Chapter 41: I do

3.8K 34 7
                                    

Gretta's POV


Tiningnan ko ang maganda niyang mukha, hinawakan ko ito. Hinawakan niya ang kamay ko na nasa pisngi niya, kinuha niya ito at hinalikan. Ang ganda niyang tingnan sa suot niyang damit, stunning. "Anong plano mo?" tanong niya sa akin, "Marami." sagot ko sa kaniya. Ngumiti na lang siya at hinalikan ako sa aking mga labi, ang tamis talaga. Hinding hindi ako magsasawa sa mga halik na iyon. May dumating na waiter at linagay yung yelo at wine sa lamesa namin, "gusto mo?" tanong ko kay Fille. Tumango lang siya at binigay ang baso niya sa akin, linagyan ko ito ng wine at binigay ko ito sa kaniya. Maya maya pa ay linagyan ko na din ang akin, "here's to our great future that awaits for us. Cheers." sabi ko sa kaniya at nagcheers kaming dalawa. Ininom ko na yung akin, masarap yung wine nila. Makabili nga nito, "ang sarap naman nito." sabi niya habang ninanamnam niya ito. "Sinong pumili ng wine na ito?" tanong niya, "siguro sila na din. Sabi ko lang sa kanila kung ano yung masarap na wine eh." sagot ko sa kaniya. Tumango tango na lang siya, napatingin siya sa likod ko ng biglang may tumugtog na kanta. Tumingin ako sa kaniya, tumayo ako at inilahad ko sa harap niya ang aking kamay. "Shall we dance?" tanong ko sa kaniya, ngumiti siya sa akin at masayang hinawakan ang aking kamay.


Nakatayo na kaming dalawa, sa gitna. Inilagay niya ang kaniyang mga kamay sa aking leeg at iniyakap ko naman ang aking mga braso sa kaniyang bewang. This girl, ang sexy niya talaga. Magkalapit na magkalapit kaming dalawa.


You're in my arms

And all the world is calm.

The music playing on for only two

So close together

And when I'm with you

So close to feeling alive.


Tiningnan ko siya sa mata niya, I would get lost in her eyes. These beautiful eyes of hers. Kiniss ko siya sa kaniyang ilong, ngumiti siya sa akin at yinakap ako ng mahigpit. Nararamdaman ko yung hininga niya sa leeg ko.



A life goes by

Romantic dreams must die

So I bid mine goodbye and never knew

So close was waiting, waiting here with you

And now forever I know

All that I want is to hold you

So close


Sinabayan ko yung kanta, alam kong medyo sintunado ako. Mahirap kasi eh, hello ang baba kaya nito. Pero wala yun sa akin, ang mahalaga mapasaya ko yung taong mahal na mahal ko.


So close to reaching that famous happy end

Almost believing this one's not pretend

And now you're beside me and look how far we've come

So far, we are, so close


Umalis na ako sa pagkakayakap ko sa kaniya, "tingin ko dun sa may building na yun ha?" sabi ko sa kaniya. Nagtataka siya tapos tumingin siya doon, "Fille." tinawag ko siya. Tumingin siya sa akin at nagulat siya dahil andun yung familya niya at yung family ko. "Paano sila agad nakaakyat dito?" tanong niya. "Kanina pa sila nandun lang sa loob." sagot ko sa kaniya. Nakikita kong naguguluhan siya, "anong meron Gretch?" tanong niya sa akin. "Malalaman mo." sagot ko na lang sa kaniya.

Moving CloserWhere stories live. Discover now