Chapter 4.1

222 46 1
                                    


"Hindi kita hahamunin kung hindi ko sukat ang iyong lakas at abilidad na meron ka. Hindi ako hangal katulad mo." Mahinahong wika ni Wong Ming habang makikitang gusto nitong ipamukha ang kapalaluan at kayabangang meron si Qiáo Jian na siyang nagdulot rito ng confidence ngunit nagdulot din ng maling desisyon nito.

"Hindi... Hindi mo ko matatalo Wong Ming. Ako ang pinakamalakas sa henerasyon natin. Walang makakapantay sa akin!" Galit na galit na sambit ni Qiáo Jian habang hindi nito matanggap ang mga pinagsasabi ni Wong Ming sa kaniya. Isa lamang itong nilalang na mula sa labas ng Ashfall Forest at ang kaniyang sariling kagitingan ay tila gusto pa nitong tibagin.

Pakiramdam niya ay lason ang mga salitang binibitawan ni Wong Ming sa kaniya. Hindi siya matatalo ng  sinuman, hindi ito at hindi kaninuman.

"Hindi mo ata nakikita ang labas ng mundong ito Qiáo Jian. Hindi mo alam ang pinagsasabi mo. Kahit nga ako ay hindi sasabihin ang katagang napakalakas heh! Nagpapatawa ka ata, sobrang lawak ng mundong ito na kahit ang mga sarili natin ay maituturing lamang na buhangin sa maraming naglalakasang mga mandirigma at eksperto.  Masyado namang mataas ang tingin mo sa iyong sarili hahahaha!" Malakas na saad ni Wong Ming habang literal na napahalakhak ito sa huli.

Hindi niya aakalaing ganito ang kakitid ang utak ni Qiáo Jian lalo na kung iniisip nitong ganoon lamang kasimple ang mundong ginagalawan nila. Hindi nito alam ang mga pinagsasabi nito.

Nagulat naman si Qiáo Jian sa sinabing ito ni Wong Ming. Hindi niya alam ngunit sa uri ng tingin nito ay parang nagsasabi ito ng totoong saloobin nito.

"Ngunit hindi ako naniniwala sa pinagsasabi mo Wong Ming. Isa ka lamang hangal. Kung tingin mo ay madadala mo ako sa pinagsasabi mo ay nagkakamali ka ng iyong inaakala!" Malakas na sambit ni Qiáo Jian habang mabilis na nagsalagawa ito ng panibagong martial arts skill nito.

Skill: Dark Bliss!

Sa isang iglap ay nagbago ang kapaligiran ni Wong Ming habang makikita ang sarili nitong nasa isang lugar na purong itim na usok na lamang ang nakapilid sa kaniya. Para bang nasa isang lugar siya na hindi nanaisin ng sinuman na puntahan ito.

Sa himpapawid ay nakita niya ang kulay itim na nilalang na isang uri ng demonyo, isang Dark Demon. Kakaiba ang kaanyuan nito ngunit maihahalintulad ito sa kaanyuan ng mga Elemental Demons ng Demon World.

Mayroon itong features na kahawig ng kaanyuan ng tatlong Water Demons na nakasalamuha niya noong nakaraan.

"Sumuko ka na Wong Ming, nasa akin pa rin ang huling halakhak hahaha at wala ka ng magagawa pa!" Nakangising wika ni Qiáo Jian habang makikitang nakatingin ito ng direkta sa direksyon niya.

"Hindi mo ko matatalo Qiáo Jian. Kagaya ng mga skills mo ay mayroon din akong panlaban sa magagawa mo!" Nakangiting saad ni Wong Ming habang kitang-kita ang kalmadong tono ng pananalita nito.

Skill: Ice Bliss!

Sa isang iglap ay nagbago ang kapaligirang kinaroroonan nilang dalawa habang makikitang bigla na lamang lumitaw ang maraming mga naglalakihang tipak ng mga yelo sa iba't-ibang parte ng lugar na ito.

Maging ang kaanyuan ni Wong Ming ay bigla rin nagbago. Ang kaanyuan nito ay kabaliktaran ng kulay itim na demonyo lalo pa't ang balat nito ay kasing puti ng niyebe habang makikitang sobrang tangkad nito. This is his demon form.

Hindi maaari ito. Bakit ka nagkaroon ng transformation skill katulad namin?! Hindi maaari ito!

Sambit ng binatang si Qiáo Jian habang makikitang hindi ito makapaniwala sa kaniyang sariling nakikita.

Sa isang iglap ay biglang dumilim ang kapaligiran ngunit mabilis na nahawi ito sa kinaroroonan ni Wong Ming.

Ang kakaibang mga skills na katulad ng Elemental Bliss ay isang unique illusion Domain Skill kaya natural lamang na magbanggaan ang pareho ngunit magkaibang illusion domain nina Wong Ming at Qiáo Jian dahilan upang maglaban ang parehong illusion domain ng dalawa.

"Patutunayan ko Wong Ming na wala kang binatbat sa akin na nananalaytay ang dugo ng isang Dark Demon mula ng isilang ako. Hindi mo maaaalis ang kaibahan naming mga bagong henerasyon ng ancient tribes sa loob ng Ashfall Forest!" Malakas na saad ni Qiáo Jian hababg Kitang-kita sa mga mata nito ang labis na galit na nararamdaman nito sa kasalukuyan.

Skill: Dark Demon God Illusion!

Akala niya ay siya lang ang may ganitong klaseng skill ngunit mukhang nagkakamali siya, medyo sinwerte ang isang ito at mayroon itong nakuhang pambihirang transformation skill na katulad ng sa kanila ngunit hindi niya alam kung saan nito nakuha ang nasabing opportunidad na ito.

Bigla na lamang tumaas ang enerhiya ni Qiáo Jian at kitang-kita ni Wong Ming ang pamumuo ng imahe ng higanteng itim na demonyo na nasa itaas ng himpapawid ni Qiáo Jian.

"Ipinagmamayabang mo na ang ganoong bagay Qiáo Jian? Ito lamang ang masasabi ko sa iyo, Hindi na tayo magkasinlakas. Ipapalasap ko sa'yo ang pinalasap mo noong agwat ng lakas natin noong nakaraang sagupaan natin!" Seryosong turan ni Wong Ming habang kitang-kita sa mga mata nito ang labis na tiwala sa kakayahan at kapangyarihang meron siya.

Skill: Morph of the Ice Demon Warrior!

Mabilis na nagkaroon ng pag-ilaw ng malakas ng noo ni Wong Ming at lumitaw ang kakaibang mga simbolo sa noo nito hanggang sa nagbago ang kaanyuan nito at naging isang malaking nilalang na isang Ice Demon. Kitang-kita ang malaking pagbabago rito.

"Isang Ice Demon Warrior? nagpapatawa ka ba? Hahahaha... Hindi mo mapapantayan ang pambihirang skill ko na Dark Demon God ko Wong Ming kahit magtransform ka pa sa ganyang anyo!" Malakas na wika ni Qiáo Jian habang puno ng pangmamaliit sa tono ng pananalita nito.

Sa isang iglap ay nakita ni Wong Ming ang paggalaw ng kanang kamay ng Dark Demon God sa ere habang patungo ito sa kinaroroonan ni Wong Ming na nagbago ang kaanyuan nito sa isang dambuhalang anyo nito.

Tumama ang kanang kamay ng Dark Demon God sa tiyan ni Wong Ming na siyang ikinasiya ng kaloob-looban ni Qiáo Jian.

Ngunit ang sumunod na pangyayari ang hindi niya inaasahang magiging resulta ng ginawa niyang pag-atake kay Wong Ming.

Ni hindi man lang nagkaroon ng reaksyon ang Demon Form ni Wong Ming na siyang ikinabigla niya at ikinaalarma niya.

"Paano mong nagawang masangga ang pag-atakeng ginawa ko?! Hindi ito maaaring mangyari!" Puno ng pagtatakang sambit ni Qiáo Jian habang litong-lito ito sa resulta ng ginawa niyang pag-atake. Tila ba ang inaatake niya ay isang solidong pader na hindi niya man lang matibag-tibag dahil sa napakatibay nito para mawasak man lamang ang depensa nito.

IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 9] GODLY SERIES #3Where stories live. Discover now