Chapter 22: AlyDen

7.5K 53 11
                                    

Dzi's POV

Nagulat ako sa mga sinabi sa amin ni Ella, bakit ganon siya? Ano bang problema niya kaila Den at Aly? Kung mahal niya talaga si Aly, hahayaan niya na lang maging masaya yung tao sa piling ng iba eh. Kaso hindi eh, nandedemonyo pa siya! "Ano bang problema ni Jovee kaila Aly?!" pasigaw kong tanong kay A. "Dzi, tama na yan. Eh.. Lam mo naman yun, hindi titigil hangga't hindi niya nakukuha yung gusto niya.." sagot naman sa akin ni A, "Kulang na lang patayin niya na si Den para mapasakaniya si Aly ng tuluyan eh..." sabi ko naman kay A tapos napabuntong hininga naman ako. Tumungo na lang si A tapos inakbayan niya ako, "Titigil din yan.." sambit naman niya tapos lumapit siya kay Ella. "A! Nasisiraan ka na ba ng ulo?!" biglang sigaw naman ni Ella, napatingin ako sa kanilang dalawa, "Hindi.. pero.. ako na ang gagawa ng paraan, okay? Ayokong nakikitang nagkakaganito sila Aly." sagot naman ni A. Lumapit ako sa kanila tapos hinawakan ko yung kamay ni A, "A.." sambit ko sa kaniya tapos tiningnan ko siya sa mata. Napabuntong hininga na lang siya tapos pinisil niya ang kamay ko, "Kelangan natin tong masabi sa iba. Wag nating isarili, kaya namang magpigil ng bibig yang mga yan eh." sabi naman sa akin ni A. Tumingin ako kay Ella tapos ngumiti siya, "paano si Amy at Michelle?" tanong naman ni Ella. "Sabihin natin sa kanila na wag munang sasabihin dun sa dalawa." sagot naman ni A, tumango si Ella tapos umakyat muna kami sa taas. "A. Tawagin mo yung MaRah, FilleGretch at si Amy at Michelle." pag-uutos ko naman kay A, lumabas siya ng kwarto tapos bumaba siya.

Maya maya pa ay umakyat na sila, "bakit?" tanong naman ni Gretta. Sinabi namin sa kanila ang lahat lahat at kitang kita ko sa mukha ng FilleGretch ang pagkainis, sa MaRah naman halatang naiinis din pero yung dun sa dalawa.. Iba.. Galit.. "Ate Ella, can you please give me his number? I don't want someone messing around with my cousin." pagtatanong naman ni Amy, kitang kita ko sa mukha ni Amy ang galit niya. "Amy, I can't give you.. I'm sorry.." sagot naman ni Ella tapos tumungo siya, "Why?! Are you afraid?! Well, don't be! Your friends are in danger here and you'll do nothing?! Well, I'll do something.. It's about my cousin and her cousin.." pasigaw na sinabi ni Amy, tapos lumabas siya ng kwarto.. Sinundan naman siya ni Michelle, nagkatinginan kami tapos bakas sa mukha nila ang kaba.. "Ella, baka hanapin nun si Jovee.. Nako." sambit naman ni Fille na may halong pagkabahala. "Pigilan na natin yan hangga't maaga pa.." sambit naman ni Gretta, lumabas na kaming lahat ng kwarto tapos bumaba kami..

=============================================================================

Aly's POV

Malapit na sa chorus si ate Gretta eh kaso bigla siyang pinatawag nila ate Dzi, kaming dalawa lang ni DenDen ang naiwan sa baba dahil lahat sila nasa taas. "Den, ano kayang ginagawa nila don?" tanong ko, "baka may pinaguusapan lang sila. Yaan mo na." sagot naman sa akin ni DenDen tapos hinawakan niya yung kamay ko, sumandal ako sa balikat niya tapos hinawi niya yung buhok ko. Maghahalikan na sana kami ng biglang bumaba ng pagalit si Amy habang sinusundan naman siya ni Michelle, napatingin kaming dalawa ni DenDen sa kanilang dalawa. "Amy.. Wait!" sigaw naman ni Michelle tapos sinundan niya hanggang lumabas na silang dalawa ng dorm. "San pupunta yun?" tanong ko kay DenDen, "hindi ko alam." sagot naman sa akin ni DenDen, tumayo na si DenDen tapos biglang bumaba sila ate Dzi. Napatingin kami sa kanilang lahat tapos lahat naman sila ay parang mga balisa na hindi mo maintindihan, "san pupunta si Amy?" tanong ni DenDen. "Magpapalamig lang ata yon." sagot naman ni Ella pero ramdam kong nagsisinungaling siya kasi nakatungo siya eh. Hindi naniwala si DenDen kaya lumabas siya tapos sinundan ko siya, "Den!" sigaw naman ni Ella. Lumingon sa kaniya si DenDen, "cellphone mo.. May nagtext.." sambit ni Ella tapos inabot niya yung phone ni DenDen.

Binuksan ni DenDen yung phone niya at nakita niyang may isang text message na galing sa unknown number.

From: 0927*******

Moving CloserWhere stories live. Discover now