Chapter 2.8

237 45 3
                                    


Isang kakaibang ngiti na lamang ang iginanti ni Wong Ming sa nagtatakang Water Demon na si Demoness Crea.

Kitang-kita kasi na labis ang kuryusidad nito sa pagkakaligtas niya sa atake nito sa kaniya.

"Demonic Essence. Tama, mayroong demonic essences ang binatang iyan sa katawan nito. Tanging ang mga nilalang na galing sa tao na may demonic essences lamang ang kayang manipulahin at pigilan ang atakeng kaya nating ibigay sa mga ito!" Seryosong saad ni Phlox Guard Chief Saleos na animo'y nag-iisip ng malalim patungkol sa misteryosong pagkaligtas ng binatang tao na ito mula sa atake ni Demoness Crea.

Alam niya kasing ang lahi ng mga tao ay likas na mahihina ang pangangatawan ng mga ito. Kumpara sa kanilang mga demonyo ay walang makakapantay sa tibay at lakas ng pangangatawan nila. Those filthy human bodies are nothing to compared to them. At dahil iyon aa presensya ng demonic essences sa katawan nila na wala sa ordinaryong mga tao.

"Demonic Essences?! Binata, saan nagmula ang demonic essences mo sa iyong katawan?!" Seryosong wika ni Lord Damon sa maotoridad nitong boses. Kitang-kita sa mga mata nito ang labis na pagkagimbal.

Maging siya ay nagtataka kung bakit mayroong demonic essences ang nilalang na mula sa taong ito na sobrang bata pa nito ayon sa bone structure nito sa katawan.

Those demonic essences sa katawan ng binatang ito, ramdam niyang ito ang dahilan kung bakit niya ito nahanap. Tila napagtagpi-tagpi na ni Lord Damon ang hinala niya sa binatang mula sa lahi ng mga tao.

Nagulat naman si Wong Ming sa naging wika ng nasabing Water Demon na nagngangalang Phlox Guard Chief Saleos. Masasabi niyang malakas ang kakayahan nito sa pag-obserba at tila natuklasan kaagad nito ang pagkakaroon niya ng demonic essences sa loob ng katawan niya.

Maging ang nagngangalang Lord Damon na ito ay tila ba interesadong malaman kung saan nagmula ang demonic essences sa loob ng katawan niya.

Maya-maya pa ay mabilis nagsalita si Wong Ming sa dalawang nilalang na tila takang-taka sa ginawa niyang pagsangga ng atake ng kalaban nito.

"Tama kayo. Dahil nga iyon sa demonic essences sa katawan ko. Kung saan ito nagmula ay wala akong alam. Ilang araw ko lamang natuklasan ang patungkol rito kaya hindi ko pa masyadong gamay ang gamit ng demonic essences sa loob ng aking pangangatawan." Seryosong sambit ni Wong Ming habang kitang-kita sa mukha nito ang labis na kaseryusohan.

Kapwa naman nagulat sina Wong Ming at ang dalawang Water Demon nang bigla na lamang malademonyong humalakhak ng napakalakas si Demoness Crea.

"Hahaha... Hindi kami uto-uto binata. Walang nilalang ang kayang manipulahin ang demonic essences ng ilang araw lamang. Nagsisinungaling ka!" Malademonyong saad ni Demoness Crea habang nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sa gawi ng binatang tao.

Napakagat-labi na lamang si Wong Ming dahil sa kapalpakan niya. Hindi niya inisip ang mga bagay-bagay bago niya sabihin ang mga katagang nasabi na niya.

"Isa kang hangal binata. Mahirap kontrolin ang Demonic Essences at bata ka pa lamang ay magpapakita na ito ng senyales ngunit sa lagay mo ay alam naming nagsisinungaling ka lamang. Isa pa ay hindi mo pa gamay ang demonic essences mo kaya nasisiguro naming hindi likas na nanggaling sa iyo ang demonic essences na iyan na nasa loob ng pangangatawan mo!" Mahabang pahayag ni Phlox Guard Chief Saleos na kakikitaan ng pagkontra sa pinagsasabi ni Wong Ming. Base sa mga pinagsasabi nito ay halatang iniiwasan nito ang mga bagay na hindi nito alam ngunit hindi makakalusot sa kaniya ang mga dahilan o palusot ng binatang mula sa lahi ng mga tao.

Mabilis na nagbago ang ekspresyon sa mukha ng binatang si Wong Ming at mabilis din itong nagsalita.

"Kahit sabihin ko ang totoo ay alam kong hindi pa rin uubra iyon sa inyo lalo na sa iyo ginoo. Ang demonic essences na nasa katawan ko ay aksidente ko lamang nakuha mula sa napaslang kong nilalang na mayroong kakaibang transformation skill. Okay na ba?!" Mapait na wika ni Wong Ming habang isiniwalat na nito ang buod kung paano niya nakuha ito. Masyado namang mga usisera't-usisero ang mga Water Demon na ito.

"Palagay ko ay nagsasabi ng totoo ang nilalang na iyan. Isa pa ay hindi naman natin problema ang patungkol rito. Hindi naman malaking bagay ito lalo pa't sa loob ng kagubatang ito ay dito din lumalabas-pasok ang mga ekspertong nagmula sa mundong ito na mayroong mga demonic essences sa katawan nila." Seryosong saad naman ni Lord Damon habang makikitang tila naniniwala na ito sa pinagsasabi ni Wong Ming.

Napatango naman sina Demoness Crea at Phlox Guard Chief na si Saleos. Ngunit gusto nilang kumpirmahin ang mga bagay na maaaring pinaplano ng binatang ito.

"Ngunit hindi pa rin sa iyo iyan binata. Hindi ka ba natatakot na kunin namin ang demonic essences sa katawan mo?!" Makahulugang wika ni Demoness Crea habang makikitang malademonyo itong ngumisi sa gawi ng binatang mula sa lahi ng tao na si Wong Ming.

Imbes na masindak si Wong Ming ay mabilis na gumuhit ang kakaibang ngiti sa labi nito at agad na nagwika.

"Kung magagawa mo iyon. Hindi niyo gugustuhing malaman ang matutuklasan niyo. Alalahanin niyo, papahina na ang angkan niyo at maaari ko itong gamitin upang burahin kayo sa mundong ginagalawan niyo sa Demon World!" Nakangiting sambit ni Wong Ming habang bakas sa tono ng pananalita nito ang pagbabanta.

Nagkatinginan naman ang tatlong Water Demons na agad namang makikitang naging balisa ang mga ito. Ngayon ay alam na nilang kanina pa nakikinig ng palihim ang binatang mula sa mundong ito. Hindi nila aakalaing ang kanilang napag-usapan at plano ay narinig ng isang nilalang na mula sa lahi ng tao.

Idagdag pang mayroon itong demonic essences sa katawan nito at hindi pa nila alam ang pagkakakilanlan nito ay malaking banta ito sa kanilang sariling angkan.

"Alalahanin mo binata, sa oras na magsalita ka laban sa amin dahil sa narinig mo sa pinag-uusapan namin ay hinding-hindi ka namin mapapatawad. Kasabay ng pagbagsak namin ay kayo na rin ang susunod!" Seryosong turan ni Phlox Guard Chief Saleos habang makikitang hinding-hindi ito magpapatalo sa isang hamak na tao lamang kagaya ng binatang nasa hindi kalayuan lamang.

"Susunod?! Paano naman kami babagsak?! Hindi niyo kami kasabwat at mas lalong walang dahilan upang maubos ang lahi namin dahil lamang sa pagkabura niyo sa Demon World!" Seryosong sambit din ni Wong Ming pabalik. Halatang hindi din ito magpapatalo kay Phlox Guard Chief Saleos.

"Yun ang inaakala mo binata. Kapag mangyaring mabura kami sa kasaysayan ay kasabay rin nito ang pagkatuklas ng mga kaaway namin sa lagusang pinakainiingat-ingatan ng aming mga ninuno patungo sa mundo niyo. Tingnan lang natin kung hindi mo kainin ang pinagsasabi mo. Kaya kung ako sa iyo ay manahimik ka na lamang kung ayaw mong mapadali ang buhay niyong mga mahihinang nilalang!" Mahabang litanya ni Demoness Crea habang kitang-kita na nagtitimpi lamang ito sa inis na nadarama nito. Ayaw na ayaw niyang pinagbabataan siya o sila.

IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 9] GODLY SERIES #3Where stories live. Discover now