Chapter 6: AlyDen

10.2K 72 0
                                    

Author's POV

Pinagsabihan na nga ni Jirah si DenDen na wag ibibigay ang buong pagtitiwala at pagmamahal kay Alyssa dahil hindi din ito masasabi ni DenDen na baka sa huli ay masaktan lang din ulit siya. Nagkaklase sila DenDen ng biglang nagpatawag ng meeting ang kanilang coach, hindi na kasi sila makakapagmeeting sa hapon dahil may aasikasuhin siyang importante.

"Excuse me sir but may I please excuse these people?" pagpapaalam naman ni coach sa professor nila DenDen. "Yes, you may sir." ang sagot naman ni prof. "Llaneta and Lazaro, come with me." sabi ni coach. Nagkatinginan yung dalawa at tumayo na nga sila dala ang kanilang gamit, "San kaya tayo pupunta?" tanong naman ni DenDen kay Jirah, "Malay ko, sundan na lang natin si coach." sagot naman ni Jirah. Nagtataka si DenDen, kanina pa kasing badtrip si Jirah at hindi niya alam kung bakit. Natatakot naman siyang tanungin ito dahil baka mainis lang sa kaniya si Jirah, "Oh. Pinatawag din kayo?" tanong naman ni Marge kaila DenDen. "Oo.. Gulat nga kami ni Ji eh." sagot naman ni DenDen kay Marge. "Teka nga, may tanong ako. Bakit ba badtrip tong si JIrah? Kanina pa toh masungit eh." tanong naman ni DenDen kay Marge. Tumingin si Marge kay Ella at bigla na lang siyang tumungo, "Mamaya na nating pag-usapan yan." sagot naman ni Ella. "Girls, mauna na kayo sa gym." pag-uutos naman ni coach. Tumango na lang sila at lumakad na.

Nakarating na sila ng gym at nakita na nila yung iba. "Hi baby!" bati ni Alyssa kay DenDen. "Hello baby." bati din naman ni DenDen. "Okay girls, take your seat." pag-uutos ni coach. Umupo na sila sa floor at siyempre by pair na naman sila at as always, walang partner si Ella. "Bukas na bukas ay lilipat na kayo sa dorm niyo at ang call time natin ay 7 am." sambit ni coach sa kanila. "Yes coach." sagot naman nila. "Sige, pwede na kayong umalis." tapos naglakad ng paalis si coach.

==========================================================================

Alyssa's POV

Yun lang pala sasabihin ni coach? Pero ayos na din yun dahil sobrang antok na ako sa klase ko kanina. Himala, bakit parang hindi ata sumasama si Jirah kela Marge. "Ella, may problema ba kayo nila Ji?" tanong ko kay Ella. "Yan din tanong ni DenDen eh. Magsyota nga kayo. Teka, mamaya na natin pagusapan andito kasi si Jirah eh." sagot naman ni Ella. Tumayo na si Ella at naglakad na silang palabas ni Marge, si DenDen naman kausap si Jirah. Lumapit ako sa kanilang dalawa. "Ano ba kasi nangyayari sa inyo ni Marge?" tanong ni DenDen. "Oh. Andito pala si Alyssa." sambit ni Jirah. Ngumiti lang ako sa kaniya at umupo ako sa tabi ni DenDen, "Oo nga. Ano bang nangyari sa inyo?" tanong ko. "Haaay.. Nagkakatampuhan lang kami. Si Ella na nga ang taga-awat naman kanina eh." sagot naman ni Jirah. "Ano namang ikinatampo mo sa kaniya?" tanong ni DenDen sa kaniya. "Kagabi kasi, nag-aya akong lumabas kami.. para maggala tapos nagsabi siya na hindi daw siya pwede kasi may mga gagawin pa daw siya.. tapos pumunta ako ng mall at nakita ko may kasama siyang lalake. Pwede niya namang sabihin na may kakitaan siya, hindi yung magsisinungaling pa siya sa akin. Pagkagandang palusot nga naman oh." sagot naman ni Jirah. Nagkatinginan kami ni DenDen at ngumiti si Jirah, "alam ko iniisip niyo. Hahahaha!" sabi ni Jirah sabay tawa. "Gusto ko si Marge kaso nga lang hindi ko alam kung paano ko sa kaniya sasabihin yon. Pinangungunahan ako ng takot at siyempre tayong mga tao ay takot sa rejection. Hindi ba?" sambit ni Jirah sabay tayo. "Kelan mo balak sabihin sa kaniya?" tanong ko sa kaniya. "Siguro pag nasa dorm na tayo para wala siyang takas sa akin in case na magviolent reactions siya. Alam mo naman yun pag nagfifreak out si Marge." sagot ni Jirah sabay ngiti. Ngumiti kami sa kaniya ni DenDen at tumayo na kaming tatlo, "tara?" pag-aaya ni DenDen. Hinawakan ko ang kamay ni DenDen at naglakad na kami palabas ng gym tapos si Jirah naman naghanap ng pwedeng pagtambayan niya kasi ayaw niya daw sa aming sumama kasi siyempre couple daw kami at kelangan daw namin ng private time. Bwiset na bata ito talaga oh, daming alam!

