Chapter 4: AlyDen

11.8K 98 8
                                    

Den's POV

Nagulat ako dahil sinabi sa akin ni Alyssa na mahal niya ako at nagulat ako sa ginawa ko sa kaniya. Bigla ko siyang hinalikan, totoo na ba tong mga nangyayaring toh? o isang malaking lokohan na naman toh? Tingnan na lang natin...

Nagdiscuss na si prof. at hindi ko maiwasan na wag tumingin kay Alyssa, ang ganda niya talaga.. Haaay, sana pwede ko na lang siyang titigan palagi. "Ui. Baka matunaw ako." sabi ni Alyssa habang nakangiti siya sa akin. Nabigla ako, nakatingin na pala siya sa akin.. Ramdam kong namumula na ang aking mga pisngi at bigla siyang tumawa ng mahina, "ang cute mo Lazaro." sambit niya sa akin. "Kung ako cute, ikaw naman maganda." sabi ko sa kaniya habang nakakiller smile ako. Umiwas siya ng tingin at tumingin ulit siya sa professor namin na nagdidiscuss tapos ngumiti siya, kitang kita ko na kinikilig siya. Ang ganda niya talaga pag nangiti siya. Haaaay.

Sa wakas! Natapos na din yung klase namin, sabay kaming lumabas ni Alyssa at nakita ko si Ella kasama yung Marge at Jirah. "Huy Den!" sabi ni Ella, lumapit sila sa amin ni Alyssa. "Hi Marge, Hi Jirah and Hi...??" bati ni Alyssa, "Ella." sagot ni Ella sabay ngiti. "Hi Ella. Haha. Kakilala mo na pala si DenDen?" sabi ni Alyssa. "Yup, magkasama kami kasi sa isang class kanina eh tapos ayun naging close. Teka, kaano ano ka ni Den?" tanong ni Ella. Tumingin sa akin si Alyssa sabay hinawakan niya yung kamay ko, "girlfriend niya ko." sagot ni Alyssa. Nanlaki mata ko sa sinabi ni Alyssa at bigla akong napatingin sa kaniya, "Ah! Kanina may paheart broken heart broken effect ka pa Den. Yun naman pala, ayos na kayo. Ayyyiiieee!" pang-aasar ni Ella. Nagtawanan na lang kami tapos biglang nag-aya si Ella na pumunta na kami ng BEG. Magkahawak pa din ang kamay namin ni Alyssa hanggang sa makapasok kami ng BEG. Lumingon lingon kami at wala pa pala yung si Coach, umupo kami ni Alyssa at umupo na din sila Ella. "Kelan pa kayo magkakilala ni DenDen?" tanong ni Ella kay Alyssa. "High school pa lang kami magkakilala na kami.. Magkasama kami sa iisang team noon." sagot ni Alyssa. "Ah! Kaya pala close kagad kayo at hindi lang pala basta friends, mag jowa pa! HAHAHA!" sambit ni Ella. Nagtawanan kaming lahat tapos biglang dumating na si Coach kasama yung iba pang players. "Okay girls! Magbihis na kayo at magstastart na tayo." sambit ni coach. Pumasok na kami sa locker room at nagbihis na kami, napatingin ako kay Alyssa at natulala ako kasi may abs pala siya. "Huy! Tulala ka na naman!" sabi ni Ella. Napatingin ako bigla kay Ella tapos nakita ko si Alyssa, tumatawa siya. "Pinagnanasaan mo ko ha?" sabi niya sabay kurot sa ilong ko. Ngumiti na lang ako at ramdam kong namumula ako.

Lumabas na kami ng locker room at pinaupo kami ni coach sa floor. "Okay girls, magpakilala kayo." sabi ni coach. "Hi! I'm Angeline Gervacio but you can call me Dzi and I'm the team captain of this team." pagpapakilala ni Dzi sabay ngiti siya. "Ako naman ay si Gretchen Ho, you can call me Gretch or Gretta." sambit ni Gretchen. "Ako naman ay si Fille Cainglet but you can call me Fille." sabi naman nung Fille. "Hi! I'm Aillysse Nacachi para hindi na kayo mahirapan, you can call me A." pagpapakilala naman ung Nacachi. Ngayon naman, kami namang mga magtatry outs ang magpapakilala. "Hi! I'm Marge Tejada. You can call me Marge." sabi nung Marge. "Ako naman si Jirah Llaneta but you can call me Ji." sabi naman ni Jirah. "Hi! I'm Alyssa Valdez, you can call me Aly." sabi naman ni Baldo. Ako naman ang magpapakilala, "Hi! I'm Dennise Lazaro. You can call me DenDen or Den." pagpapakilala ko naman. "Oh ngayon magkakakilala na kayo, let's start the try outs." sabi ni coach. Nagsimula na nga ang aming try outs..

(Serve, Receive, Set, Spike, Block, Receive, Set, Spike, Dig)

Ayan! Natapos na din yung try outs namin, ang gagaling nila grabe! Nakakapagod ha!

"Okay girls, ipopost ko na lang yung results bukas sa bulletin board. okay?" sabi ni coach. "Yes coach." sagot naming lahat. "Okay, you may now go." dinismiss na kami ni coach at kami naman nila Aly ay wala pang planong umuwi. "Hey! Gusto niyong sumama sa amin?" pag-aaya ni ate Fille. "Ah.. San ba tayo?" tanong naman ni Ella. "Kain tayo sa Shakey's." sagot ni ate Gretch. "Ah. Sige, tara." sabi naman ni Ella. Habang naglalakad kami, napansin din namin na pair pair sila. "Aly, may napansin ka ba?" bulong ko kay Aly. "Oo.." sagot niya sa akin. "Napansin mo bang by pair din sila?" tanong ko naman sa kaniya. "Oo, kanina ko pa yan napapansin. Akala ko ako lang nakapansin eh. Ikaw din pala." sagot niya sa akin. Matapos ang mahabang paglalakad, nakarating din kami ng Shakey's. "Sige guys, hanap na kayo ng upuan ako na lang mag-oorder." sambit ni ate Gretch. Naghanap na kami ng upuan tapos siya naman ay pumila na.

"Dennise, matagal na ba kayong magkakilala ni Alyssa?" tanong sa akin ni ate Fille. "Ah opo." sagot ko sa kaniya. "Nako.. Wag ka ng mag-opo. Nagmumukha akong matanda eh. Tawagin mo na lang akong Fille." sabi niya sa akin sabay ngiti. "Ah okay. Oo, matagal na kaming magkakilala ni Alyssa, nung high school pa lang kasi kami, magkateam mate na kami." sagot ko sa kaniya. "Ah! Kaya pala sobrang close kayong dalawa." sabi naman niya. Dumating naman si ate Gretch na dala na yung order namin, "Game kain na tayo." sabi ni ate Gretch. "May something ba kayo ni Alyssa?" tanong naman ni ate Dzi, nagkatinginan kami ni Alyssa. Nagdadalawang isip kami kung sasagutin ba namin ang tanong niya o hindi, "Dali na. Walang masama kung aamin kayong dalawa." sambit niya sabay ngumiti siya. "Ah... Opo... Kami po." sagot naman ni Alyssa. Nagtinginan sila tapos sabay sabay silang nagngitian.. Teka, parang pinagpustahan kami ng mga to ah? "Bakit niyo naman po naitanong?" tanong naman ni Alyssa. "Naaalala niyo ba yung nagsigawan kayong dalawa sa canteen? Andun kami nun, nakatingin lang kami sa inyo habang nag-aaway kayo. Dun namin nalaman na may something sa inyong dalawa." sagot ni ate A. "Ahhhh.." sabay naming sabi ni Alyssa. "So, kelangan talagang sabay?" sabi naman ni ate Gretta sabay nagtawanan sila.

Natapos na kaming kumain at dun na kami nagpasyang magsiuwian dahil tutal mga pagod na kami eh. "Tara, uwi na tayo guys!" pag-aaya ni ate Dzi. "Sige tara." sabi naman nung iba. Naghiwa-hiwalay na kaming magkakasama, sila Ella ang magkakasama tapos sila ate Dzi naman ang magkakasama.. So, kaming dalawa na lang ni Alyssa ang magkasama. "Tara, hatid na kita." sabi ko sa kaniya. "Hindi, okay na ako. Baka mapalayo ka pa at gabi na din naman oh. Ingat ka ha?" sabi ni Alyssa. Ngumiti ako sa kaniya at hinalikan ko siya sa noo, "mag-iingat ka ha?" sabi ko sa kaniya. "Opo, I love you Den." sabi niya sa akin. "I love you too Alyssa." sabi ko naman sa kaniya tapos nagyakapan kami at saka na kami naghiwalay.

Sana talaga totoo na toh at hindi toh isang panaginip. Dahil kung isang panaginip lamang ito, ayoko ng magising at kung ito'y isang katotohanan... Salamat naman at sana naman ay mahal niya talaga ako ng totoo at seryoso.

============================================================================

Author's POV

Seryoso na nga ba si Alyssa sa nararamdaman niya para kay DenDen o dahil nadala na lang din talaga siya?

ABANGAN......

============================================================================

Moving CloserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon