Chapter 13: AlyDen

8.6K 58 0
                                    

Dzi's POV

Bumalik na kami ng dorm at sinabi namin kay coach ang nangyari kay Den, napabuntong hininga na lang siya at napailing. "Hindi ko ineexpect na mangyayari toh. Sana maging okay na ulet si Lazaro." sambit ni coach tapos umalis na siya.

"Okay girls, ganito.. Ella 2 weeks ikaw ang mag-aalaga kay DenDen sa ospital tapos ikaw Aly ang mag-aalaga kay DenDen sa bahay nila." sambit ko. "What?!" sigaw ni Ella napatingin kami kay Ella tapos yung ngiti ni Fille at Gretta ay halatang may pinaparating. "B-bakit ako?" tanong ni Aly. "Eh ikaw ang gusto ng parents ni DenDen eh. Gagawin ko?" sagot ko. Sumama ang tingin ni Ella kay Aly at nagwalk out siya, "Bakit kasi ako? Tsaka totoo ba yang sinasabi niyo?" tanong niya sa amin. "Oo nga! Ang kulet." sagot ni A.

*FLASHBACK*

Mr. Lazaro: Ikaw ba yung Dzi?

Tanong sa akin ng tatay ni DenDen.

Dzi: Ah opo. Bakit po?

Mr. Lazaro: Kilala mo si Alyssa Valdez dba? Kakilala ko kasi siya dahil simula pa lamang nung highschool sila, magkasama na sila.

Dzi: Ah opo!

Woah! High school friends pala.

Mr. Lazaro: Gusto ko sanang si Alyssa ang mag-alaga kay DenDen dito sa bahay at ikaw na ang bahala na mag-assign sa kanila kung sino ang mag-aalaga kay DenDen sa ospital.

Dzi: Opo.. Sige po..

*END OF FLASHBACK*

"Ah oo! Si Tito. Nakakatuwa naman dahil hanggang ngayon, hindi pa rin nawawala yung tiwala niya sa akin." sambit ni Alyssa tapos ngumiti siya. "Kaya pala. High school friends kayo ni Lazaro." sambit ni A. Nakaupo kaming lahat sa sofa tapos biglang pumasok si Ella, "Oh ano? Kalmado ka na?" tanong ni A. "Explain niyo muna sa akin." sagot niya. Inexplain naman ni Fille at Gretta, "Ah okay." sambit niya tapos umakyat siya sa taas. "Paniguradong nagseselos yun." sambit ni A. "Gago ka pala eh. Sino ba namang hindi magseselos dba?" sambit ni Jirah. Tumawa kaming lahat sa sinabi ni Jirah kay A, first time ko lang marinig si Jirah magmura. "Tara girls, tulog na tayo." sambit ni Alyssa. Tumayo na kaming lahat at nagsiakyatan na kami..

*AFTER 1 WEEK*

Den's POV

Asan ako? Yan yung unang unang tanong na pumasok sa utak ko. Hinanap ko kagad ang cellphone ko at binuksan ko ulit yung message sa akin ni Ella, iniisip ko kung totoo ba ito at maya maya pa ay biglang may pumasok. Pagtingin ko, yung nurse lang pala. "Okay ka na?" tanong niya sa akin. "Ah opo." sagot ko tapos ngumiti ako. "Pumunta nga pala dito yung Ella De Jesus. Siya daw ang mag-aalaga sa iyo habang nandito ka pa sa ospital." sambit nung nurse. Napangiti ako sa sinabi niya kaso nawala din agad, napatingin na lang ulet ako sa cellphone ko at nakita ko yung picture namin ni Aly. "Namimiss ko na siya." bulong ko sa sarili ko. Humiga ulet ako tapos nakatulog ako.

Maya maya pa ay nagising ako dahil sa ingay, pagtingin ko ay si Ella pala yun. "Hey." bati ko sa kaniya. "Hi babe." sambit niya sa akin. Napatingin lang ako sa kaniya tapos ngumiti ako, "Totoo ba yung sinabi mo sa akin sa text na mahal mo ako?" tanong ko. "Oo, seryoso ako dun." sagot niya. Ngumiti ako tapos hinila ko siya sa akin tapos hinalikan ko siya, lumayo ako at ngumiti siya sa akin. "Tara kain." sambit niya. Umupo ako tapos umupo siya sa tabi ko at kumain na kaming dalawa.

Moving CloserDove le storie prendono vita. Scoprilo ora