Chapter 20: AlyDen

7.6K 50 11
                                    

Michelle's POV

Ako nga pala si Michelle Morente, pinsan ako ni Alyssa Valdez. Kauuwi ko lang galing Italy, gusto kasi ng parents ko na dito ako magcollege kasama ang pinsan ko.. Marahil ay nagtataka kayo kung paano kami nagkakilala ni Amy, nagkakilala kami ni Amy sa isang group sa fb. Mabait si Amy sobra, idol niya kasi ang pinsan kong si Aly tapos idol ko yung pinsan niyang si DenDen. Nag-uusap kami pero sa social networking site lang, hindi ko alam na mahuhulog nga yung loob ko sa kaniya eh. Maganda siya tapos ang bait bait niya pa, hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniya yung may gusto ako sa kaniya pero ang sabi niya sa akin nasa Pilipinas daw siya, ikinatuwa ko naman iyon kasi uuwi din ako sa Pilipinas at nagpaplano ako na magkita kami pero hindi ko inaasahan na magkikita kami sa dorm ng ALE at magiging magkasama pa kami. 

Andito lang ako sa kwarto nila ate Aly, nagising na ako kaninang 5 pero natulog na lang ulet ako kasi inaantok pa ako. Nasabi nila sa akin na babalik na dito sila ate Aly ngayong araw na toh pero hindi nila alam kung anong oras, nagising na lang ako kasi may tumatawag sa akin at pagdilat ko nakita ko si ate Aly, ate Den at si..... Teka, totoo ba tong nakikita ko?! Si Amy Ahomiro?!?! Oh my god!! Andito siya.. "Amy?" yun lang yung tanging nasabi ko sa kaniya kasi hindi ako, "Yup... Hi..." sabi naman ni Amy sa akin.. Sobrang tuwang tuwa ako kasi nakita ko na din siya sa wakas at makakasama ko pa siya, ang ganda niya!! Shocks!! Naiinlove ako.. Nakita kong nagkatinginan si ate Aly at ate DenDen paniguradong nag-iisip yun kung meron ng something sa aming dalawa, wala pa noh. Hahaha! "Kararating niyo lang?" tanong ko kay ate Aly. "Oo... Kararating lang namin." sagot ni ate Aly. "Uhm... Are you going to study here?" tanong naman sa akin ni Amy, "Oo.. Ikaw ba?" tanong ko din sa kaniya. "Yup.. I'm joining the Lady Eagles team, what about you?" tanong sa akin ni Amy, "Oo.. Sasali din ako." sagot ko sa kaniya tapos ngumiti ako. "So, magkakilala na talaga kayo?" tanong ni ate Aly, "Oo pero hindi close." sagot ko naman sa kaniya. Tumingin si Amy sa akin tapos ngumiti siya, nakakainlove yung mga ngiti niya.. Haaaaay.. tapos maya maya ay may biglang kumatok, "Yo girls. Baba muna kayo, kakain lang." sambit ni Marge. "Let's go?" pag-aaya sa akin ni Amy, ngumiti ako sa kaniya tapos hinawakan ko yung kamay niya.. Inaantay ko nga kung aalisin niya eh, hindi niya inalis.. Buti na lang.. Lumabas na kaming dalawa ni Amy tapos bumaba na kami, naiwan sila ate Aly sa loob ng kwarto. 

Pagbaba namin, nakapwesto na sila. Magkakapartner sila tapos si ate Ella ang walang partner, pumwesto na kaming dalawa ni Amy sa tabi ni Jirah tapos maya maya pa ay bumaba na sila ate Aly.. Ang cute nilang tingnan, haaaaaay... Sana ganiyan din kami ni Amy... Nabasag yung katahimikan ng biglang tumunog yung cellphone ni ate Ella, napatingin si ate DenDen sa kaniya tapos yung ichura niya ay parang nagtatanong o nagtataka..

=============================================================================

Ella's POV

Dumating na sila Aly kasama yung napakagandang pinsan ni DenDen, siya pala yung sinasabi ni Morente sa amin nung isang araw. Totoo, maganda nga. Foreigner pa ha? Imported! Nagulat sila sa akin dahil bigla kong yinakap si Aly at si Den, anong tingin nila sa akin? Bitter pa din ako? No.. Nakamove on na ako, pinilit ko kahit ang hirap at ang sakit. Anyway, andito na kami sa dining area at wow ha, kakakita pa lang nung dalawa ay may holding hands effect na... Wala pa namang namamagitan sa kanilang dalawa ni Amy kasi nagpapatulong din sa amin si Michelle... Pagdating naman nung dalawa ay biglang tumunog yung cellphone ko, alam kong hindi sanay ang ALE ng bigla biglang natunog cellphone ko lalo na pagtawag.. Nakita kong napatingin sa akin si DenDen, malamang nagtataka din yun. Tiningnan ko yung number at hindi ko siya kilala, sino kaya toh.. Lumabas muna ako ng dorm para sagutin ko ito.. 

"Hello? Sino toh?" tanong ko. "Hi Ella, alam kong hindi mo ko kilala.. Diba ikaw yung dating girlfriend ni Dennise Lazaro?" tanong nito sa akin, poteks. Sino toh.. Nakakatakot naman tong lalakeng toh, para akong papatayin sa datingnan ng pagsasalita niya eh, "Ah oo.. Bakit? Anong kelangan mo sa akin?" tanong ko sa kaniya, "magkita tayo mamaya sa Shakey's.. May pag-uusapan lang tayo." sagot niya sa akin. Bago pa ako magsalita ay ibinaba niya na yung phone niya, kaya naman hindi na ako nakasagot.. Kinakabahan ako, sino kaya yon? Hindi ko muna sasabihin toh sa girls baka kasi magworry sila at hindi ako payagang lumabas ng mga yun. 

Moving CloserWhere stories live. Discover now