Chapter 3.4

230 36 1
                                    


Tatlong araw muli ang nakalipas habang mabilis na tumatalon-talon ang binatang si Wong Ming sa mga sanga ng naglalakihang mga puno. Palabas na kasi siya sa loob ng masukal na bahagi ng Ashfall Forest.

Papunta na siya ngayon sa direksyon kung saan naroroon ang Black Clover Tribe na siyang huling lugar kung saan nagkasama sila ng amain niyang si Head Chief Bengwin.

Sa loob kasi ng tatlong araw na ito ay marami siyang nakolektang mga bagay-bagay katulad na lamang ng mga pambihirang herbs na karamihan ay para sa panggagamot at pagpapalago ng kaniyang sariling Cultivation. Masasabi niyang masuwerte pa rin siya kahit na maraming mga nangyari nitong nakaraang tatlong araw.

Hindi rin nagtagal ay natanaw ni Wong Ming sa hindi kalayuan ang nasabing tribo kung saan ay masasabi niyang may kalakihan ang teritoryo nito.

Mula sa labas ay nakita niya ang ama-amahan niya habang may kausap itong isang nakasuot ng baluting pamilyar sa kaniya. Ito ay si Tribal Guard Asero kung hindi siya nagkakamali.

Naglakad siya ng mahinahon patungo sa direksyon kung saan naroroon ang ama-amahan niya at ilang segundo lamang ang nakakalipas ay bigla na lamang lumingon ang mga ito sa direksyon niya.

"Wong Ming? Ikaw ba iyan anak?! Wong Ming ikaw nga!" Hindi makapaniwalang sambit ni Head Chief Bengwin habang makikitang abot langit ang pagngiti nitong makitang buhay na buhay ang anak-anakan niya.

Mahigit isang buwan din silang hindi nagkita na dahilan upang aligaga itong hanapin kung saan mang lupalop si Wong Ming.

Makikitang tumakbo na ito patungo sa direksyon ni Wong Ming habang may mga emosyon ang mga mata nito. Mata na nagpapahiwatig ng pagpapasalamat at pagiging panatag nito.

Isang mahigpit at mainit na yakap ang iginawad ni Head Chief Bengwin kay Wong Ming. Agad ding kumalas ito upang kamustahin ang anak-anakan niya.

"Kamusta ka na anak ko. Masyado mo naman akong pinag-alala. Akala ko ay napano ka na sa malawak na kagubatang ito ng Ashfall Forest." Saad muli ni Head Chief Bengwin habang nakatingin sa mga mata ni Wong Ming.

Napakamot na lamang sa kaniyang sariling batok si Wong Ming habang kitang-kita na tila nag-iisip ito ng isasagot nito. Kitang-kita niya kung paano mag-alala ang ama-amahan niya kaya napagpasyahan niya na gawing simlle at makatotohanan ang sagot niya.

"Ah eh... Masyado lamang akong nawili sa pagpunta sa mga lugar dito sa loob ng kagubatang ito. Sa loob ng mahigit isang buwan ay gumala lamang ako upang maghanap ng mga pambihirang mga halamang maaari kong magamit sa aking pagcucultivate. Maswerte pa rin ako dahil hindi ako nakasagupa ng anumang malalakas na mga halimaw o mga nilalang." Nakangiting saad ni Wong Ming habang ipinakita pa nito ang puti nitong mga ngipin upang mas maging makatotohanan ang mga pinagsasabi niya.

"Ah ganon ba. Masyado mo lamang akong pinag-alala dahil sa matagal mong pagkawala. Marami na ang nangyari nitong nakaraang mga buwan at masasabi kong maayos na rin ang lahat ng mga agam-agam sa puso't isipan ko." Nakangiting sambit ni Head Chief Bengwin habang makikitang salungat ito sa sinasabi ng mga mata nito. Kakikitaan ng lungkot ito habang bigla nitong pinasigla ang ekspresyon nito ngunit hindi ito nakatakas sa mapanuring mga mata at obserbasyon ni Wong Ming.

