Chapter 26: AlyDen

6.6K 42 8
                                    

Mae's POV

Katatapos lang ng aming traning at nakatambay lang kami dito sa gym, naghaharutan ang mga love birds, except lang sa amin nila Ella at DenDen. Tahimik lang si DenDen, alam kong sobrang nalulungkot siya dahil wala na si Aly, tumayo ako at tinabihan ko siya. "Hey." sabi ko sa kaniya, tumingin lang siya sa akin at ngumiti, "hey." bati niya din sa akin. Tumahimik na naman kaming dalawa at biglang tumunog yung cellphone ko, kinuha ko ito sa bag ko at pagtingin ko si Jovee lang naman pala ito.

From: Jovee

Mae, usap tayo ngayon na. See you.

Tumayo na ako at lumabas na ako ng gym, hinanap ko siya at nakita kong may paparating na itim na kotse. Tumigil siya sa harapan ko at bumukas yung bintana, "Sakay." sabi sa akin ni Jovee. Binuksan ko yung pinto at sumakay na ako, "ano balita?" tanong niya sa akin habang nagdadrive siya papaalis. "Jovee, hindi ko alam kung hanggang kelan ko kayang gawin toh. Ang hirap makuha ng loob ni DenDen eh." Sagot ko sa kaniya, tumingin lang sya sa akin ng masama tapos huminto kami sa lugar na kung san wala masyadong tao. "Linoloko mo ba ako Mae?! Pumayag ka dba? Oh ngayon, gawin mo ung pinapagawa ko.. Ang simple simple lang nyan." Sabi nya sa akin, "eh kung simple naman pala.. Bakit hindi ikaw ang gumawa." Sabi ko sa kanya. Tiningnan nya ako ng masama, "pag naging maayos ang Plan B, ako na ang gagalaw sa plan c." Sabi nya sa akin. Tumahimik na kaming dalawa tapos nagdesisyon na akong bumaba, "basta. Gagawin mo ung pinapagawa ko sa iyo." Sabi nya sa akin tapos hinayaan nya na akong tuluyang bumaba. Naglakad na akong papalayo sa kotse nya at hindi ko na sya liningon pa, pambihira.. Paano gagawin ko dito?

Nakarating na ako ng dorm at nakain na silang lahat, "halika na Mae." pag-aaya ni ate Dzi, tumabi ako kay DenDen tapos nakita kong tahimik lang siya. Walang naimik ni isa sa kanila, "may problema ba kayong lahat?" tanong ko sa kanila. "Wala naman, mga pagod lang talaga." sagot ni Ella tapos kumain ulet siya. Nakakapagtaka bakit parang ang tamlay nilang lahat, isa isa na silang nagtayuan at naiwan kaming dalawa ni DenDen, "Den. May problema ba?" tanong ko sa kaniya. Umiling lang siya tapos tumayo na din siya, ako na lang yung naiwan don mag-isa na kumakain, binilisan ko na lang yung pagkain ko at naghugas ako ng pinagkainan ko.

=============================================================================

Aly's POV

Nakasakay na kami ng eroplano at papunta na kami ng Italy, to be exact sa Florence kami magstestay andun kasi sila tito at tita. "Magpapakatino ka dito ha?" sabi sa akin ni daddy, tumango lang ako tapos nagsoundtrip na lang ako. Sakto namang tumugtog yung Mirrors habang nakatingin ako sa may bintana ng eroplano, yung favorite version ko pa ng Boyce Avenue na kasama ang Fifth Harmony, si DenDen kasi nagparinig sa akin nito eh.

*FLASHBACK*

Andito kami sa dorm at naglalaptop lang si DenDen tapos ako naman naglalaro ako sa cellphone ko.

Den: Aly! Pakinggan mo toh, ang ganda!

Tumayo ako at lumapit ako sa kaniya, sinuot niya sa akin yung isang pares ng earphones at siya din. Plinay niya yung kantang Mirrors.

Aren't you somethin' to admire, cause your shine is somethin' like a mirror

And I can't help but notice, you reflect in this heart of mine

If you ever feel alone and the glare makes me hard to find

Just know that I'm always paralel out on the other side

Moving CloserDonde viven las historias. Descúbrelo ahora