"Tara lunch na tayo." pag-aya sa akin ni DenDen. "Sige tara." Pumasok kaming dalawa sa loob ng canteen at nakita namin dun sila Marge kasama sila ate Dzi. Umupo na ako at si DenDen naman ang bumili ng pagkain namin, maya maya pa ay lumapit sa akin si Ella. "San kayo galing?" tanong sa akin ni Ella. "Sa BEG, kinausap namin si Jirah." sagot ko, biglang nanlake yung mga mata ni Ella para bang may sinabi akong nakakatakot o sobrang nakakagulat. "Problema mo?" tanong ko sa kaniya. "So, sinabi na sa iyo ni Jirah?" tanong niya. Huh?? Medyo magulo ka ha! "Ang alen?" tanong ko din sa kaniya. "Edi yung nangyayari sa kanila!" sagot naman ni Ella. "Ahhh!! Oo.. Totoo bang nagsinungaling si Marge kay Jirah?" tanong ko. "Oo, kaya nga nagpapatulong sa akin si Marge eh at siyempre, kelangan ko ng tulong niyo ni Dennise." sagot sa akin ni Ella. "Ah.. Sige sige.." sagot ko tapos biglang dumating naman si DenDen. "Ano yun?" tanong naman ni DenDen kay Ella. "Ikaw na magsabi Alyssa. Kelangan ko ng bumalik don." sagot naman ni Ella tapos tumayo na siya. "Ano yun?" tanong sa akin ni DenDen. "Sabi ni Ella, tulungan daw natin si Marge na magkaayos sila ni Jirah." sagot ko sa kaniya. "Ah! Yun naman pala eh. Sige lang." sabi naman ni Den sabay ngiti. Kumain kami ng tahimik ni DenDen, ang sarap kasi ng pagkain eh kaya tuloy tuloy lang kami. Tsaka, wala na din naman kaming mapag-usapan.

Natapos na kaming kumain ni DenDen at nakaupo lang kaming pareho. "Excited na akong lumipat sa dorm bukas!" sambit ni DenDen. "Ako nga din eh!! Sana tayo magkaroom mate." sambit ko sabay ngiti. "Hahaha! Oo nga eh." sabi naman niya. "May klase ka pa mamaya?" tanong ko sa kaniya. "Wala na. Bakit?" sagot naman niya. "Wala lang. Natanong ko lang, antayin mo ko?" tanong ko sa kaniya. Ngumiti siya tapos sabay hinawakan niya ang aking kamay, "sige ba." sagot naman niya. Ngumiti ako sa kaniya at yinakap ko siya.

Tumayo na nga kami ni DenDen at pumunta kami dun sa tambayan niya. Ang ganda nga naman kasi doon, nasa ilalim ka ng puno tapos mapresko pa. "Ang sarap talaga tumambay dito." sambit ni DenDen habang nakatingin siya sa taas. "Oo nga eh.. Nagustuhan mo talaga toh noh?" tanong ko sa kaniya. "Oo, pag may problema ako.. Dito ako natambay o kaya pag inaantay kita." sagot niya sa akin sabay tingin sa akin at ngiti. Nakakainlove talaga siya pag na ngiti siya, ang ganda ganda niya!! Yung killer smile niya! Sana ganito na lang kami palagi ni DenDen, yung lagi akong nasa tabi niya tapos sobrang masaya kami..

============================================================================

Author's POV

Puro sana na lang ba ang mangyayari sa kanilang dalawa? Ang sarap nga naman sa feeling ng nandiyan palagi ang mahal mo sa tabi mo noh? Eh paano kung magising ka na lang isang araw at lahat ng mga masasayang araw niyo na magkasama kayo ay bigla na lang maglalaho na parang bula at paano kung malaman mo na lang bigla na yung taong mahal mo ay may nagpapasaya na sa kaniyang iba at hindi na ikaw ang kaniyang hinahanap hanap.. Paano kung yung araw at oras niya ay inilalaan niya na lang sa ibang tao at hindi sa iyo... Paano kung isang araw malaman mo na lang na yung taong mahal mo ay nasa PILING NA NG TAONG MAHAL NIYA NOON.

===========================================================================

Moving CloserWhere stories live. Discover now