Chapter 37: FilleChen (MOMENTS)

4.1K 67 17
                                    

Gretchen's POV

Bilang na ang araw ng magkakasama kami, parang ilang araw na lang babye girls na. Haaay! Ayoko pang matapos tong season na toh, kung pwede lang ulit ulitin dba? Kaso hindi eh. Anyway, andito ako sa higaan namin ni Fille, kagigising ko lang, nagmumuni muni muna ako. Andami kong iniisip, may gusto akong gawing surprise para kay Fille bago kami umalis, paano kaya kung magpropose ako sa kaniya? Not bad, matatapos na din naman kami ng college eh. Tiningnan ko yung oras sa phone ko, 5 na pala, bumangon na ako at dumeretso na ako sa banyo para maligo, medyo maaga din kasi pasok ko. 

*LIGO MODE*

Katatapos ko lang maligo, tulog pa din si Fille, anong oras ba ang pasok nento? Teka teka, may naisip akong gawin. Paano kaya kung gumawa ako ng breakfast in bed. Hmmmm, mukha magandang surprise toh sa kaniya sa umaga, for sure kikiligin yun at matutuwa. Lumabas na ako ng kwarto namin at bumaba na ako. Sakto, tulog pa pala yung ibang girls kaya magagawa ko yung pinaplano ko. Pumunta ako sa kusina at nagsimula na akong magluto, at siyempre, yung paobrito niyang Bacon na may itlog at kanin. Habang nagluluto ako, may narinig akong bumababa at pagtingin ko ay si A. "Aga ah?" sabi niya sa akin, "oo nga eh. Andami ko din kasing iniisip tsaka gusto kong i-surprise si Fille ngayong umaga. Oh, bakit ang aga mo?" tanong ko sa kaniya, "maaga kasi pasok ko. Si Dzi tulog pa, sarap ng tulog niya. Haha, anyway, pagkatapos mo diyan ako na magluluto ng almusal para sa iba." sagot naman niya sa akin tapos pumunta muna siya ng sala at umupo sa may sofa. 

Nakatapos na akong magluto, linagay ko na sa tray yung plato at ginawan ko na din siya ng kape. "Oh ako naman ang magluluto. Sige na, iakyat mo na yan." sabi ni A tapos pumunta na siya sa kusina at nagsimulang magluto. Umakyat na ako at pumasok ako sa kwarto namin ni Fille, tulog pa din siya tiningnan ko yung orasan at 5:30 na. Kiniss ko siya sa noo niya at sa lips niya, maya maya pa ay gumalaw na siya at dahan dahan niyang minulat ang kaniyang mga mata, "good morning." bati ko sa kaniya, "good morning." bati niya din sa akin, kinuha ko na yung tray na nasa table namin at pinakita ko sa kaniya ito. "Kain na tayo." sabi ko sa kaniya, umupo siya at ngumiti siya, "tara. Breakfast in bed pa talaga ha?" sabi niya sa akin tapos kiniss niya ako sa lips. "Oh sige, baka malate ka pa. Kain na tayo." sabi ko sa kaniya at nagsimula na kaming kumain. 

Pagkatapos naming kumain, pumasok na siya ng banyo para maligo at ako naman ay naghahanda na dahil papasok na ako. Maya maya pa ay lumabas na siya ng banyo at nagayos na din siya ng mga gamit niya. "Oh tara na?" tanong niya sa akin, tumango ako tapos lumabas na kami ng kwarto. Pagbaba namin, nakita namin sila dun na nakain pa lang ng almusal. "Oh, hindi ba kayo kakain?" tanong ni Dzi, "hindi. Kumain na kaming dalawa. Breakfast in bed." sagot ni Fille na may kasamamng mga ngiti, ngumiti lang ako tapos silang lahat ngumiti ng nakakaloko. "Hindi yun yung ginawa namin kung ano man ang nasa isip niyo. Kumain kami ng almusal, nagluto si Gretch. Sige na, alis na kami. Bye girls!" sabi ni Fille tapos lumabas na kami ng dorm, "ang green talaga nung mga yun." sabi ko, tumawa lang si Fille tapos hinawakan niya yung kamay ko. "Oo nga eh, hindi ka pa nasanay sa mga yan." sabi niya sa akin tapos hinalikan niya ako sa cheeks. Ang sarap talagang makita na masaya yung girlfriend mo at ikaw yung dahilan kung bakit siya masaya pero mas nakakaguilty pag nakikita mo yung girlfriend mo ng umiiyak ng ikaw ang dahilan ng mga luhang yon. 

Hinatid ko muna si Fille sa klase niya tapos pumunta na ako sa klase niya. Habang naglalakad ako, nakita ko si Amy. "Hey." bati ko sa kaniya, ngumiti lang siya sa akin tapos nawala din agad yung mga ngiti niya, "may problema ba?" tanong ko sa kaniya, umiling lang siya tapos naglakad na siyang papalayo. Siyempre, ayokong nakikitang ganun si Amy, hinabol ko siya at hinawakan ko yung kamay niya. "Alam kong may problema ka, pwede mo sa aking sabihin." sabi ko sa kaniya, binitawan ko yung kamay niya tapos tumingin siya sa akin. "I can't think of anything. I want to surprise Michelle but I don't know what to do. I'll be leaving the Philippines after this season." sabi naman sa akin ni Amy, nagulat ako sa sinabi niyang aalis na siya ng Pilipinas pagkatapos ng season na ito. "What do you mean? Babalik ka na sa US? Iiwan mo si Michelle for good?" tanong ko sa kaniya, "Kinda. My family needs me there. My mom just called me earlier and my aunt was so mad at her." sagot naman sa akin ni Amy, medyo natigilan ako sa sinabi niya, aalis siya? Iiwan niya na si Michelle? "Eh paano si Michelle?" tanong ko sa kaniya, "I can handle the Long Distance Relationship thing but I don't know about her." sagot niya sa akin. "Kakayanin niya yun para sa iyo. Sige, ganito na lang. Tutulungan kitang mag-isip ng surprise para kay Michelle, okay ba yun?" tanong ko sa kaniya, "Yup." sagot niya naman sa akin. Ngumiti na siya tapos naglakad na siyang papalayo. May panibago na namang pagsubok ang dumating sa mga teammates ko. Alam kong kakayanin nilang dalawa yun, mahal nila ang isa't-isa eh. 

Moving CloserOnde histórias criam vida. Descubra agora