Chapter 12: AlyDen

8.4K 63 11
                                    

Alyssa's POV

Pumayag na ako ng tuluyan na maghiwalay na kami, nung una kasi talaga hindi ko matanggap.. Habang naglalakad ako iyak ako ng iyak, hindi ko aakalaing binitawan talaga ako ni Lazaro... "Aly.." sambit sa akin ni ate Fille, "ate Fille... Pinalaya ko na din siya... A-ang hirap...." sambit ko. Yinakap niya lang ako tapos hinimas niya yung likod ko, "wag ka munang pumasok sa klase mo. Samahan mo muna ako, okay? Hindi ka pwedeng pumasok sa klase mo ng ganiyan ka." sambit niya sa akin. Naglakad lakad na nga kami hanggang sa nahimasmasan na ako, "makakamove on ka din kay DenDen." sambit niya. "Sana...." sagot ko. "Alam mo Ly.. Kung ayaw may dahilan, kung gusto maraming paraan." sambit niya sa akin sabay ngiti. "Tingnan mo kami ni Gretta. Naranasan ko din yang nararanasan mo.. Litong lito din ako, katulad nga ng sabi nila, kung kayo ang para sa isa't-isa.. Kayo din ang magkakatuluyan sa huli. Tama nga.. Nagkabalikan kami ni Gretta." dagdag niya pa. Napatingin ako kay ate Fille at napangiti, nagkaron ako ng pag-asa.... "Wag kang mag-alala.. Babalik din yan sa iyo kung kayo talaga ang sa huli pero kung hindi naman.. wala tayong maggawa. Ganun talaga.. Ibig sabihin lang nun, may mga taong nakalaan para sa inyo." sambit niya.

Napapalalim na yung usapan namin hanggang sa dumating na si ate Gretta, "Anyare sa iyo? Mugto yang mga mata mo." tanong niya. "Umiyak yan." sagot ni Fille. "Dahil na naman kay Lazaro?" tanong niya ulet. "Oo.." sagot ko. "Ah.. Tara na.. May training pa tayo." pag-aaya ni ate Gretta. Naglakad na kaming papuntang gym, habang naglalakad kami, kitang kita ko kaila ate Fille ang saya at ang pagmamahalan nila sa isa't-isa. Nakakainggit, siguro kung hindi ko ginago si DenDen.. Siguro ganiyan din kami.. "Tara pasok na tayo." sambit sa akin ni ate Gretta, pumasok na kami sa loob at nakita ko dun si DenDen.. "Hi Dennise!!!" sigaw ni ate Fille. "Hi ate Fille!!! HAHAHAHAHAHA!" sigaw din ni DenDen tapos nagyakapan sila. Kumalas na sila sa pagkakayakap nila tapos nakipag-apir si ate Gretta kay DenDen, tumingin lang sa akin si DenDen.. AWKWARD... Napatingin lang sa amin si ate Fille at ate Gretta tapos nagtinginan sila... Maya maya pa ay dumating na si Ella, "Hi Elabs!" sigaw ni DenDen sabay ngiti. "Hi DenDen ko!" sigaw din ni Ella tapos naghug sila, napatingin na lang ako sa kanilang dalawa tapos sila ate Gretta umupo sa tabi ko. "Okay lang yan.." bulong sa akin ni ate Gretta. Ramdam kong nadudurog ang puso ko sa tuwing makikita ko silang magkasama.... Dapat ako yung binabati ni DenDen ng ganiyan, dapat ako yung hinahug ni DenDen at hindi si Ella.

Dumating na sila coach at yung iba pa, "Okay girls. Let's start!" sambit ni coach. Ayan nagsimula na kaming magtraining, ang gagaling at ang lalakas talaga ng mga toh. Si DenDen the ninja talaga oh!

FF

Natapos na din yung 3 oras namin na training. Nagpapahinga na kami ng biglang may tumawag kay DenDen. "Hello?" sagot ni DenDen. Maya maya pa ay narinig naming may bumagsak, napatingin kami kay DenDen.. Nakita namin siyang umiiyak, linapitan namin.

"Den! Bakit?" tanong kagad ni ate Dzi. "K-kelangan ko ng umalis... May p-problema sa bahay.." sagot ni DenDen.. Tumayo na siya pero nagulat ako bigla ko siyang hinabol, "Samahan na kita." sambit ko.. Ano daw??! "H-huh?! H-hindi na! Sige na, aalis na ako!" sambit niya tapos tumakbo na siya paalis. Napatingin ako sa kanila at nakatingin sila sa akin, yung mukha nila parang kabado na ewan. "Kinakabahan ako.." sambit ni ate Fille, "Ako din.. Yung pagkakasabi pa lang ni DenDen ng may problema sila sa bahay eh." sambit ko. Lahat kami ay napabuntong hininga na lang, DenDen kung ano man yun. Andito lang ako para sa iyo...

===========================================================================

Den's POV

Katatapos lang ng training namin, grabe.. Nakakapagod ng bongga. Nakaupo na kami at siyempre nasa pagitan namin ni Aly si Ella, maya maya ay may tumawag sa akin. "Number toh ni Yaya ah?" bulong ko sa sarili ko. "Hello?" sagot ko. "Dennise! Umuwi ka dito, may nangyari sa mama at papa mo." sambit ni yaya. Nagpapanick na ako at paiyak na din ako, "K-kelangan ko ng umalis... May p-problema sa bahay.." sambit ko.. Lahat sila napatingin sa akin at tumayo na ako at tumakbo paalis kaso tumayo si Alyssa at hinabol ako. "Sasamahan na kita." sambit niya. Nagulat ako sa sinabi niya, may paki pa din siya? Tssss. Ewan! "H-huh? H-hindi na! Sige na, aalis na ako!" sambit ko tapos tumakbo na ako paalis. Anong nangyari sa mga magulang ko?!?!?!?!

Moving CloserWhere stories live. Discover now