Chapter 23: AlyDen

7.1K 58 15
                                    

Aly's POV

Nagising ako ng mugto ang aking mga mata, hindi pa din ako makapaniwala sa mga pangyayari kagabi. Binuksan ko ang cellphone at ang daming messages nila DenDen sa akin, hindi ko alam kung paano ko toh sasabihin kay DenDen, natatakot ako sa kaniyang gagawin. Tinawagan ko kagad si Michelle dahil siya na lang ang pag-asa ko, "Hello. Michelle." pagbati ko. "Oh ate Aly, napatawag ka. Good morning nga pala, ano balita?" tanong niya sa akin, nagsimula ng tumulo ang luha ko dahil hindi ko alam kung paano ko sa kaniya sasabihin toh o sisimulan, "ate Aly. Bakit? May problema ba?" tanong niya ulet sa akin. "Michelle, pakisabi kay DenDen na matagal kaming hindi magkikita ha? Pinatapon na kasi ako ni daddy sa Italy, kasi nalaman niya yung relasyon namin ni DenDen at sa ibang tao pa." sagot ko kay Michelle. "A-ate Aly, hindi ko alam kung paano ko toh sasabihin kay ate DenDen dahil natatakot din ako sa pwede niyang maging reaksyon." sabi naman sa akin ni Michelle, pareho lang kami ng kinatatakutan ni Michelle. "Kaya mo yan, si Amy ang bahala sa kaniya. Okay? Sabihin mo din dun sa girls. Magiingat kayo palagi, pakisabi kay Den na sobrang mahal ko siya." sambit ko tapos binaba ko na. Hindi ko na namang mapigilan na wag umiyak, naiisip ko si DenDen... Ang sakit at ang hirap ng mga pangyayaring ito. Pumasok sa loob ng kwarto ko ang tatay ko, "Bumaba ka na don at kumain ka na. Bukas aalis na tayo." sabi niya sa akin tapos lumabas siya, pumasok ako ng banyo at nag-ayos ng mukha para hindi naman ako mahalata na umiyak na naman ako.

Lumabas na ako ng banyo at bumaba na ako, nakita ko dun si mama at papa nakain. "Aly, kumain ka na dito. Halika na." pag-aaya ni mama, umupo na ako sa tabi niya tapos tumayo naman si dad. "Ayusin mo na yung mga gamit mo para bukas." sabi sa akin ni daddy tapos umakyat siya sa taas, tumingin lang sa akin si mommy tapos yinakap niya ako. "Magiging okay din ang lahat. Matatanggap din kayo ng daddy mo. Sa ngayon, sundin mo muna si daddy mo." sabi niya sa akin tapos hinalikan niya ako sa noo. Nagsimula na akong kumain tapos si mommy naman ay tumayo na at dinala na yung pinggan na pinagkainan nila sa lababo at nagsimula na siyang maghugas. Hindi ko mapigilan na wag isipin si DenDen, hindi ko alam kung kaya bang sabihin nila Michelle yun kay DenDen.

Nakatapos na akong kumain, tumayo na ako at binigay ko kay mommy ang pinagkainan ko. Nginitian niya ako at ngumiti din ako sa kaniya, tumalikod na ako at umakyat na ako sa taas. Naririnig ko si daddy sa may kwarto nila mommy na may kausap siya, "Yes.. Hello Coach, this is Mr. Valdez. Aalisin ko na si Alyssa sa inyong team dahil siya ay pupunta ng Italy. Yes, Coach. My apologies kung hindi siya makakaabot ng UAAP." sabi ni daddy kay coach. Nagsimula ng tumulo yung luha ko ng dahil sa mga narinig ko, pumasok na ako sa kwarto ko at nagsimula na akong mag-ayos ng aking mga gamit para bukas...

=============================================================================

Michelle's POV

Tumawag sa akin si ate Aly para lang sabihin sa akin na pupunta na siya ng Italy dahil dun siya pinapatapon ni tito, hindi ko alam kung paano ko toh sasabihin kay ate Den. Nakain na kami ng almusal ng biglang pumasok si coach, "girls.. May sasabihin ako sa inyo. Asahan niyo ng hindi good news ito, kung hindi ito ay bad news." sabi sa amin ni coach. Tumigil kami sa pagkain at lahat kami ay napatingin sa kaniya, "Si Alyssa Valdez ay hindi na natin makakasama dahil siya ay pupunta ng Italy, dun siya mag-aaral at titira. Hindi na natin siya makakasama sa UAAP at sa V-League. Yun lang girls, at dun sa dalawang bago.. Pasok na kayo pero hindi kayo kgad makakalaro." sabi ni coach sa amin, lahat sila natigilan lalong lalo na si ate DenDen. Pagkatapos sabihin ni coach yun ay lumabas na siya, napatingin kaming lahat kay ate DenDen, umiiyak siya. Yinakap naman siya ni Amy, "ate Den..." sabi naman ni Amy habang yakap lang siya ni Amy. "Bakit niya kelangang umalis?!" sigaw naman ni ate Den tapos tumayo siya at umalis siya sa pagkakayakap ni Amy at umakyat siya sa taas.

Moving CloserWhere stories live. Discover now