Chapter 17: AlyDen

8.4K 50 1
                                    

Den's POV

Dumating sila ate Dzi para pigilan ako sa pagpapakamatay, nagulat ako sa mga sinabi ni Alyssa hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya sa akin.. Sa gabing iyon ay may nangyari na sa aming dalawa, umalis na sila ate Dzi pero hindi ko na iyon pinansin dahil ang mahalaga ngayon ay kasama ko na si Alyssa at nasa tabi ko na siya.... Pero teka! dba sila pa din ni Jovee?! Pero bakit.... Ugh.. Hindi na naman ako mapakali pero hindi ako makagalaw kasi yakap yakap ako ni Alyssa, kahit gustuhin ko mang alisin ang kaniyang pagkakayakap sa akin ay hindi ko magawa...

"Good morning." bati sa akin ni Alyssa na may kasamang ngiti, humarap ako sa kaniya tapos hinalikan ko siya. "Good morning din." bati ko sa kaniya, "Balik na tayo sa dorm?" pag-aaya niya sa akin. Napatingin lang ako sa kaniya tapos umupo ako, "Sige.. pero pwede bukas na lang?" tanong ko sa kaniya. "Oh sige." sagot niya sa akin tapos tumayo na siya at dumeretso siya sa banyo. Nakita ko yung phone niya, nakaiwan lang dun sa may kama ko, kinuha ko ito at nakita kong nagtext siya kay Jovee.

*Message*

To: Jovee

Hey.... Usap tayo maya pwede? Kita tayo sa Shakey's..

Nagulat ako dun sa message. Bakit kaya? Linagay ko na ulet ito dun sa dating pwesto tapos nagbihis na ako, pagkatapos ko naman magbihis ay saktong lumabas si Aly. "Tara? Kain tayo sa baba?" pag-aaya ko. "Sige tara!" sagot niya tapos lumabas na siya ng kwarto. Paglabas ko ng kwarto ay nandun siya sa may hagdan nakaupo at inaantay ako, nung nakita niya na ako siya ay tumayo at lumapit sa akin. Hinalikan niya ako sa labi tapos hinawakan ko yung kamay niya at bumaba na kaming dalawa.

Pagbaba namin, may mga nakahanda ng pagkain. Umupo na ako at umupo siya sa tabi ko, "Good morning po mga ma'am." bati sa amin ni manang. Nginitian namin siya at nagsimula na kaming kumain ni Aly, "oo nga pala, Den. Magkikita kami ni Jovee kasi may pag-uusapan kaming importante." sambit niya sa akin. "Ah. Sige, ayos lang. Anyway, anong oras?" tanong ko sa kaniya, "baka pagkagaling ko sa dorm.. Uuwi muna ako sa dorm ng mga after lunch kasi kukuha muna ako ng damit ko." sagot niya. Ano kaya yung pag-uusapan nila ni Jovee? "Ah sige..." sambit ko. Tahimik na kaming kumakain tapos biglang nagring yung phone ko, "excuse lang Aly ha?" pagpapaalam ko. Tumango lang siya tapos kinuha ko yung phone ko at tumayo ako.

"Hello?" bati ko. "Den! Si ate Fille mo toh. Kelan ka babalik dito? Magsisimula na tayong magtraining eh." tanong ni ate Fille. "Bukas babalik na kami ni Aly. Kelan ba training?" sagot ko. "Sa Monday pero dapat andito na kayo before Monday, okay?" sambit niya. "Sige sige.. We'll be there." sambit ko. "Sige. Bye." pagpapaalam niya tapos binaba niya na yung phone. Lumapit na ako sa table at umupo na ako tapos nagsimulang kumain ulet, "sino yun?" tanong ni Aly. "Si ate Fille." sagot ko. "Ah, ano sabi?" tanong niya. "May training na daw tayo sa Monday kaya dapat daw bukas andun na tayo sa dorm." sagot ko. Ngumiti lang siya tapos tumayo siya at pumunta sa may sala, naiwan ako sa may dining area...

Katatapos ko lang kumain at pumunta din ako sa may sala, nakita kong nanunuod siya ng TV at ang palabas ay Pretty Little Liars.. "Sinong mas gusto mong love team? Si Maya at Emily or Paige at Emily?" tanong sa akin ni Alyssa, "mas gusto ko si Maya at Emily." sagot ko tapos umupo ako sa tabi niya, "ikaw ba?" dagdag ko pa. "Pailey!" sagot niya tapos bigla niya akong yinakap, "bakit naman?" tanong ko sa kaniya. "Wala lang.. Ang cute kasi nila.. parang tayo..." sagot niya sa akin. Napangiti ako sa sinabi niya pero mabilis din itong nawala kasi naaalala ko na naman na sila pa nga pala ni Jovee, "may problema ba?" tanong niya sa akin. "Wala.." sagot ko tapos ngumiti ako sa kaniya, "sure yan ha?" paninigurado niya. Ngumiti ako at tumango ako, "anyway.. Wala naman tayong gagawin.. Bakit hindi tayo gumala ngayon?" pag-aaya ko sa kaniya. Tumingin lang siya sa akin tapos bigla siyang ngumiti, yung ngiti niya yung para sa bata na naeexcite. "Gusto ko yan!!" sigaw niya tapos tumayo agad siya at tumakbo paakyat. Ang cute niya talaga. Hahaha! Para talaga siyang bata..

Moving CloserWhere stories live. Discover now