Chapter 3.10

235 38 1
                                    


Kung gayon ay nasa bingit ng kamatayan si Wong Ming sa kasalukuyan? Bakit hindi mo sinabi noong una pa lamang? Hindi ko aakalaing seseryosohin nila ang labanang ito to the point na magkakapatayan ang mga ito!" Matiim na wika ni Head Chief Bengwin habang makikitang hindi ito komportable sa naging usapan at mga nalaman niya.

Hindi niya sukat aakalaing malakas este napakalakas pala ni Qiáo Jian na siyang panganay sa magkambal na anak niya kay Milanya. Kung gayon ay masasabi niyang namana nito ang abilidad nito sa lahi ng asawa niyang si Milanya.

Hindi niya alam kung matutuwa siya rito o hindi dahil ang kapangyarihang meron ito ay ginamit nito sa kinupkop nitong si Wong Ming sa loob ng apat na taong ito.

Wala siyang kaalam-alam sa pambihirang kakayahan na ito ni Qiáo Jian ngunit ngayon ay aware na siya kung saan nagmumula ang confidence nito kung magsalita ito.

Samantala...

Kitang-kita ni Wong Ming ang tila isang higanteng matang nasa ere. Napakalaki nito habang nakatingin sa kaniyang sariling gawi. Kasingpula ng dugo ang dambuhalang matang ito. Kung hindi nagkakamali si Wong Ming ay mata ito ni Qiáo Jian dahil ito lang naman ang kasalukuyan nitong kalaban.

Nagpapatunay lamang ito na hindi lang si Wong Ming ang may kakayahang gamitin ang pambihirang matang meron din siya.

Nagalak na lamang si Wong Ming sa kaniyang kaloob-looban lalo pa't napatunayan niyang malakas nga talagang tunay si Qiáo Jian.

Ang matang ito ay nagpapatunay na mayroon ding kakayahang magpalit ng anyo si Qiáo Jian bilang isang demonyo. Kung hindi siya nagkakamali ay nakahanay ang elemento nito sa kadiliman kaya isa itong Dark Demon.

Ngunit hindi nangangamba si Wong Ming sa presensyang hatid ni Qiáo Jian dahil kung tutuusin ay nalamangan niya na ito pagdating sa lakas, bilis at maging sa talentong meron ito. Sa dami ba naman ng demonic essences na nakuha niya sa Phlox Demon Clan Chief ng Demon World ay nahirapan siyang irefine lahat ng mga ito. It will take some time to fully utilize those demonic essences na magagamit niya sa hinaharap.

Kahit na isa sa mga lahi ni Qiáo Jian nag masuwerteng nilalang na biniyayaan ng pambihirang katawang kayang magproduce ng demonic essences ay hereditary naman ito ngunit sa kasalukuyang panahon ay masyado ng mababa ang porsyentong makukuha ng mga ito at magpoproduce ang sarili nilang katawan ng nasabing demonic essences.

Kumpara sa kaniya na walang kahirap-hirap niyang nakuha ang demonic essences ay kahit buong buhay pa ni Qiáo Jian o sinumang mula sa kahi ng tao maging sa mga espesyal na miyembro ng mga ancient tribes dito sa loob ng Ashfall Forest ay walang makakapantay ng demonic essences niya liban na lamang kung makaharap niyang muli ang mga Water Demons na iyon.

Mabilis na narinig ni Wong Ming ang tinig na nanggaling sa himpapawid na siyang dahil upang mawala ang mga naiisip niyang mga bagay-bagay.

"Wala ka atang kibo binatang taga-labas. Hindi mo ko kaya, kung ako sa'yo ay sumuko ka na lamang at maaari ko pang pigilan ang mga susunod kong mga atake hahahaha!" Mapang-uyam na saad ng isang tinig na walang iba kundi si Qiáo Jian. Walang mahihimigan na sensiridad sa tono ng pananalita nito.

Mabilis na naglakad si Wong Ming at itinaas ang kanang kamay nito. Kitang-kita kung paano itong seryosong nakatingin sa ere.

"Tama ang ginawa mong pagsuko binata. Mabuti naman at natauhan ka na lalo pa't napagtanto mong hindi ka mananalo laban sa akin hehehe." Masayang wika ng tinig na nanggaling sa isang dambuhalang mata. Masasabing ang ginawa nito ni Wong Ming ang pinakatama nitong ginawa sa kasalukuyan.

"Mukhang nagkakamali ka ng iyong pagkakaintindi Qiáo Jian. Hindi ako sumusuko bagkus ay tatalunin kita gamit ang sarili mong atake!"

Demon Skill: Eye of Water Demon!

Nawala ang mga ngiti sa labi ni Qiáo Jian habang makikitang nagulat ito sa mga susunod na pangyayari.

Biglang nagliwanag ang kanang kamay ni Wong Ming kung saan ay mabilis na nahati ang parteng palad nito at lumabas ang isang malaking mata.

Biglang nagtagpo ang matang nasa palad ni Wong Ming at ang dambuhalang mata sa ere na pagmamay-ari mismo ni Qiáo Jian.

"Nagpapatawa ka ba Wong Ming? Kahit sabihin pang meron ka ring demon eye ay hindi pa rin ito sapat upang matalo mo ang isang katulad ko na nananalaytay ang dugo ng aking mga ninuno!" Seryosong sambit ni Qiáo Jian habang mabilis na nagliwanag ng malakas ang dambuhalang mata sa ere habang nanlilisik pa ito habang nakatingin sa direksyon ni Wong Ming.

"Kung iyon ang iyong nais. Ipapakita ko sa'yo kung gaano kataas ang agwat ng lakas natin." Mahinahong wika ni Wong Ming habang bakas sa tono ng pananalita nito ang determinasyon.

Malakas na nagliwanag ang matang nasa kanang kamay ni Wong Ming.

Nagtagpo ang dalawang magkaibang mga mata na pagmamay-ari ni Wong Ming at ni Qiáo Jian.

"Nasa akin pa rin ang huling halakhak Wong Ming!" Confident na saad ni Qiáo Jian habang mabilis na nagliwanag ng napakalakas ang dambuhalang mata sa ere dahilan upang masilaw si Wong Ming.

Hindi nagpatalo si Wong Ming kahit na alam niyang nasa loob siya ng ilusyon na ginawa ni Qiáo Jian. Mananalo siya sa labanang ito at iyon ang gusto niyang mangyari.

Bilang nagkaroon ng malakas na kulay asul na liwanag ang lumabas sa loob ng palad ni Wong Ming at kitang-kita kung paanong mabilis na tinamaan ng nasabing liwanag ang nakakatakot na dambuhalang mata sa ere.

BANG! BANG! BANG!

Kitang-kita ni Wong Ming kung paano nagkaroon ng maliliit na lamat ang nasabing dambuhalang mata sa ere at sa huli ay sumabog ito ng ilang beses dahilan upang masira ang nasabing malakas na ilusyon sa pagitan ng reyalidad at ng mismong domain na ginawa ni Qiáo Jian.

PUAHHH!

Malakas na napasuka ng dugo si Qiáo Jian mula sa bibig nito. Kitang-kita kung paanong umagos rin ang dugo sa kanang mata nito na halatang nagtamo ng pinsala mula da naging pag-atake niya.

Tiningnan ng masama ng sugatang si Qiáo Jian si Wong Ming habang mabilis din itong nagwika.

"Paano mo nagawa iyon Wong Ming. Imposibleng mangyari na matalo mo lamang ako ng ganon-ganon lamang!" Galit na galit na wika ni Qiáo Jian habang makikitang hindi nito matanggap ang buong takbo ng pangyayaring ito. Para sa kaniya ay isa lamang sampid si Wong Ming at hindi ito malakas ngunit sa ipinakita nitong lakas o galing sa pakikipaglaban ay lubos niyang pinagsisisihan na pinaglaruan niya pa ito bago niya ito pahirapan o paslangin at iyon ang masasabi niyang isang malaking pagkakamali na ginawa niya.

...

Send GCASH Cutie 💞

Send GCASH Cutie 💞

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 9] GODLY SERIES #3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon