Chapter 2.10

244 43 5
                                    


"Tama ang sinasabi ni Demoness Crea, Lord Damon. Walang demonic scriptures dito sa mundong ito at kung meron man ay hindi iyon mauunawan ng isang binata lamang." Pagsang-ayon naman ni Phlox Guard Chief Saleos habang makikitang hindi din ito naniniwala sa nahihinuha ng binatang taga-labas na nakasaksi sa paglabas nila sa pambihirang lagusang nagbubuklod sa dalawang magkaibang mundo ng mga mortal at ng mga lahi ng demonyo.

Mabilis namang nagsalita si Wong Ming nang marinig niya ang mga pinagsasabi ng mga ito sa kanilang usap-usapan.

"Those demonic scriptures? Di ko alam ang mga iyon ngunit isa iyon sa maaari kong bisitahin kapag nakatapak na ko sa mundo niyo hehe!" Masayang wika ni Wong Ming habang mababatid ang kasabikan sa mga salitang binitawan nito sa harap ng tatlong Water Demons.

Mabilis na naningkit ang mga mata ng tatlong Water Demons sa sinabing ito ng binatang tao na si Wong Ming. Kitang-kita sa mga tinging ipinukpukol ng mga ito na hindi sila natutuwa sa pinagsasabi ng binatang ito na mula sa mundong ito. Hindi nila mawari kung ano ang naiisip nitong gawin kung sakali mang makatapak ito sa mundo nila.

"Wag kang umasa binatang mula sa mahinang lipi ng mga tao, hindi mo alam ang pinagsasabi mo. Wala kang kakayahang makaligtas sa mundo namin at ako na ang nagsasabi sayo na hindi mo gugustuhing makita ang mga nangyayari sa mundo namin!" Seryosong wika ni Demoness Crea habang makikitang nakaangil ito sa direksyon ng nasabing binata na puno ng pananabik sa isipan nito. Sa tignin niya ay puro angas lamang ito ngunit maduduwag lamang ito kung gaano kakomplikado ang mundo nila. Tiwala siyang hindi mangyayari ang kinatatakutan nilang mangyari.

"Hahaha... Pinagyayabang mo ang mundo niyo? Kung mahina pala ang mundo namin ay bakit pagsisiksikan niyo ang sarili niyo rito? Alalahanin niyo, mahihina kayong mga Water Demons kung hindi ako nagkakamali ng pagkarinig kanina. Inamin niyo iyon kaya walang dahilan upang insultuhin niyo kaming mga nabibilang sa mahihinang lahi na pinagsasabi niyo." Seryosong sambit ni Wong Ming habang nawala ang mga ngiti nito kanina. Sino bang gustong ituring na mahina hindi ba? At alam niyang walang nilalang ang gustong maging mahina.

Napatahimik na lamang ang tatlong Water Demons habang walang gustong kumibo sa mga ito ngunit agad namang nagsalita si Lord Damon nang maunawaan nito ang pinagsasabi ng binatang nagmula sa mundong ito.

"Hayaan niyo na ang binatang iyan Demoness Crea at Phlox Guard Chief Saleos. Masasabing mahina nga ang pwersa natin lalo pa't hindi niyo napataob ang nasabing binatang iyan. Hindi rin pwedeng labanan ko ang binatang iyan lalo pa't hindi natin alam ang matinding panganib mula sa mundong ito. Ayokong ako ang maging dahilan upang mabura ang ating lahi sa kasaysayan ng mundo natin at ng mundo ng mga mortal na tao." Mahinang sambit ni Lord Damon habang makikitang tila sumuko na ang loob nitong patulan pa ang binatang nasa hindi kalayuan mula sa kanila. Alam niyang walang magandang maidudulot ang pakikipaglaban niya sa nilalang na ito at isakripisyo ang buong angkan nila dahil lamang sa kapalaluan niya.

Hind siya dapat magpadala sa negatibong emosyong namumuo sa puso't isipan niya. Alam niyang nasa kaniyang sariling kamay nakasalalay ang kaligtasan ng buong Poseidon Phlox Demon Clan na ngayon ay isa sa nanganganib na mabura sa kasaysayan ng Demon World.

"Pero Lord Damon, alam na ng binatang iyan ang sikreto natin at ang totoong pag-exist ng Demon World. Kapag nagkaroon ng malaking pagbabago o paglusob ng mga lahi ng tao roon ay siguradong maiipit tayo sa gulo ng dalawang mundo!" Sambit ni Demoness Crea habang makikitang tila hindi ito magpapatalo sa binatang mula sa lahi ng tao. Gusto niyang magdusa ito sa sariling kamay ni Lord Damon nang sa ganon lamang ay mapapanatag ang loob niya.

"Wag kang maging sakim Demoness Crea. Naniniwala ako sa sinasabi ni Lord Damon na hayaan na lamang ang binatang iyan. Sigurado naman akong marami tayong mapaghahandaang plano para sa kanila. Uunahin mo pa ba iyan kaysa sa malaking suliranin natin sa Demon World?!" Seryosong sambit naman ni Phlox Guard Chief Saleos na ngayon ay masama ang tinging ipinupukol kay Demoness Crea.

"Pero-----!" Pagsasalita pa ni Demoness Crea habang kitang-kita ang labis na pagtutol rito ngunit mabilis na naputol ang pagsasalita nito nang mabilis siyang hinawakan sa kanang kamay nito ni Phlox Guard Chief Saleos at nagwika.

"Wala ng pero-pero pa Demoness Crea kung ayaw mong suwayin ang sinasabi ni Lord Damon. Nakuha mo pang maging makasarili!" Seryosong wika ni Phlox Guard Chief Saleos habang sinusuway nito ang nanggagalaiting si Demoness Crea. Hindi niya hahayaang madala ito ng negatibong emosyon nito dahil lamang sa existence ng estrangherong binatang mula sa mundong ito.

Agad na nakitang sumenyas si Lord Damon kay Phlox Guard Chief Saleos na agad naman nitong naiintindihan. Mas hinigpitan nito ng pagkakahawak sa palapulsuhan si Demoness Crea dahilan upang magalit pa lalo ang nasabing babaeng Water Demon.

"Ano ba Saleos, sabing bitawan mo ko. Hindi pa ko tapos sa binatang iyan. Hindi ko hahayaang mabuhay pa yan! Hindiiiiii------!!!!" Sambit ni Demoness Crea ng malakas ngunit mabilis siyang hinila ng malakas ni Phlox Guard Chief Saleos patungo sa pambihirang lawa at agad na nawala ang presensya ng dalawang Water Demons. Bakas sa tinig nito ang labis na pagkagalit.

Ibayong katahimikan naman ang namuo sa lugar na ito. Kitang-kita na seryosong nakatingin ang dalawang natitirang nilalang sa pook na ito habang tanging ang mumunting huni ng mga Blue Archean Birds na lamang ang maririnig sa kapaligiran lalo na sa himpapawid.

"Ano ba ang kasalanan ng lahi namin sa inyong mga tao ha?! Lalo ka na binata?! Hindi mo alam ang problemang maaari mong ihatid sa amin kung sakaling isuplong mo kami sa mga kauri mong mga tao!" Seryoso ngunit may halong pagtitimpi sa boses ng nasabing pambihirang Water Demon na kilala sa katawagan nito bilang Lord Damon.

"Hindi ko alam kung ano ang naiisip niyo ngunit hindi ko intensyong galitin kayo. Masyado lamang kayong kakaiba sa mundong namin. Likas sa lahi namin ang maging ganid at hangal kaya bakit niyo gugustuhing manirahan dito kasama kami?!" Sambit ni Wong Ming pabalik habang makikitang gusto nitong malinawan sa nangyayari at siyempre ay makahanap ng impormasyon patungkol sa kabilang mundo na kinabibilangan ng mga demonyo, ang Demon World.

"Kagaya ng mundo niyo ay nag-eexist ang mundo namin ngunit masyadong malaki na ang pagbabago nito ilang taon na ang nakalilipas. Ang mundo namin ay mas mabagal ang takbo ng mga araw doon ngunit hindi iyon ang dahilan kung bakit nagkaroon ng mga kaguluhan. Masyadong marami ang lumitaw na mga malalakas na mga elemental demon roon partikular na rito ang Fire Demon Clans dahilan upang masira na ang balanse sa mga lupain ng mga Elemental Demon Nation." Seryoso ngunit tapat na sambit ni Lord Damon habang makikita ang ibayong lungkot sa mga mata nito habang pinapahayag nito ang kasalukuyan nilang kalagayan lalo na nag buong Demon World na ang sangkot sa suliraning ito.

IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 9] GODLY SERIES #3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon