Chapter 29: AlyDen

6.7K 54 26
                                    

Aly's POV

After 6 months makakauwi na din ako pero patakas nga lang. Tinawagan ko si Michelle at sinabi ko sa inyo toh, sinabi ko sa kaniya na wag niya munang sasabihin kay DenDen, sa girls niya lang sabihin. Hinatid na ako nila tito sa airport at nag-antay muna ako ng mga 2 oras.

===============================================================================

Michelle's POV

Uuwi na si ate Aly at sobrang excited na kami, si ate DenDen hindi niya alam at ayaw muna naming sabihin para surprise, dba? "Anong oras natin susunduin si Aly?" tanong sa akin ni Ella. "Mga hapon daw eh. Baka after ng training." sagot ko sa kaniya, "ah okay." sabi naman niya sa akin. Gabi na dito at tulog na si ate Den, sakto sabado bukas kaya walang klase pero meron kaming training. Alam na din ni coach ang tungkol dito at hindi niya sasabihin sa papa ni ate Aly yun, kaya ko namang ipagtanggol si ate Aly eh kaso nga lang medyo takot lang din ako kay tita. "Baby!" sabi ko kay Amy, "Sup?" sabi niya sa akin tapos humiga siya sa higaan namin. "Are you excited for tom?" tanong ko sa kaniya, "absolutely." sagot niya sa akin. Humiga ako sa braso niya tapos hinawi niya yung buhok ko, nagkatitigan kaming dalawa at hindi ko na kayang pigilan ang sarili ko, hinalikan ko siya sa labi at gumanti din siya. Maya maya pa ay naramdaman naming gumalaw si ate Den kaya naglayo muna kaming dalawa, "I think we should sleep baby." sabi niya sa akin tapos kiniss niya ulet ako sa labi. Pinikit ko na ang aking mga mata at yumakap ako sa kaniya.

*KINABUKASAN*

Maaga akong nagising dahil na rin sa excited na akong makita ulet si ate Aly, pagtingin ko sa higaan ni ate Den, wala na siya don. Tumayo ako para tingnan sa baba, "where are you going?" tanong sa akin ni Amy na nagising kasi bigla akong tumayo. "Wala si ate Den sa higaan niya eh. Check ko lang baka nasa baba." sagot ko sa kaniya, ngumiti siya sa akin tapos tumayo na din siya at sinamahan akong bumaba. Nakita naming nagluluto ng almusal si ate Den at nandun na din sila ate Dzi, ang aga naman ata nilang magising. Bumaba na din kami ni Amy at sumama kami sa kanila sa may sala, "aga niyo?" tanong ko sa kanila. "Wala lang. Haha, excited na din kami eh. Actually si DenDen siya ang unang nandito sa baba." bulong naman sa amin ni ate A, "Ah." yun lang ang tanging nasabi ko sa kaniya. Tumayo ako at linapitan ko si ate Den, "aga mo daw nagising ah?" sabi ko sa kaniya. "Eh... Haha, wala lang.." sabi niya sa akin tapos ngumiti siya, mukhang masigla siya pero hindi lang ako sure kung alam niya na ba yung kay ate Aly. "Saya ah?" sabi ko sa kaniya, "haha. good mood lang." sabi niya sa akin, "bakit?" tanong ko sa kaniya. "Nakausap ko ang daddy at mommy ni Aly kagabi bago ako matulog at sabi nila sa akin na tanggap na daw nila yung relasyon namin, hindi ko alam kung pano nangyari yon pero narealize daw ng daddy ni Aly na masaya naman pala si Aly sa akin pero inalis niya daw yung kasiyahan na yon kay Aly. Hindi niya lang daw matanggap talaga na hindi daw sinabi sa kaniya ni Aly ng maaga at sa tamang paraan pero ayun, masaya naman daw siya para sa amin at sorry daw sa mga nangyari at ginawa niya na pinaglayo niya kami ni Aly pero Michelle, hindi ko lang talaga maiwasan na magduda sa tatay ni Aly na kung tanggap niya na ba talaga kami eh... parang ang nararamdaman ko kasi hindi pa.." sabi sa akin ni ate DenDen, kilala ko si tito marunong siyang mapanghawakan yung mga sinasabi niya. "Tanggap na talaga kayo non, marunong ipanghawakan ni tito ang mga sinasabi niya, tiwala lang." sabi ko sa kaniya. Maya maya pa ay tumunog yung cellphone ko at nakita kong number ito ni tito, well speaking of. "Hello?" bati ko, "hello Michelle si tito mo toh. Nakausap ko si DenDen kagabi at kinausap ko siya tungkol sa kanila ni Aly, alam mo.. Tanggap ko na silang pareho, gusto ko lang sabihin sa iyo toh dahil magpinsan kayo ni Aly at may karapatan kang malaman ito. Tanggap ko na sila, don't worry, okay? Pauuwiin ko na nga si Aly eh." sabi niya sa akin, "ah ganun ba tito? Ayus naman pala eh!' sabi ko sa kaniya, "oh sige na Michelle, kelangan ko ng umalis at may mga gagawin pa ako." pagpapaalam niya sa akin tapos binaba niya na yung phone. Tumingin ako kay ate DenDen ng nakangiti at siya naman ay nagtataka, "anyare sa iyo?" tanong niya sa akin. "Tanggap kayo! haha!" sagot ko sa kaniya tapos yinakap ko siya, "legal na kayo ate Den!" dagdag ko pa. Napayakap na lang siya sa akin at halatang tuwang tuwa din siya, "ayos!!" sigaw niya tapos lumapit kami sa sala at tumingin sila sa akin. "Tanggap na kami!" sigaw ni ate Den, "talaga?! Ayos!" sabi naman ni ate Fille tapos yinakap niya si ate Den, ganun na din yung ginawa ng iba, nagparty party kami sa balitang iyon at maya maya pa ay nagring ulet yung telepono ko. Tiningnan ko kung sino at si ate Aly yung tumawag, lumabas muna ako bago ko sagutin. "Hello?" bati ko, "Hello Michelle, mamayang hapon niyo ako susunduin ha? Kayo ni Marge, ang susundo sa akin. Okay?" sabi niya sa akin. "Okay." sagot ko tapos binaba niya na yung phone. Excited na talaga ako!!

Moving CloserTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang