Chapter 31: AlyDen

7K 58 22
                                    

Aly's POV

Umaga na ng magising ako, magkatabi kami ni DenDen sa kama at magkayakap kami, namiss ko yung ganitong gawain namin. Oo nga pala! May gala nga pala kaming magkakateammates ngayon pero hindi ko lang alam kung saan, hmmm. San kaya plano ng mga yun? Tumayo na ako sa aking higaan at dumeretso na ako sa loob ng banyo.

*LIGO MODE*

FF

Katatapos ko lang maligo at nakita kong wala na si DenDen sa higaan namin, bumaba na ako at nakita kong nag-aalmusal na silang lahat don pero wala si DenDen. "Girls, asan si DenDen?" tanong ko, "andun sa kwarto namin ni Gretta, dun naligo sa cr namin." sagot naman sa akin ni ate Fille, umupo na ako at maya maya pa ay narinig ko ng bumababa na sa hagdan si DenDen, "bakit dun ka naligo kaila ate Fille?" tanong ko sa kaniya, "naliligo ka kaya sa cr natin. Haha." sagot niya sa akin. Ngumiti na lang ako tapos umupo na siya sa tabi ko, "San niyo gustong pumunta?" tanong ni ate A. "ATC tayo!" sagot naman ni Ella, "Bakit dun? Magtagaytay na lang tayo." pangongontra naman ni ate Gretta, "Ah kj mo! Gagawin natin don?" tanong naman ni Ella. "Eh kesa naman mag-ATC tayo noh. Tsaka, ang sarap kaya sa tagaytay, fresh air! Malamig pa!" sagot naman ni ate Gretta. "Oo nga tagaytay na lang tayo." sabi naman ni Mae, tumingin kami sa kaniya tapos tiningnan niya lang kami, "ano? bakit?" tanong niya. "Wala." sabay sabay naming sabi tapos tumingin lang siya sa amin, "anyway. San niyo gustong maggala sa tagaytay?" tanong niya sa amin. "San ba maganda?" tanong ko din sa kaniya, "Palace in the Sky tayo tapos pag lunch time, bili tayo ng pagkain natin at tambay tayo sa picnic grove." sagot niya. "Mukhang maganda yan ah? Sige sige. Tara!" pagsang-ayon naman ni ate Gretta.

Nakatapos na kaming kumain, nagsitayuan na kami at si Ella ang naghugas ng pinggan namin. "Oo nga pala girls! Nagtext si Michelle, sabi niya dalhan daw natin sila ng buko pie." sabi ni ate Fille, "oh sige." sabi naman ni DenDen. Nakatapos na sa paghuhugas ng pinggan si Ella, nagsilabasan na kami ng dorm at sumakay na kami sa van ni ate Dzi. Dala ni ate Gretta ang gitara ni Amy, "bakit dala ni ate Gretta yung gitara ni Amy?" tanong ko kay DenDen. "Siyempre, pag tumambay tayo mamaya para may jamming." sagot naman sa akin ni DenDen, ngumiti na lang ako sa kaniya tapos sinandal ko yung ulo ko sa balikat niya pero hiniga niya ako sa kaniyang binti. "Tulog ka muna, malayo layo pa ang biyahe natin." sabi niya sa akin. Pinikit ko ang aking mga mata at natulog na muna ako para kahit papano ay may lakas ako para mamaya.

FF

"Babe... Gising na.. Andito na tayo." nagising ako sa boses ni DenDen tapos hinalikan ko siya sa kaniyang labi. Nagunat muna ako at tsaka ako umupo, "andito na tayo?" tanong ko. "Yup." sagot sa akin ni DenDen, lumabas na kaming dalawa ng van tapos tumingin tingin kami sa paligid. "Wooooo! Ang lakas ng hangin dito at ang lamig!" sigaw ni ate Gretta habang yakap siya ni ate Fille, ang sweet na naman ng dalawang toh oh. Habang nakatingin ako sa kanila, ay naramdaman kong may yumakap sa akin sa likod, "lamig ba babe?" tanong niya sa akin. "Oo eh." sagot ko sa kaniya habang nakangiti ako sa kaniya, hinawakan ko yung kamay niya tapos inalis ko ito. Inakbayan ko siya tapos lumapit na kami kela ate Dzi, "San na tayo Mae?" tanong ko. "Ayun, sasakay tayo sa jeep paakyat dun sa taas." sagot niya sa amin. Lumakad na kami papunta dun sa mga nakapark na jeep, "Oh Mae, naparito ka. Aba, may mga kasama ka pala." sabi nung isang lalake. "Oo, mga kateammates ko toh. Oo nga pala, Palace in the Sky kami ngayon. Akyat mo naman kami don." sabi naman ni Mae. "Oh sige sige. Sakay." sabi nung lalake, sumakay na kaming lahat at siyempre magkakatabi ang mga lovers at sa hindi inaasahan, magkatabi si Mae at Ella. Ang sarap ng hangin at ang lamig pa, si ate Gretta naman at ate Fille ay yakapan ng yakapan, ganun din ate Dzi at ate A tapos yung dalawa naman, harutan ng harutan. Inakbayan ko si DenDen tapos sumandal siya sa akin, alam kong tuwang tuwa siya kasi ang sarap ng hangin tapos ang ganda pa ng view. "Ang ganda naman dito." sabi ni DenDen, "oo nga eh." sabi ko naman sa kaniya. Hinawakan niya yung kamay ko at hinalikan niya ito ng paulet ulet, maya maya pa ay huminto na yung jeep at nagpark ito. Ang taas nung pinuntahan namin at ang ganda dito, kitang kita mo yung fog! Para ka ngang nasa langit at parang mahahawakan mo na yung mga ulap. "Ang ganda dito at ang lamig!" sigaw ni ate Dzi tapos yinakap siya ni ate A. "Tara dun tayo." sabi naman ni Mae habang nakaturo siya dun sa parang palasyo, naglakad na kami at nagsimulang umakyat.

Moving CloserWo Geschichten leben. Entdecke jetzt