Chapter 21: AlyDen

7.6K 52 6
                                    

Ella's POV

Nakadating na ako dito sa dorm paniguradong magtataka yung mga yon kung bakit ang bilis ko. Magpapalusot na lang ulet ako, binuksan ko yung pinto at lahat sila nakatingin sa akin. Nagmomovie marathon na naman sila, "Oh? Bakit ang bilis mo?" tanong sa akin ni DenDen. "Pano ba naman, hindi ako sinipot nung ungas." pagpapalusot ko. "Ah okay." sagot naman sa akin ni DenDen, tumayo si Amy tapos lumapit siya sa akin. "Ate Ella, can you please help me with something?" sabi sa akin ni Amy, "oh sure." sagot ko sa kaniya. Umakyat kami sa taas at pumasok kami sa kwarto nila DenDen, "I want to court Michelle but I need some suggestions for romantic things that I could do." sambit ni Amy. Umupo muna ako sa higaan nila DenDen tapos linabas ko yung cellphone ko, tinext ko si DenDen na umakyat siya dito. "Hindi mo sa kaniya sasabihin yung mga nararamdaman mo sa kaniya?" tanong ko sa kaniya, umiling lang siya. "Why?" tanong ko ulet sa kaniya, "I want her to feel my love  than saying it to her. Even if she rejects me, I'll still find a way to make her say yes." sagot sa akin ni Amy. Ang sweet talaga ni Amy, maya maya pa ay pumasok si DenDen sa kwarto. "Oh bakit?" tanong sa akin ni DenDen, "nagpapatulong si Amy sa panliligaw kay Michelle." sagot ko sa kaniya. "Ah... Ang sabi sa akin ni Aly, si Michelle daw ay mahilig sa mga old school na panliligaw." pagsusuhestiyon ni Den kay Amy, "what do you mean by old school?" tanong ni Amy. "Ang ibig sabihin ko ng old school na panliligaw ay mga harana, sulatan ng mga love letters , pagbibigay ng chocolates at flowers at iba pang mga sweet efforts." sagot naman ni DenDen. "Oh... I see, We need a guitar.. I have a plan." sabi naman ni Amy tapos ngumiti siya ng nakakaloko. Magaling din tong si Amy ha? Hahaha! 

Bumaba na kaming tatlo tapos nakatingin sila sa amin, "Anong ginawa niyong tatlo sa taas?" tanong ni ate Gretta habang nakangiti ng nakakaloko. "Gago, may pinagusapan lang kaming tatlo." sagot ko. "Oh... Nagago ka ni Ella. Ano ka ngayon?! HAHAHAHAHA!" sabi naman ni ate A tapos nagtawanan sila, umupo ako sa tabi nila Marge tapos si DenDen naman at Amy naguusap pa din tapos lumapit na sa amin si DenDen at si Amy naman ay lumabas. "Den, san pupunta si Amy?" tanong ni ate Dzi, "may kukunin lang yun. May naiwanan kasi siya sa bahay. Saglit lang yon." sagot naman ni DenDen tapos tumabi na siya kay Aly. Kelangan ko ng masabi kela Fille yung sinabi sa akin ni Jovee kanina para matulungan nila ako. 

=============================================================================

Aly's POV

Dumating na si Ella sa dorm at mukhang nagiba yung mood niya, tinanong siya ni DenDen na kung bakit ang bilis niya ang sabi naman sa kaniya ni Ella ay hindi siya sinipot nung kaibigan niyang ungas. Tumayo si Amy at lumapit sa kaniya ito at parang may pinagusapan sila, tapos umakyat silang dalawa. Maya maya pa ay tumunog yung cellphone ni DenDen at tumayo ito tapos umakyat siya sa taas, nakita kong tumingin sa akin si Michelle at parang nagseselos siya kasi biglang nawala sa tabi niya si Amy. Maya maya pa ay bumaba yung tatlo, umupo si Ella sa tabi nila Marge tapos naguusap pa si DenDen at si Amy tapos maya maya pa ay umupo na sa tabi ko si DenDen pero si Amy naman ay lumabas. Tumingin ako kay Michelle tapos parang nalungkot siya, tinanong ni ate Dzi si DenDen kung san pupunta si Amy ang sabi naman ni DenDen ay may kukuhanin lang si Amy kasi may naiwanan siya sa bahay. 

"Aly.. Wag kang mag-alala.. Safe si Amy, kukuhanin niya lang yung gitara niya kasi may plano siya para kay Michelle." bulong sa akin ni DenDen, tumingin ako sa kaniya tapos ngumiti ako sa kaniya. "ayos!" bulong ko din sa kaniya, "Hoy.. PDA na naman kayong dalawa.. May bulong bulong pa kayong nalalaman." paninita naman ni ate A, "alam mo A. Ang epal mo. HAHAHAHAHHAA!" sabi naman ni ate Fille tapos tumawa siya. Nagtawanan kaming lahat bukod kay Michelle, tumayo siya bigla at umakyat sa taas. Nagkatinginan kaming lahat, alam naman naming lahat kung ano yun.

"Ngayong wala si Michelle, sasamantalahin ko na ito. Manliligaw na yung pinsan ko kay Michelle, tulungan naman natin si Amy. please?" pangungumbinsi ni Den, "Oh sure. Yun lang pala eh." sagot naman ni ate Gretta, tumango naman sila ate Fille. "Ano bang plano?" tanong naman ni ate Dzi tapos ngumisi siya.. Etong mga toh ang magaling sa pagiging artista eh pagdating sa mga surprises. "Kukunin kasi ni Amy yung gitara niya sa bahay, plano niyang haranahin si Michelle.. Kasi sabi sa akin ni Aly na mahilig daw si Michelle sa mga datingnang old school na panliligaw." sambit naman ni DenDen, "ayos pala tong si Michelle eh.. Bakit naman Aly gusto niya yung mga old school na panliligaw?" tanong naman ni ate Fille. "Dun niya kasi malalaman kung mahal talaga siya nung tao, lalo na kung nag-eeffort para sa kaniya." sagot ko. Nagusap usap muna kami tapos biglang bumukas yung pinto tapos pumasok si Amy, "oh nakuha mo na yung gitara mo?" tanong sa kaniya ni DenDen. Tumango si Amy tapos linabas niya na yung gitara niya.. Woooooow! Gibson na acoustic guitar, rich kid!! "Ganda ng gitara mo Amy ha?" sambit ni ate Gretta habang tinitingnan niya yung magandang gitara, mahilig din kasing maggitara si ate Gretta kaso nga lang wala siyang dalang gitara. "Game?" tanong naman ni Amy, "anong bang kakantahin mo?" tanong ko sa kaniya, "Forevermore." sagot naman ni Amy. Nagngitian kami kasi alam naming, magandang kanta yun at napakaromantic naman ni Amy.. Manang mana kay DenDen.. 

Moving CloserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon