Chapter 42: ADzi Proposal

1.6K 25 3
                                    

Author's POV

Nagkita na ulit si Aly at DenDen, siyempre nagmoment sila. Pumunta na ang mga girls sa harap at excited na kabado naman si A, "ready ka na?" tanong naman ni Gretta, tumango tango naman si A. Sinakto ni Fille na masalo ni Dzi at wala siyang idea kung ano ang sunod na mangyayari. Pagkabato ni Fille ay saktong nasalo naman ito ni Dzi, tumingin na si Fille at Gretta kay A. Biglang nagplay ang kantang Louder, nagulat si Dzi ng biglang sumayaw yung mga kasama niya sa gilid niya at siya lang yung nakatayo sa gitna. Tumayo naman sila Aly at lumapit sa gitna, sumayaw din sila. Hindi maintindihan ni Dzi kung ano ang nangyayari, MIA pa din si Nacachi, hinahanap niya pa din. Tapos nagulat siya ng biglang lumapit sa kaniya yung dalawang bride at pinaupo siya, ang unusual pero sumayaw din yung dalawa. Nararamdaman niya na kung ano ba talaga ang nangyayari, nakita niya si Nacachi na nagmula sa likod at papalapit sa kaniya.
Hi

Malapit ng matapos yung kanta at nakatayo na sa harap niya si Nacachi. Nakangiti ito sa kaniya, napangiti din siya sa kaniyang nakita. "Ang cute niya talaga." sabi ni Dzi sa kaniyang sarili. "Hello sa lahat." bati ni Nacachi, sa itsura niya ay mukhang kinakabahan pa siya at hindi alam ang kaniyang sasabihin. Nakatingin lang si Dzi sa kaniya, hinihintay ang kaniyang sasabihin. May ideya na siya kung ano talaga ang nangyayari pero hindi pa din siya nakakasigurado, hinawakan ni Nacachi ang kaniyang kamay at nakatitig lang ito sa mga mata niya. Napansin niyang parang naluluha ito pero nakangiti pa din sa kaniya. "Dzi, nung makilala kita. Sobrang sungit mo, lagi mo akong inaaway noon. As in sobrang sungit mo kahit itanong mo pa kaila Gretta yun, lagi nga nila akong kinakachawan noon eh dahil sa pagsusungit mo sa akin pero kahit ganon ka? Nagkagusto talaga ako sa iyo. Naaalala mo yun? Lagi kitang kinukulit pero ayun ka pa rin, masungit. Naiinis sa akin sa tuwing kinukulit kita pero nung nakilala na talaga kita ng lubusan, naintindihan ko na kung bakit ka ganun. Hindi ko alam na may soft side ka naman pala, hindi kasi halata sa iyo eh. Haha! Joke lang, ayaw ko lang maging masyadong madrama tong speech ko. Pero seryoso, inintindi kita in every way that I can. Lagi tayong nag-aaway nung bago pa lang tayo pero nagtiyaga pa din ako, never in my life na pumasok sa isip ko na hiwalayan kita dahil sa mga wagas wagasan mong mood swing. Lagi mo akong inaaway pero ngayon naging okay ka na, medyo masungit ka na lang pero kaya ko naman. Sanay na ako, total opposite tayo pero sabi nga nila diba? Opposite attracts. Haha! Totoo nga, tayo ang living proof. Ayaw ko ng pahabain pa to dahil nagtothrowback na ako eh. Angeline Gervacio, hindi ako mangangako dahil promises are meant to be broken. I will make everything possible, hindi ako mangangako na hindi kita sasaktan dahil I will do everything para hindi ka masaktan. Hindi kita paiiyakin dahil sa sakit na mararamdaman mo, paiiyakin lang kita dahil sa saya. Iingatan kita at aalagaan kita, I will always be there for you, hinding hindi kita iiwanan. Hindi ko hahayaan na harapin mo yung mga problema mo ng ikaw lang, hangga't maaari nandiyan ako sa tabi mo para pagtulungan natin ang mga problemang haharapin natin. Through thick and thin, andiyan ako palagi sa tabi mo. Mukhang nagsasabi ako ng wedding vows ah? Oh well, dun na din naman pupunta yun." Lumuhod si Nacachi sa harap ni Dzi, nakatingin lang sa kaniya si Dzi at umiiyak na siya. Nabigla siya pero masayang masaya siya dahil nangyayari na talaga ang matagal na niyang pinapangarap. Tumingin sa kaniya si Nacachi at inilabas ang isang maliit na velvet box, binuksan niya ito at lalong napaiyak si Dzi. "Angeline Gervacio, will you marry me?" Kinakabahan si Nacachi sa magiging sagot ng taong pinakamamahal niya, natatakot siya na baka i-reject siya nito. Hindi niya alam, wala siyang kasiguraduhan pero nawala ang kaba niya ng biglang kinuha ni Dzi yung singsing at sinuot ito. "Yes Aillysse Nacachi, I will marry you!" sagot sa kaniya ni Dzi. Hindi makagalaw si Nacachi, nashock din siya at siyempre natuwa siya sa sagot sa kaniya ni Dzi. Nagpalakpakan ang mga tao at ang mga girls naman ay tuwang tuwa, hinila na siya ni Dzi patayo at yinakap siya ng mahigpit. "I love you." bulong sa kaniya ng babaeng mahal na mahal niya, "i love you more and always." sagot naman ni Nacachi habang yakap niya pa din ng mahigpit si Dzi.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 08, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Moving CloserWhere stories live. Discover now