Chapter 38: ADzi (MOMENTS)

1.5K 20 0
                                    

A's POV

Ito na nga ba ang sinasabi ko eh, dadating yung time na kelangan na naming sabihin sa kanila yung mga totoong nangyayari at kung sinong demonyo ang gumagawa nito sa kanilang dalawa. Natigilan kaming lahat at napatingin na lang kami kay Aly, "ano sasagutin niyo ba tanong ko?" tanong niya sa amin, napatingin kami sa may hagdan kasi naririnig namin si Ella at Mae, "Pupuntahan ko siya! Nakakagulo na siya eh!" sigaw naman ni Mae, "Mae! Ano ka ba naman! Baka mapano ka eh!" sigaw naman ni Ella, "Anong nangyayari dito?" tanong ni Aly, "Gusto mong malaman?" tanong ni Mae. "Oo!" sagot naman ni Aly, "Yung ex boyfriend mo ang may kagagawan ng lahat!" sigaw ni Mae tapos umalis na sya ng dorm. Hinabol naman siya ni Ella, napatingin si Aly sa amin at namumuo na yung luha sa mga mata niya, "sabihin niyo sa akin na hindi totoo to." sabi ni Aly, nakatungo lang kami at si DenDen naman ay yinayakap lang siya. "Alam niyong lahat ang tungkol dito?" tanong ni DenDen, tumango na lang kami tapos umiyak na si Aly. "Bakit hindi niyo sinabi sa amin?" tanong naman ni DenDen pero kalmado lang siya, "ayaw na naming makagulo pa sa inyo." sagot naman ni Dzi, napabuntong hininga na lang si DenDen. "Siya pala ang salarin." sabi ni DenDen tapos umalis siya sa pagkakayakap niya kay Aly at lumabas siya ng dorm, hinabol naman siya ni Aly. Kami kami lang ang naiwan sa loob at siyempre, ninenerbyos kaming lahat. Mamaya mapano pa tong si DenDen at Mae, "Eto na nga ba ang sinasabi ko." sabi naman ni Gretch, napatingin na lang kami sa kaniya at siya naman ay halatang nalulungkot. "Alam niyo yun? Aalis na tayo tapos nagkaganito pa." dagdag niya pa, "natatakot ako para sa kanilang dalawa. Alam mo naman yang si Mae ay palaging may isang salita. Pag sinabi niya, gagawin niya." Sabi naman ni Dzi. Totoo ang sinabi ni Dzi, pag sinabi ni Mae... Gagawin niya talaga at wala siyang pakialam sa kung anong pwedeng mangyari sa kaniya. Ganiyan katapang si Mae. "Paano naman si DenDen?" Tanong ni Fille, "hindi ko din alam. Mas natatakot ako para kay DenDen eh." Sagot naman ni Gretch. "Pano kung sundan na lang din natin sila? Tapos, tumawag tayo ng mga pulis." pagsusuhestiyon ni Dzi. Napatingin kami sa kaniya at nagkatinginan kami nila Gretch, "well. Wala na tayong ibang choice. Para din naman sa kanila to, dba? Gawin na lang natin kung ano ang tama." batid ko naman. Nagkasundo-sundo kaming apat, paglabas namin wala na sila DenDen. "Tara na! Bilisan na natin." sabi naman ni Dzi. Sumakay na kami sa van niya at pinaandar niya na ito.

"Teka.. San sila posibleng pumunta?" Tanong ni Fille, "hindi ko nga alam eh..." Sagot naman ni Dzi. Natahimik kaming lahat, "alam ko na..." Sabi ni Gretta, napatingin lang kami sa kaniya. "Bakit hindi din kaya natin kontakin sila Amy at Michelle? Malay mo makatulong pa sa atin yung dalawang yun." sabi naman ni Fille. "Baliw ka ba? Baka mapano na naman yang si Amy. Mapapatay tayo ni DenDen eh." sabi ko naman. "We better make a choice then. Do this ourselves? or with the help of the others?" tanong naman ni Fille. Napatingin lang kami sa kaniya habang nag-iisip, napabuntong hininga si Dzi at tumingin sa akin. "Well, wala na tayong ibang choice. Kontakin niyo na yung dalawa para matulungan tayo. Sila ang pag-asa natin." sabi ni Dzi.


*Phone ringing*

Michelle: Hello?

Ako: Mich!

Michelle: Oh? Ate A, napatawag ka. May problema ba?

Ako: Meron. May tatanong ako sa iyo, matutulungan mo ba kami? At kasama mo ba si Amy?

Michelle: Ah oh sige, ano yon ate? Hindi eh, pero tatawagan ko para makatulong din siya.

Ako: May alam ka ba kung saan nakatira si Jovy? Siguro naman may nakukwento sa iyo si Aly.

Michelle: Hmmm.. oo ate, alam ko kung saan.. Bakit?

Ako: Pinuntahan kasi nila eh.

Michelle: Huh?! Ano?! Oh sige sige.. Tatawagan ko si Amy..

Ako: Maraming salamat Michelle.. Text mo na lang kami, okay? Tsaka, tetext ko na lang kayo.

Michelle: Sige ate. Mag-iingat kayo.


Tinext ako ni Michelle kung saan kami dapat magkita-kita nila Amy. Sinabi ko naman kay Dzi kung saan ito, nung nakarating na kami don. Hinintay na lang namin sila, habang naghihintay hindi ko mapigilang wag maisip kung ano yung mga posibleng mangyari. Lalo lang akong kinabahan para kaila Den, habang nag-iisip ako. Biglang bumukas yung pinto at sumakay nila sila Amy. "Tara na. Ituturo ko kung saan yung daan." sabi ni Michelle tapos umalis na kami.

Medyo malayo layo din pala at parang liblib naman tong lugar na ito. Medyo nakakatakot tong lugar na to ha? Sabagay, pwedeng pwede siyang tumira dito dahil para naman talaga siyang mamamatay tao. Bumaba na kami nila Dzi nung van at sinundan namin si Michelle.


————-


Den's POV

Nakarating ako sa isang liblib na lugar, bagay nga to kay Jovee dahil para naman siyang mamamatay tao eh. Alam niyo yung parang sa mga Texas Chainsaw? Ganon na ganon. Pumasok ako, at nakita ko si Mae nakaluhod sa harap ni Jovee at nagmamakaawa na pakawalan si Ella. "Jovee, bitiwan mo si Ella. Please? Ako na lang saktan mo, wag na siya. Ako na lang." pagmamakaawa ni Mae, nakatingin lang sa kaniya si Jovee habang nakatutok yung baril sa may sentido ni Ella. Umiiyak lang si Ella habang hawak hawak niya ang braso ni Jovee na nasa leeg niya, "bitawan mo si Ella." malakas kong sabi. Napatingin sa akin si Mae at Ella, halatang gulat na gulat sila sa akin. "Well.. Well.. Well.. What do we have here? Dennise Michelle Garcia Lazaro." sabi ni Jovee tapos ngumiti siya ng nakakaloko. Magsasalita pa sana ako ng biglang may pumasok, napatingin ako sa likod ko at nakita ko si Aly. Napatingin naman si Jovee kay Aly at nag-iba ang itsura ni Jovee, "Aly." sabi ni Jovee. Napatingin siya kay Jovee at makikita mo sa kaniya ang galit, "tigilan mo na kami Jovee! Ano bang kailangan mo sa amin ha?!" tanong ni Alyssa pero halatang halata mo sa boses niya ang galit. "Aly, ikaw ang kailangan ko. Bumalik ka na sa akin, please? Pakakasalan kita, mabibigyan kita ng pamilya. Hindi tulad ni DenDen, kayang kaya kitang paligayahin. Please?" pagmamakaawa nito kay Aly. Napatingin lang sa kaniya si Aly, "I'm sorry Jovee pero mahal ko si DenDen." sabi naman ni Aly sabay hawak sa kamay ko. Napatingin ako kay Aly at ngumiti ako sa kaniya, si Ella at Mae naman ay tumayo at tumakbo papalapit sa amin. "Tumigil ka na Jovee, marami kami at nag-iisa ka lang." sabi naman sa kaniya ni Mae, tumawa lang siya at tumigin sa amin. Tinutuktok niya sa akin yung baril, "ano Aly? Babalik ka ba sa akin? O papatayin ko yang si Lazaro sa harap mo?" tanong niya kay Aly. Tumingin ako kay Aly, "dito ka lang Aly." sabi ko sa kaniya. Nakikita ko sa mga mata ng mahal ko ang takot, alam kong ayaw niya akong mawala sa buhay niya. "DenDen." sabi niya sa akin, "Aly.. Wag.." sabi ko sa kaniya. Narinig kong kinasa ni Jovee yung baril, at umiiyak na si Aly. "Aly, kahit anong mangyari mahal na mahal kita." sabi ko sa kaniya tapos hinawakan ko yung kamay niya. "Aly! I'm waiting!" sigaw ni Jovee tapos tumatawa siya. Unti-unting dumudulas yung kamay ni Aly sa akin, hinawakan ko to ng mahigpit at napatingin ako sa may pintuan dahil nakita kong pumasok sila ate Dzi. "DenDen!" sabi nila ate Dzi, nakita ko si Amy at Michelle. Napatingin si Amy kay Jovee, tumakbo siya papalapit dito at sinubukan niyang agawin yung baril. Alam ni Amy na mas malakas sa kaniya si Jovee pero pinilit niya pa din, "run! Get out of here! Now!" sigaw ni Amy. Hindi ko alam kung anong gagawin, ayaw ko namang iwan si Amy bakit mapano siya. "I said run! Go!" sigaw niya habang nakikipag-agawan siya ng baril. Palabas na sana kami ng bigla kaming may narinig na putok ng baril, sana hindi nangyari yung nasa isip ko. Hindi ako lumilingon, bigla na lang sumigaw si Michelle at tumakbo siya papalapit kay Amy. Doon na ako lumingon, nakita kong nakahandusay at duguan na si Amy. "Amy!" sigaw ni Michelle habang yakap yakap niya ito, nakita ko si Jovee na nakatayo lang dun at alam kong nabigla din siya sa nagawa niya.


Dumating ang mga pulis at hinuli nila si Jovee, lumapit ako kay Michelle. Ayun pa rin siya, yakap yakap niya pa din si Amy habang siya ay umiiyak. "Ate Den, namatay siya ng prinotektahan ka niya." sabi ni Michelle. Habang hinihimas niya yung magandang mukha ni Amy. Hindi ako makasagot, lumuhod na lang ako sa tabi ni Michelle at umiyak ako. "Aaaaaaaaaaamy!!!!!!" sigaw ko. Bakit mo ginawa to? bakit? sana hinayaan mo na lang... sana.. uggggghhhh!!


Moving CloserWhere stories live. Discover now