Chapter 10: AlyDen

8.6K 68 12
                                    

Aly's POV

Umakyat na ako sa taas at pumasok ako sa kwarto namin ni DenDen, nakita kong magkalayo yung higaan namin.. Grabe, ilang araw pa lang kaming mag-on.. Ganito na agad ang nangyari.. Oo, ako nga ang may mali hindi si DenDen.. Sobrang nasaktan ko si DenDen. Sobra sobra... Humiga na ako at natulog na ako...

*KINABUKASAN*

Nagising ako ng maaga at nakita ko si DenDen nakaupo siya at nakatingin sa kawalan. Umupo din ako at tumingin siya sa akin, "aga mo nagising." sambit ko sa kaniya. "Oo. Kelangan nating mag-usap." sambit niya sa akin, ramdam ko sa boses ni DenDen na cold siya sa akin. Ang plain niyang magsalita.. Tumayo ako at umupo ako sa tabi niya pero tumayo siya, "Alyssa. Hindi ko na kaya toh. Wala ng patutunguhan toh." sambit niya sa akin. Nagulat ako sa mga sinabi niya sa akin at napatingin ako sa kaniya, "Ha? A-anong ibig sabihin mo?" tanong ko sa kaniya. "Alam mo kung ano ang ibig sabihin ko Alyssa......... Pinapakawalan na kita.." sagot niya sa akin. Nung narinig ko yung mga salitang yon, parang gumuho yung mundo ko. "Den! Hindi! Hindi pwede toh, bakit?" tanong ko sa kaniya. "Eto ang tama Alyssa, sawang sawa na akong masaktan ng paulet ulet. Lagi na lang ikaw ang dahilan eh, tao din ako.. May nararamdaman, hindi ako manhid Alyssa. Hindi ako manhid. Alam kong masaya ka kay Jovee, kaya pinapalaya na kita. Hindi ko ipagpipilitan ang sarili ko sa taong hindi naman masaya sa piling ko dahil lalabas lang na para kitang sinasakal.. Tsaka, ayaw kong maging 2nd option.. Tapos na ang mga panahong gagaguhin mo ko at tapos na din ang mga panahon na magpapakatanga ako sa iyo.. I'm sorry, I love you but this is the right thing to do.. I'm letting you go.." sambit sa akin ni DenDen tapos umalis siya sa kwarto namin.. Ramdam kong tumutulo na ang aking luha, hindi ko mapigilan... Bakit ko pa kasi ginawa yon?! Edi ngayon nawala na sa akin yung taong mamahalin ako at mamahalin ko.. Ang swerte swerte ko na eh! Ang tanga tanga ko talaga!

============================================================================

Den's POV

Bumaba na ako at nakita ko dun si Ella. "Hey." bati ko sa kaniya. Tumingin lang siya sa akin tapos ngumiti siya, umupo ako sa tabi niya. "Anong nangyare sa inyo ni Alyssa?" tanong niya sa akin. "Break na kami." sagot ko sa kaniya. Nagulat siya sa sinabi ko, "yun ba yung nagsisigawan kayo kagabi? Andun kami sa may hagdan nila Jirah eh. Pinakikinggan lang namin kayo.." sambit niya. "Oo, yun yon. Ang sakit no?" tanong ko sa kaniya tapos tumulo na luha ko, "sobra..." sagot niya tapos yinakap niya ako. "San ba ako nagkulang Ella? Ano pa bang kulang sa akin at hindi siya msaya sa piling ko?" tanong ko sa kaniya. "Tahan na... Tama na yan..." sagot ni Ella. Oo nga naman, bakit siya ang tinatanong ko.. Eh hindi naman siya yung taong minahal ko.. "Alam mo pre, ang pagpapasakit ay kabilang talaga yan sa buhay.. Kelangan mo munang masaktan bago ka magkapasarap.. Magsisilbing lesson na yan sa iyo DenDen.. Sana naman pag natuto ka na eh, wag ng maulit yan sa iyo.." sambit niya. Tumingin lang ako sa kaniya tapos ngumiti ako. Nanuod na lang kami ng tv ni Ella kasi wala pa sila ate Dzi.

Bumaba na yung apat naming ate tapos yung si Marge, Jirah at Alyssa at nasa taas pa. "Den. Halika dito." tinawag ako nung apat sa may dining area. "Kakausapin ka lang namin." sambit ni ate Dzi. "Ano yun?" tanong ko. "Wala na ba kayo ni Alyssa?" tanong sa akin nung tatlo except lang kay ate Dzi. "Oo, bakit?" sagot ko. Nagtinginan yung tatlo, "bakit mo ginawa yon?" tanong nila. "Ginawa ko yun dahil gusto ko siyang maging masaya. Hindi ko na kelangang ipagpilitan pa ang aking sarili sa taong hindi naman magiging masaya sa aking piling. Mahal ko siya, gusto ko siyang maging masaya. D bale ng ako yung nalulungkot, wag lang siya." sagot ko. Nagtinginan sila tapos napailing na lang si ate Gretta. Si ate A naman, tumungo na lang tapos si ate Fille nakatingin na lang sa cellphone niya. Tumayo na ako at bumalik na lang ako kay Ella.

Bumaba na yung tatlo at nakahanda na ang pagkain sa lamesa, siyempre magkakatabi sila tapos ako nakatabi kay Alyssa. Oh dba? Ang ganda talaga ng trip nila. "Tara kain." sabi ni ate A. Nagsimula na kaming kumain, buong almusal namin ay tahimik lang kami, walang nag-uusap. Nakatapos na akong kumain at tumayo na ako, dinala ko yung plato ko sa lababo at umakyat ako sa taas at nag-ayos ako ng gamit ko. Babalik na lang ulet ako sa bahay namin, ayokong kasama ko siya sa iisang bubong. Nahihirapan lang ako...

Nakapag-ayos na nga ako ng gamit at bumaba na ako dala ang mga gamit ko. Napatingin silang lahat sa akin. "Saan ka pupunta?" tanong sa akin ni ate Dzi. "Uuwi ako sa amin." sagot ko tapos kinontact ko na yung driver namin. "Sigurado ka ba diyan sa desisyon mo Dennise?" tanong sa akin ni Jirah. "Oo Jirah." sagot ko. Tumayo si Jirah at lumapit siya sa akin, "babalik ka ha?" sambit niya sa akin tapos yinakap niya ako. Napaiyak ako kasi nagulat ako, bigla niya akong yinakap. Tumayo na din yung iba pwera lang kay Alyssa tapos yumakap silang lahat sa akin tapos siya ay nakatingin lang. "Ate Fille." tinawag ko si ate Fille. "Ano yun?" tanong niya. Inabot ko sa kaniya yung sulat ko para kay Alyssa, "bigay mo ha? Pagkalabas ko ng pinto. Paki bigay sa kaniya." sagot ko. Tumango siya tapos ngumiti at yinakap niya ako, "babalik ka ha?" sambit niya. Ngumiti na lang ako tapos lumabas na ako, sakto at dumating na yung driver namin.

===========================================================================

Fille's POV

May inabot na liham sa akin si DenDen, ibigay ko daw toh kay Alyssa. "Alyssa, para sa iyo daw. sabi ni DenDen." sambit ko. Kinuha niya sa akin at binasa niya tapos bigla na naman siyang umiyak. Tiningnan naming lahat ang nakalagay sa sulat.

"To: Alyssa

Dear Alyssa,

Salamat sa pagmamahal mo sa akin... Salamat dahil andiyan ka para pasayahin ako pero ikaw din pala ang magbibigay ng sakit sa akin. Masaya ako at naging akin ka kahit sa madaling panahon lamang pero sana wag mong kakalimutan na andito lang ako para sa iyo, hindi bilang lover mo.. kundi bilang isang kaibigan na lang.. Sana, ingatan ka ni Jovee at wag ka niyang sasaktan... Sana maging masaya kayo at sana maging masaya ka na sa piling niya... Hindi ko alam kung ano ang kulang sa akin kaya mo ko pinagpalit pero dahil mahal kita, papalayain na lang kita dahil gusto kong maging masaya ka. D bale ng ako na lang ang masaktan at malungkot, wag lang ikaw.. Mahal kita, lagi mong tatandaan yan.. Wala akong ibang minahal, kundi ikaw lang.. Antagal kong inantay na makasama ka ulet, lumayo ako sa iyo dahil nasaktan ako nung high school tayo pero ngayon na nagkita ulet tayo ay naging akin nga pero hindi buo... Ngayon ay malaya ka na, maging masaya ka na at wag na wag kang magiging malungkot.. Pag may problema ka, andiyan lang ako. Dadamayan kita.. Katulad lang nung dati, tropa at magkaibgan lang.. Yun lang naman talaga ang tingin mo sa akin noon pa man eh.. KAIBIGAN hindi KA-IBIGAN... Yun lang naman Alyssa.... Paalam na...

Nagmamahal,

Dennise Lazaro"

Nagulat kaming lahat sa nakalagay, hindi ko aakalain na isang Dennise Lazaro ang gagawa nito. Nakita ko si Alyssa at iyak lang siya ng iyak, hindi siya makapaniwala na tinapos tapos na talaga ni DenDen ang relasyon nila.. Si ate Dzi naman, kitang kita ko sa mukha niya ang kalungkutan at ganon din sa iba.. Yinakap na lang namin si Alyssa dahil yun na lang yung alam naming paraan...

============================================================================

Author's POV

Iniwan na talaga ni DenDen si Alyssa ng tuluyan pero hanggang kelan kaya? Paano kung biglang may dumating sa buhay ni DenDen? Ano kaya ang gagawin ni Alyssa?

ABANGAN............

============================================================================

Moving CloserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon