Chapter 15: AlyDen

8.2K 59 6
                                    

Den's POV

Iniwan niya ako sa baba at hindi ko mapigilang wag ngumiti. Talaga tong si Baldo oh! Ang lakas ng tama ko sa iyo! Umakyat ako sa taas tapos asa may pinto ako ng kwarto ko, naririnig kong nagsasalita si Aly. "Jusko, Lazaro! Ang lakas ng tama ko sa iyo! Ikaw pa din talaga ang sinisigaw ng puso ko.. Ikaw lang!" sambit niya. Napangiti ako sa mga sinabi niya tapos para hindi halatang nandun ako sa may pinto at nakikinig ang ginawa ko ay kumatok muna ako. "Aly?" tanong ko. "Oh? Pasok ka. Gising ako." sagot niya. Kurwaring natulog ka? HAHAHA! Nice! Pumasok na nga ako sa kwarto ko at nakita ko siyang nakahiga sa kama ko, "Walang hiya ka. Iniwanan mo ko sa baba." sambit ko tapos nagpout ako. "Sorry naman. Oh halika dito sa tabi ko. Haha" sambit niya tapos ngumiti siya. Umupo ako sa tabi niya tapos ngumiti siya, "alam mo. Hindi ko alam kung hanggang kelan tayo nandito.. Gusto kong bumalik na tayo sa dorm eh." sambit niya tapos tumingin siya sa akin. "Oo nga eh. Miss ko na din sila." sambit ko. "Eh si Ella? Miss mo?" tanong niya pero inalis niya na yung tingin niya sa akin, "Siya? Ayos lang." sagot ko. Bigla siyang tumingin sa akin, para bang nabuhayan siya ng loob. "Oh? Bakit para kang nabuhayan ng loob diyan?" tanong ko tapos nakangiti ako. "Wala! Bakit, masama bang maging masaya?" tanong niya sa akin tapos inirapan niya ako. "Oh ayan ka na naman, tinatarayan mo na naman ako." sagot ko tapos tumawa ako. "Oh bakit ka tumatawa? Sinabi ko bang tumawa ka? May sinabi ba akong nakakatawa?" tanong niyang naiinis. "Hahahaha! Wala.. Ang cute mo pag nagtataray ka eh." sagot ko tapos ngumiti ako sa kaniya. Ngumiti siya tapos tumungo siya, inangat ko yung mukha niya tapos hinarap ko siya sa akin at hinawi ko ang kaniyang buhok, "ang ganda mo talaga." sambit ko sa kaniya tapos kinindatan ko siya. "Bolera!" sambit niya tapos kinurot niya yung tagiliran ko. "Hindi ah! Totoo naman eh!" sambit ko tapos hinawakan ko yung kamay niya para hindi niya na ako kurut-kurutin. May narinig kaming may kumatok kaya binitawan ko siya, "kain na kayo." sambit ni yaya. Tumango na lang kaming dalawa tapos bigla kaming tumawa, "Loko ka." sambit niya sa akin tapos kinurot niya yung pisngi ko at bigla siyang tumakbo pababa. Loko talaga tong si Valdez, napabuntong hininga na lang ako at napailing tapos hinabol ko na siya. Pagkababa ko nakita kong nagtago siya sa may garden, pumunta ako dun tapos nahuli ko siya, "tara na." sambit ko sa kaniya. Tumango siya sa akin tapos hinawakan ko yung kamay niya at pumasok na kami sa loob.

Umupo na kaming dalawa at nagsimula na kaming kumain...

*KAIN MODE*

FF

Ayan, katatapos lang naming kumain. Pumunta kami sa may sala para manuod ng tv. "Alam mo, hindi ka pa din nagbabago." sambit ko sa kaniya. "Hahaha.. Ikaw din naman eh pero ikaw naman, nagiimprove na ng onti. Hindi tulad non, sobrang seryoso." sambit niya sa akin tapos ngumiti siya. "Lecheng toh." sambit ko sa kaniya tapos inirapan ko siya. Siyempre naman noh, kelangan kong mag the moves para lambingin niya ako. "Hala. Sorry. Nagtampo. Joke lang naman yun eh." sambit niya sa akin pero hindi ko pa din siya iniimik. "Ay sige, ganiyanan na tayo." sambit niya sa akin tapos umupo siya sa harap ko pero iniwasan ko pa din siya ng tingin, "huy. Wag ka namang ganiyan." sambit niya sa akin tapos bigla siyang nagpout. Hindi ko na mapigilang ngumiti, ngumingiti na din siya kasi nahahalata niyang ngumingiti na ako. "Ah.. Tampu-tampuhan pala!" sigaw niya tapos kiniliti niya ako. "Hoy.. Hahaha! Wag! Tigil.. Tigilan.. Mo hahahhaa! Ako! HAHAHA!" sambit ko, tumigil siya tapos tumakbo siya.. Hinabol ko siya tapos nung malapit na ako sa kaniya bigla siyang nadulas pero nasalo ko sa kaniya at pareho kaming lumagpak sa floor. Alam niyo kung ano yung ayos namin? Siya nasa baba tapos ako nasa taas tapos halos magkadikit na yung mukha namin.. Maya maya pa ay biglang bumukas yung pinto namin at laking gulat ko kasi si Ella yung pumasok... "Oh shit." bulong ko sa sarili ko tapos yung reaksyon ni Ella, gulat na gulat. Tumalikod na siya at bigla siyang tumakbo paalis pero tumayo ako agad at nahabol ko siya. "Teka!" sambit ko tapos hinawakan ko yung braso niya. "Bitawan mo ko!" sigaw niya. "Walang hiya ka! Eto na nga ba ang sinasabi ko! Matapos mong sabihan ako ng mahal kita! Ganito lang ang gagawin mo?! Dennise, hindi ko alam kung ano bang kulang sa akin eh!" dagdag niya pa tapos biglang lumabas si Aly at nasa likod ko siya. "Ikaw! Dba sabi ko sa iyo! Pag-inagaw mo sa akin si Dennise! Magsisisi ka!" sigaw niya tapos bigla siyang napahawak sa bibig niya. Napatingin ako sa kaniya ng masama tapos napatingin ako kay Aly, "Binabantaan ka niya?" tanong ko sa kaniya. Hindi sumasagot si Aly nakatingin lang siya sa akin, "wag kang matakot. Sagutin mo yung tanong ko." sambit ko. Napabuntong hininga siya, "oo." sagot sa akin ni Aly. Tumingin ulet ako kay Ella at sobrang galit na galit ako, "Ano bang problema mo?!" sigaw ko sa kaniya. "B-babe.. L-let me explain." sagot niya sa aking pautal utal. "Explain what?! Pumasok tayo sa loob at dun tayo mag-usap." sambit ko. Umakyat ako tapos sumunod siya, samantalang si Aly naman at naiwan sa baba.

Moving CloserWhere stories live. Discover now