Chapter 2: AlyDen

14.2K 112 0
                                    

Alyssa's POV

Hi! Ako nga pala si Alyssa Valdez. Isa akong volleyball player ng Ateneo De Manila University at graduate ako sa University of Sto. Thomas High School. Kilala niyo ba si Dennise Lazaro? Yung cute na cute na libero ng Lady Eagles? Sa totoo lang, crush ko si DenDen eh.. Hindi ko lang masabi sa kaniya kasi nga takot akong mareject niya ako...

"Alyssa, gising ka na anak. Baka malate ka." yan ang mga salitang bumungad sa akin pagkagising ko. Ang sweet talaga ni mama sa akin. Dumilat na ako at pagtingin ko, andun siya sa tabi ko. "Good morning anak, gising ka na baka malate ka." bati sa akin ng mama ko na may kasamang ngiti. Ngumiti ako sa kaniya at bumangon na ako, dumeretso na ako sa banyo para maligo...

FF

Ayan, katatapos ko lang maligo. Nag-ayos na ako at bumaba na ako para kumain. Pagbaba ko, andun yung mama at papa ko nakain ng almusal. "Good morning Alyssa." bati sa akin ni papa na may kasama ding mga ngiti. "Good morning din po." bati ko sa kanila na may kasama ding ngiti siyempre. "Upo ka na at kumain ka na. Ihahatid kita." sabi sa akin ni papa. Umupo na ako at nagsimula na akong kumain.. Makalipas ang ilang minuto, nakatapos na akong kumain. Tumayo na ako at dinala ko yung plato ko sa lababo at kiniss ko sa pisngi ang mama ko.

FF

Ayan, nakarating na din ako sa ADMU, ang ganda talga dito at ang laki pa!! Lumapit ako sa bulletin board at nakita ko na may try outs. Siyempre, labis akong natawa sa nakita ko. Thank you naman at hanggang magcollege ako ay maitutuloy ko ang volleyball career ko! Umalis na ako at naglakad lakad ako, nag-aantay ako ng oras kasi mamaya pa naman klase ko.. Sinabay na lang ako ni daddy kasi ayaw niyang magcommute ako.. Habang naglalakad ako ay biglang may bumangga sa akin..

*BLAG!*

"Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo!" sigaw ko dun sa babaeng nakabangga sa akin. Napatingin ako sa kaniya at labis kong ikinagulat na siya ay si Dennise Michelle Garcia Lazaro, yung kateam mate ko noon na crush ko. "DenDen?! Lazaro?!" sigaw ko sa sobrang tuwa kasi nakita ko na ulet siya, ang tagal na din nung huli ko siyang makita. Mga high school pa kami noon nung nakita ko siya, "Oo.. Ako nga.." sagot niya sa akin, seryoso pa din siya. Wala pa din siyang pinagbago.. Haaaay. "Oh my God! Dito ka din pala nag-aaral!! Namiss kita, bakit ba hindi ka nagpaparamdam sa akin noon?!?!?!?!?!" tanong ko. Bigla na lang siyang natulala para bang may iniisip.. Bigla na lang din may pumasok sa utak ko..

*FLASHBACK*

Alyssa's POV

Nakita ko si DenDen palapit sa akin at si Jovee naman dumating din. (Si Jovee ay yung boyfriend ko noong high school kami. 1st boyfriend ko siya at 1st heart break ko din siya.)

Jovee: Hi babe!

Napatigil si DenDen sa likuran ni Jovee, paniguradong gulat na gulat toh. Please Den, wag kang tumalikod at wag kang tatakbo papalayo. Please!

Alyssa: Hi babe! Oh! DenDen! Andiyan ka pala. Si Jovee nga pala.

Pinakilala ko si DenDen kay Jovee... pero si DenDen walang imik.

Jovee: Hi.. *sabay abot ng kamay*

Tiningnan lang ni DenDen yung kamay ni Jovee at tumingin lang siya sa akin. Nakikita kong nangingilid na yung luha ni DenDen, pumikit siya kaso tumulo na yung luha niya. Dumilat siya tapos umiiling iling na lang siya, umatras siya tapos tumakbo na lang siya papalayo.

Alyssa: DenDen! Teka!

Hahabulin ko sana siya kaso pinigilan ako ni Jovee.. Nasaktan ko si DenDen.. Napilitan lang naman akong sagutin si Jovee kasi antagal niya ng nanliligaw sa akin, almost 1 year na.. Ginawa ko din naman yun kasi ang akala ko wala lang tong nararamdaman ko para sa iyo Lazaro kaso, love na talaga toh. Kumalas ako sa pagkakahawak sa akin ni Jovee tapos tumakbo na rin ako sa kaniya papalayo. Simula non, hindi ko na ulet nakita si DenDen..

Tandang tanda ko pa nung 2nd year kami, yun yung mga panahon ng hindi na siya nagparamdam... Sobrang namiss ko siya.. Nakipagbreak ako kay Jovee kasi nagbabakasakali akong bumalik siya kaso antagal kong nag-antay.. Walang DenDen na bumalik..

"Den?" Nakatingin lang ako sa kaniya at yung mukha ko takang taka na kasi ang tagal niyang hindi sumasagot. "Ay.. Haha.. Okay lang ako, ikaw?" tanong niya sa akin. DenDen, simula nung iniwan mo ko.. Hindi na ako naging masaya at naging okay.. Gusto kong sabihin sa iyo toh kaso parang wala na lang toh eh.. Kelangan kong magpretend na okay lang ako, sa harapan mo.. "Okay lang din." sagot ko sa kaniya habang nakangiti ako ng peke.. Mukhang nakakahalata siya sa ngiti ko ah? "Okay ka lang talaga?" tanong niya na parang nagdududa siya. "Oo." Sagot ko sa kaniya na matipid lamang. "Ah... Sige.. Kelangan ko ng umalis. May klase pa ako eh. Usap na lang tayo maya. Sabay tayong maglunch gusto mo? Treat ko, tutal antagal nating hindi nagkita." sambit niya. Ngumiti ako sa kaniya at tumango ako ng oo sa kaniya, lumapit ako sa kaniya tapos yinakap ko siya tapos bigla na lang akong may naalala.

*FLASHBACK*

Naaalala ko na sa tuwing naiyak ako, may DenDen Lazaro na nandiyan sa tabi ko para patahanin ako pero simula nung umalis siya, nagbago ang lahat.

Alyssa: DenDen *Naiyak*

DenDen: Bakit? Anong nangyari? Bakit ka naiyak?

Alyssa: Nag-away kami ni Jovee.

Alam kong sawang sawa ka ng makinig sa drama kong paulet ulet ng dahil kay Jovee.

DenDen: Ssssshhhhh! Tahan na... Tama na, wag ka ng umiyak. Smile ka na.. Magkakaayos din kayo niyan. Nagkamisunderstanding lang kayo ni Jovee, tahan na.. Tama na.. Andito lang ako.

Sorry kung tinatawag lang kita pag may kailangan ako ha?

Alyssa: *hug* Salamat DenDen! Maaasahan talaga kita!

DenDen: *hug* Walang problema.

Ayokong kumawala sa mga yakap mo DenDen.. Ayokong ayoko.. Sana ganito na lang tayo palagi..

*END OF FLASHBACK*

Nagulat ako ng biglang kumalas sa yakap ko si DenDen at bigla akong tumingin sa kaniya. May problema ba tong si DenDen? "Den.. May problema ba?" tanong ko sa kaniya. "Wala, kelangan ko ng umalis. Malelate na ako. Mamaya na lang ulet tayo mag-usap pwede?" sagot niya sa akin. Ngumiti na lang ako sa kaniya at naglakad na siya papalayo. Napakacold sa akin ni DenDen, alam kong nasaktan ko siya noon.. Bakit ba kasi hinayaan ko siyang mawala sa tabi at buhay ko.. Ngayon, eto ako.. Nagsisisi... Sana malaman mo DenDen na mahal na mahal kita..

Moving CloserWhere stories live. Discover now