siya ng umiyak. Alam ko yung sitwasyon ni Alyssa dahil naipit na din ako sa ganiyan at alam ko kung gaano kahirap at kung gaano kasakit pero malalagpasan niya din yan, "Tahan na. Naiitindihan kita, alam ko yung nararamdaman mo at alam ko kung ano yung feeling ng naiipit sa ganiyan." sabi ko sa kaniya habang hinihimas ko yung likod niya. "Mahal mo ba si Lazaro?" tanong ko sa kaniya. "Hindi ko alam ate.. Hindi ko talaga a-alam.." sagot niya sa akin. "Kung mahal mo talaga si DenDen dapat siya lang ang mamahalin mo at kahit bumalik pa si Jovee sa buhay mo, hindi mo na siya pagtutuunan ng pansin kasi may tao ng nakakuha ng atensyon at puso mo... pero dahil sa sinabi mo... Mukhang si Jovee pa rin ang nagmamay-ari ng puso mo... Totoo nga yung first love never dies pero sana hindi mo ginawang girlfriend si Lazaro kung hindi ka naman pala talaga sigurado sa nararamdaman mo para sa kaniya.. Kasi pag nalaman niya toh? Masasaktan lang yun." sambit ko sa kaniya. "Ngayon Alyssa, ayusin mo toh. Mag-isip isip ka muna.. Magcool off muna kayo ni DenDen pero hindi ibig sabihin niyan ay pwede ka ng lumandi sa iba.. Dahil ang cool off ay pagbibigay lamang ng time at space para sa sarili at sa relasyon niyo, at hindi ibig sabihin nun ay wala na kayong koneksyon sa isa't-isa.. Meron pa rin kayong pakialam sa isa't-isa pero wala lang kayong pag-uusap." sambit ko sa kaniya. "Salamat ate Fille. Oo, kakausapin ko siya tungkol sa cool off na toh." sambit niya sa akin. Ngumiti na lang ako at tumayo na.. "Tatawagin na lang kita pagkakain na tayo." sambit ko sa kaniya tapos lumabas na ako ng kwarto nila at sinara ko na ang pinto. Bumaba na ako at nakita ko silang tulog sa sala. Pumunta ako sa sala at humiga ako sa tabi ni Gretta, ang babaeng mahal ko.

Moving CloserWhere stories live. Discover now