"Ganon ba ama. Mabuti naman, ngunit aalis na ba tayo ngayon?!" Simpleng wika ni Wong Ming habang may kasamang katanungan. Ayaw niyang pagtalunan pa nila ito at mas mabuting palampasin niya muna ito. Alam niyang sasabihin rin ito ng amain niya o di kaya ay malalaman niya rin ito kung sakaling may anomalya o problema ngang tinatago sa kaniya ang ama-amahan niya. Isa pa ay gusto niyang magpahinga pansamantala. Masyadong mahaba ang nilakbay niya patungo rito.

"Hindi pa anak. Pumasok muna tayo sa loob ng Black Clover Tribe at ng may ipapakilala ako sa iyo. Siguradong magkakasundo kayo ng mga ito." Nakangiting saad ni Head Chief Bengwin sa anak-anakan niyang si Wong Ming. Masasabi niyang maaaring magkasundo ang mga ito kung sakaling magkakilala ang mga ito ng pormal.

Bumakas naman ang kuryusidad sa mukha ni Wong Ming lalo pa't wala siyang kaide-ideya kung ano ang tinutukoy ng ama-amahan niya.

Mabilis namang naglakad si Head Chief Bengwin habang nakaakbay kay Wong Ming. Nakasunod lamang sa likod nito ang kanina pang tahimik na si Tribal Guard Asero.

Mapapansin ni Wong Ming na may kakaibang kinikilos ang amain niya at ang nasabing bantay na si Tribal Guard Asero.

Kakaiba ang rutang tinahak nila kumpara sa naunang nilakaran nilang direksyon.

Pansin ni Wong Ming ang madilim na pasilyong nadadaanan nila na dahilan upang kunin ng amain niya at ni Tribal Guard Asero ang nasabing torch sa gilid ng nasabing pasilyo na gawa sa matibay na mga bato.

Biglang lumiwanag ang dinaraanan nila at pansin ni Wong Ming ang liwanag sa dulo ng tinatahak nilang direksyon.

Nagpatianod na lamang si Wong Ming lalo pa't nabalot din siya ng kuryusidad sa maaaring puntahan nila at kung sino ang ipapakilala ng ama-amahan niya sa kaniya.

Maya-maya pa ay narating na nila Wong Ming ang duluhan ng nasabing pasilyo na dinala sila sa isang malawak na battle arena.

Namangha naman si Wong Ming sa nasabing itsura ng nasabing lugar ngunit nang tumingala siya ay doon niya napansin ang dalawang nilalang na tila nag-eensayo.

Agad namang tiningnan ni Wong Ming ang mga ito at inobserbahang maigi.

Tila bumalik sa kaniya ang alaala noong unang pagpunta nila sa loob ng Ashfall Forest. Alam niya ang pigura at enerhiyang sobrang pamilyar na pamilyar sa kaniya. Ito ay walang iba kundi ang dalawang nilalang na nakalaban niya at ng ama-amahan niyang si Head Chief Bengwin.

Ilang minuto lamang ang nakalipas ay tumigil ang mga ito sa ere at tumingin sa direksyon niya ang mga ito.

Nagulat naman bigla si Wong Ming nang makita ang pagmumukha ng mga ito. Kambal ang dalawang nilalang na ito dahil sa parehong-pareho ang anyo ng mga ito ngunit ang mas ikinabigla niya ay kamukhang-kamukha ito ng ama-amahan niya.

"Ano'ng ibig sabihin nito ama? Bakit kamukhang-kamukha mo sila? Hindi ko aakalaing nakaharap ko ang nakalaban ko noon na dalawang nilalang at hindi ko inaasahang dito pa sa Black Clover Tribe ko sila makikitang muli?!" Mabilis na wika ni Wong Ming na puno ng pagtataka. Pasalin-salin ang tingin niya sa dalawang kambal na nilalang at maging sa ama-amahan nitong si Head Chief Bengwin. Hindi niya inaasahan na ito ang unang senaryo na makikita niya.

IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 9] GODLY SERIES #3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon