Chapter 1.2

257 45 7
                                    


Idinilat ni Wong Ming ang mga mata niya. Nakita niya ang sarili niya sa gitna ng tila pamilyar na pabilog na platform na kasalukuyan niyang kinaroroonan.

Kung hindi siya nagkakamali ay nakapunta na siya sa lugar na ito. Ngunit ang nakakapagtaka lamang ay tila ba nabalot ng kakaibang yelo ang buong platform na ito na hindi man lang niya namamalayan.

Pakiramdam ni Wong Ming ay parang may mali. Yung tipong ang tipak ng mga yelo sa inuupuan niya ay gumagapang ng gumagapang.

"Mabuti naman at gising ka na binata. Hindi ko aakalaing gagawin mong yelo ang buong lugar na ito. Galit ka ba sa lugar ko?!" Masungit na saad ng babaeng nakasuot ng puting bestida. Kitang-kita ang napakaganda nitong mukha na bumagay sa kasuotan nito.

Napatayo na lamang bigla si Wong Ming mula sa pagkakaupo. Yung tipong mayroon siyang narinig na hindi niya nagustuhan.

"Hindi noh. At bakit naman ako magagalit sa magandang lugar na ito?! As if naman ang lawak ng lugar na ito." Masungit ring wika ni Wong Ming pabalik sa nasabing dalaga.

"Hindi ko aakalaing may gana ka pang sabihin iyan binata. Hindi mo ba napapansin ang kakaiba sa iyong sarili?!" Makahulugang turan ng magandang babaeng nakasuot ng puting bestida habang naniningkit ang mga mata nito.

"Wala noh. At bakit mo naman nasabi iyan Binibini?!" Sambit ni Wong Ming habang makikitang malamig ang tono ng pananalita nito.

Kitang-kita naman ni Wong Ming ang pag-alpas ng patulis na bagay patungo sa nasabing Binibining nakatingin sa direksyon ni Wong Ming.

Nanlaki naman ang mga mata ni Wong Ming nang mapansing tila ba may kakaiba ngang nangyayari sa kaniya lalo na nang nakita niyang nakatusok sa dibdib ng nasabing binibini ang mga patulis na yelong bigla na lamang lumitaw at gumapang sa sementadong sahig ng pabilog na platform.

"Kung mayroon akong pangangatawan ay siguradong napaslang mo na ko binata. May silbi din pala ang pagiging spirit artifact ko kung hindi ay wala na akong buhay ngayon." Sarkastikong saad ng magandang babaeng nakasuot ng kulay puting bestida habang nakasimangot ito.

Tila nanlaki naman ang mga mata ni Wong Ming sa tinuran ng dalaga. Para bang may napagtanto siya sa mga sinalita nito.

"So ibig mong sabihin ay isa ka na lamang espiritu? Ganon ba?!" sambit ni Wong Ming habang nanlalaki ang mga mata nito. Yung tipong may kung ano sa mga sinabi ng binibining hindi man lang niya kilala ng lubusan.

"Oo, may problema ka ba?! Para sabihin ko sa'yo, nakakapanghilakbot ang enerhiyang nararamdaman ko sa loob ng katawan mo. Hindi mo makontrol ito dahil lamang sa sarili mong kagagawan. Kailangan mong labanan ang enerhiyang nagmumula sa kaibuturan ng espiritu mo Wong Ming dahil kung hindi ay tukuyan ka ng magiging isang demonyo at hindi ka na makakabalik pa sa dati mong anyo." Seryosong sambit ng babaeng nakasuot ng puting bestida habang makikitang nanginginig ang boses nitong nakatingin sa gawi ni Wong Ming habang sinasabi ang mga katagang ito.

"Magiging demonyo? Nagpapatawa ka ba Binibini?! Isa lamang akong ordinaryong tao, paano ako magiging demonyo eh hindi naman ako demonic cultivator katulad ng nakalaban ko!" Sambit ni Wong Ming habang kitang-kita sa tono ng pananalita nito ang tila ba pagtanggi sa akusasyon ng magandang Binibining pangalawang pagkakataon niya ng nakikita.

Sa pangalawang pagkakataon ay bigla na lamang umalpas ang sobrang talim na mga tipak ng yelo sa kapaligiran ni Wong Ming na siyang ikinapangamba ni Wong Ming mismo.

"Isa kang hangal binata. Sino ba naman kasing nilalang ang sumipsip sa buong enerhiya ng nasabing demonyong iyon at ginamit ang puso nito upang paslangin ang nilalang gamit ang pamamaraang hindi angkop sa pagpaslang kundi gamitin ang enerhiya nito upang ipasa ang lahat ng demonic essence na naipon sa mismong katawan nito sa mahabang panahon." Seryosong wika ng magandang babaeng nakasuot ng kulay puting bestida habang nakatanaw sa direksyon ni Wong Ming habang may mapang-uyam na tingin.

Halos lumuwa ang mga mata ni Wong Ming nang marinig niya at maunawaan ang sinabing ito ng babaeng nasa hindi kalayuan mula sa kaniya. Kitang-kita niya ang labis na kaseryusohan sa tono ng pananalita ng misteryosong binibini.

Mabilis namang nauwang ang bibig ni Wong Ming habang kitang-kita na naguguluhan ito ngunit mabilis din itong nagwika.

"Hindi ko alam ang tinutukoy mo binibini. Pinaslang ko siya at yun na yun. Hinding-hindi mangyayari ang iyong sinasabi!" Sambit ni Wong Ming habang nakaramdam ng galit sa kaibuturan ng puso niya dahilan upang magalit siya. Hinding-hindi siya magiging demonyo katulad ng nilalang na nakalaban niya dahil napaslang na niya iyon, ang katotohanan nga ay nawasak na niya ang naging bato na lamang na demonyong iyon.

Pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang iyon ay sunod-sunod na pag-alpas sa sahig ng mga sobrsng maninipis at nagtutulisang mga tipak ng yelo na para bagang sumasabay sa galit na nararamdaman niya. Hindi alam at pansin ni Wong Ming ang malaking pagbabago sa katawan nito lalo na sa lumulukob na emosyong meron siya sa kasalukuyan.

"Huwag kang magpadala sa negatibong emosyon mo binata kung gusto mo pang maayos ang kasalukuyang suliraning kinakaharap mo. Dahil sa tila mutasyon nangyayari sa katawan mo ay kailangan mong labanan ang nasabing enerhiyang unti-unting nagiging parte ng katawan mo. Handa kitang tulungan kung gusto mo pang mabawi ang sariling katawan mo na unti-unting nasasakop ng demonic essence ng napaslang mong nilalang." Mahabang sambit ng misteryosong binibining tila naaawa sa kasalukuyang lagay ni Wong Ming.

"Kung gayon ay may paraan pa?! Kailangan kong malaman iyon binibini. Hindi ko gustong maging demonyo Binibini. Pakiusap tulungan mo ko Binibini." Tila nagsusumamong saad ng binatang si Wong Ming habang kitang-kita ang lungkot sa mga mata nito. He felt helpless lalo na at mukhang wala siyang kontrol sa bagong kapangyarihang meron sa sarili niyang katawan.

"Huli na ang lahat binata, unti-unti ng naghahalo ang demonic essence sa buong katawan mo. Ang tanging magagawa mo na lamang ay kontrolin ito ng mabuti at magamit mo sa kahit ano'ng klaseng bagay na gawin mo. Malaking bagay ito upang magkaroon ka ng kakaibang lakas na maaari mong gamitin sa oras na kinakailangan mo ang abilidad ng isang demonyo." Nakangiting sambit ng misteryosong babaeng nakasuot ng kulay puting bestida. Sa mala-anghel nitong kaanyuan ay hindi maiisip ni Wong Ming na mayroon palang mga bagay na naiisip ang magandang babaeng nakatingin sa kinaroroonan nito.

IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 9] GODLY SERIES #3Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu