Chapter 5: AlyDen

11.4K 85 4
                                    

Alyssa's POV

Nagising ako ng maaga.. Excited na akong malaman yung resulta ng try outs at siyempre excited na akong makita yung pinakamamahal kong girlfriend na si Dennise Michelle Garcia Lazaro.. Sana ganun din siya.. Bumangon na ako para maligo..

*LIGO MODE*

FF

Ayan! Katatapos ko lang maligo. Lumabas na ako ng banyo para mag-ayos. Maya maya pa ay kumatok na ang aking ina, "Alyssa?" sabay bukas ng pinto. "Po? Nakabihis na po ako. Kakain na lang po ako." sambit ko sa kaniya at ngumiti ako. "Aba, ang aga mo nagising ha? O sige, bumaba ka na lang ha?" sabi niya sa akin sabay umalis na siya. Ang ganda ng gising ko! Excited na talaga ako ng sobra!! 

Bumaba na ako at nakita ko dun si mama at papa nakain ng almusal. "Oh, maupo ka na at kumain ka na." sabi sa akin ni papa tapos tumayo siya. "Alis ka na po?" tanong ko sa kaniya. "Oo anak, pasensya ka na ha? nagmamadali kasi ako eh, may mga aayusin pa ako." sabi niya sa akin. Ngumiti na lang ako dahil naiintindihan ko naman si papa, umupo na ako at nagsimula na akong kumain. Habang kumakain ako, naiisip ko si DenDen, iniisip ko kung papakilala ko siya sa magulang ko. Siguro hindi naman masama kung susubukan ko dba? pero hindi ko alam, natatakot ako kay papa.. 

Nakatapos na ako kumain, tumayo na ako at dala ko ang plato ko at inilapag ko ito sa lababo. "Ma, alis na po ako ha?" tapos nagkiss ako sa cheeks ni mama. "Oh sige, magiingat ka ha?" sabi niya. Ngumiti ako at umalis na ako.

FF

Nakarating na ako ng school at nagsimula na akong hanapin si DenDen. Teka, asan na ba yung babaeng yun? Habang naglalakad ako, nakita ko si Ella at Marge. "Huy!" tawag ko sa kanila. Tumingin sila sa akin at lumapit sila, "Nakita niyo ba si DenDen?" tanong ko sa kanila. "Ah! Andun sa tambayan niya. Kanina ka pa inaantay nun. Puntahan mo na lang dun, inaantay namin si Jirah eh." sagot sa akin ni Ella. "Ah. Nakita niyo ba yung results ng try outs?" tanong ko sa kanila. "Hindi pa, sabay sabay na lang kami nila Jirah." sabi sa akin ni Ella tapos ngumiti siya. "Ah ganon ba? Sige, una na ako ha?" pagpapaalam ko sa kanila tapos naglakad na ako papalayo. 

Moving CloserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon